Kabanata 3

9 1 0
                                    

"Araw ng mga puso"


ANO?! GUSTO NIYA AKO?! ALAM KO NA YANG MGA PAGAMIN NA YAN EH! Umiinit nanaman muka ko bat ganon?!

"Hindi sa ganoon binibini... nagustuhan ko lamang ang p-pormang ipinakita mo sa amin kanina..." nahihiya niyang tugon at sabay kamot sa ulo.

Napaka pilingera ko pala! Pasensya na talaga! Pero gusto ko naman talagang marinig sa kanya na gusto niya ako eh! Paasa ka talaga Izabel!

"P-pero g-gusto din naman kita eh..._ tugon pa ni Jacinto. Dahil dun lumaki mata ko. 'Di ko na talaga maintindihan yung lalaking yun.... sabihin niya na lang kase kung gusto niya ako. NAKAKAINIS!

"Gusto kitang dumalo bukas, dito... may selebrasyon kase dito sa bahay ng araw ng mga puso" tugon ni Jacinto

PILINGERANG PALAKA 🐸! TALAGA BA TADHANA!

"Ah sige po ginoo... Maghahanda na po ako. Uuwi na po ako paalam!" tugon ko at sabay takbo patalikod at kumaway. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at sinabing "Teka lang binibini....". "B-bakit po ginoo?" kinakabahan kong tugon.

"Pinagpaalam ko na Kay Madam Martina na hindi ka na muna sasama sa paghahanda ng hacienda dahil isa ka sa mga dadalo" tugon ni Jacinto. "S-salamat po ginoo..." pagpasalamat ko sa kanya.

-KINABUKASAN-

"Knock, Knock, Knock" tatlong sunod-sunod na katok ni Madam Martina. Agad naman akong bumangon at binuksan ang pintuan ng aming kubo.

"Ano pa ang iyong ginagawa Izabela!" galit na tugon ni Madam Martina. "P-pasensya na po Madam Martina, nasanay na po kase akong gisingin ni Ate Ilores..." tugon ko. "Sabi ng ginoo na hindi ka muna tutulong sa paghahanda ng hacienda... ngunit mamayang hapon pa ang selebrasyon Kung kaya't tulungan mo muna akong mag-ayos..." tugon ni Madam Martina.

"Ah ganun po ba... sige po... susunod po ako" tugon ko. Tumayo naman si Madam Martina at tumalikod. "Izabel po ang aking pangalan..." dagdag ko pa. "Pasensya na iha... malimutin na abg matanda..." tugon ni Madam Martina.

Habang nagaayos ng bulaklak sa hardin, Nakita ko si binibining Saffi. "Binibining Saffi!" pagtawag ko sa kanya. Naging magkaibigan kami noong magkaklase pa kami sa pag-aaral ng instrumento. Hindi pa bumabagsak ang negosyo noon eh...

"Izabel!" tawag niya sa akin habang tumatakbo papalapit. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya. "Huwag mo akong tawaging binibini... Parang hindi naman tayo magkakilala noon!" tugon niya pa.

"Nakakahiya naman kase eh... hindi na ako nagsusuot ng magagarbong damit tulad niyan" tugon ko at sabay turo sa damit niya gamit ang asking nguso. "Huh? Alin?" tanong niya. Siguro hindi niya nakuha ang gusto kong iparating. Hays!

"Sabi ko, magarbo ang iyong damit binibini..." tugon ko at sabay hawak sa aking saya at tumango. "Ano ba! Hindi ba't sabi ko sa iyo hindi ako sanay..." nahihiyang tugon ni Saffi. "Ngunit Isa kang binibini..." sagot ko. "Ay, oo nga pala binibini! Maghanda ka na... alas quatro na ng hapon!" tugon ko.

"Maghanda na kayo" pagsulpot ni Madam Martina. "Opo" sabay naming sagot ni binibining Saffi habang naka-tungo.

Dumating na rin ang ilan sa mga bisita dito sa hacienda. Lahat sila ay suot ang kanilang magagarbong damit. Tama nga sila Madam Martina at Ginoong Jacinto, madami nga ang nagsusuot ng unang damit na pinili ko 😅... Buti na lang nandoon sila para sabihan ako. Syempre araw ng mga puso ngayon! Dapat maging magarbo din ako noh!

BINIBINI • On-goingWhere stories live. Discover now