Kabanata 1

29 1 0
                                    

"Kamusta Binibini"


1887

"Gumusing ka na Izabel" sabi ni ate Ilores sa akin. "Ate... matulog ka pa kaya! Sobrang aga pa lamang..." tugon ko na may tunog na pagka-tamad.

"Hay nako Iza! Kailangan mo nang gumising! Maghahanda pa tayo ng pagkain para sa pamilya Cruz" medyo galit na tugon ni Ate Ilores.

'Iza' ang palayaw na ibinigay sa akin ng aking ama noong nabubuhay pa siya. Ako ay labing apat na taong gulang na, at mag-lalabing limang taong gulang na sa ika-15 ng Abril 1887.

Si ate Ilores naman ay dalawampu't isang taong gulang na, sa ika-8 Ng Setyembre. 'Lores' naman ang tawag ko kay ate Ilores. Kung tutuusin siya ay ang pinaka maganda sa aming dalawa hahaha. Parang nakuha niya ata ang lahing espanyol namin.... Meron siyang matangos na ilong at makikinang na mga mata. Nakakaingit!

Ayos lang naman... Maganda rin naman ako eh... Hahaha! Biro lamang!

Matangos din naman ako at makikinang ang mga mata... ngunit iba talaga ang taglay na kagandahan ni Ate Lores.

***

"Oh Iza, dalhin mo ito sa ika-5 silid." tugon ng punong tagapangasiwa ng hacienda Cruz na si Madam Martina.

Siya ay 40 taong gulang na, kung kaya't medyo sumasakit na ang kanyang balakang sa pag-akyat sa hagdan at ako ang inatasang ibigay itong pagkain.

Bakit ganoon! Hindi pa rin kukumukupas ang kanyang ganda! Pahaba ang kanyang mukha at may matangos na ilong. Siya ay matangkad at mukhang kakatayin ka na dahil sa kanyang itsura. Ang sama ko naman hahaha! Ngunit meron naman siyang malambot na puso at kahit kailan hindi niya sinigawan kaming mga tagapag-silbi.

"Para kanino po ito?" nagtataka kong tanong. "Sa Ginoo mo iyan ibibigay" sagot ni Madam Martina. "Sino pong Ginoo? Siya po ba Ang dumating ba kaninang umaga noong nag-aayos po kami ng hapag-kainan?" tanong ko ulit.

"Oo Iza, siya nga. Siya ang pangalawa sa panganay na anak ni Don Miguel. Siya si Jacinto, kasing edad mo lang siya. Siya ay may sakit kaya't ibigay mo na iyan. Hindi pa siya kumakain simula pa noong umagahan." sagot ni Madam Martina.

"Opo, masusunod po Madam Martina" magalang kong sagot. Pumunta ako sa ika-5 silid sa itaas at kumatok.

"Knock! Knock! Knock!" tatlong sunod-sunod na katok ko sa pinto. "Sino iyan?" tanong ni Ginoong Jacinto. "Ah eh... Si Izabel po ito Ginoo... Dala ko po ang iyong pagkain..." kinakabahan kong sagot.

Grabe! Kinakabahan talaga ako! Ngayon lang ako makaka-pasok sa silid ng isang Ginoo.

"Sige, tumuloy ka" mahinahong sagot ni Ginoong Jacinto. Agad naman akong pumasok sa silid ng Ginoo. Inilapag ko ang bandeha (tray) sa maliit na lamesa na nakalagay sa gilid ng pinto na makikita mo agad pagpasok mo.

Nakita ko siya sa higaan niya at siya ay nanghihina. "Ginoo, babalik ako ha. Sandali lang..." sabi ko.

Ang gwapo niya!😍Nakaka-humaling ang kanyang itsura kahit na siya ay nanghihina. Isa siyang Cruz kung kaya't siya ay may dugong kastila. Huwag Iza! Ayoko! Ayoko pang mahulog! Alam ko naman na aasa lamang ako sa taong iyan! Hahaha!

Bumaba ako mula sa kanyang silid at pumunta sa may mga naglalabada sa may ilog. Malapit lamang ang ilog mula sa hacienda kaya mabilis akong nakarating. "Ate Lores, pahiram muna nitong planggana ha!" paghingi ko ng permiso sa kanya. "Oo, sige!" sagot niya. Bigla kong kinuha ang maliit na planggana at patakbong pumunta sa ilog upang kumuha ng tubig.

BINIBINI • On-goingWhere stories live. Discover now