Nakauwi na ako sa bahay nang may nabalitaan ako kay Jahmie. "Panda alam mo na ba? Na kami na ni Nathan" text saakin ni Jahmie. HUWAT? Sila na ni Nathan? Wat? Paano? Kelan pa? "Sige Panda next time ko nalang ikukwento sayo" singit nyang tinext at nag-ok naman ako.Ay oo nga pala sasabihin ko na sa parents ko na kami na ni Alex, pero pano? How?? Papunta na ako sa kwarto nila mama nang narinig ko ang boses ni mama na may kausap sa phone.
Onti onti kong nilapit ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang usapan ni mama at nang kausap nya. "Kelan ba magaganap ang kasal?" Narinig kong tanong ni mama sa kausap nya sa phone. "Ok kelan pala kayo pupunta dito at ipapaalam ko sa anak ko ung kasalanan?" Tanong pa ni Mama sa kausap nya.
Hindi ko masydong maintindihan kung anong pinag-uusapan nila Mama pero ewan ko kung bakit ako kinikilabutan. Nung natapos na ang usapan na mama at nung kausap nya sa phone nya lumapit ako kay Mama. "M-ma may sasabihin po ako sayo" kinakabahan kong sinabi ni mama.
"Oh nak may sasabihin din ako sayo" sabi saakin ni Mama. At dahil dun kinabahan ako bigla. "Anak... Sana maintindihan mo ako...." Sinabi saakin ni Mama sa mababang boses at hinawakan nya ang dalawa kong kamay at pumikit. "Anak... Pinagkasunduan kayong ikasal ni Harry...." Sinabi saakin ni Mama sa mababang boses.
Huwat?! Ikakasal kami ni Harry?!! Hindi ito puede! Hindiii! Si Harry pala ang mayaman, badboy, medyo mabait, at matalino kong kaclassmate noon pero kahit kelan hindi ko sya naging type!
"P-pero Maa!" Sigaw ko kay Mama dahil dum onti onting bumuhos ang luha ko dahil sa oras na ikasal kami ni Harry mawawalan na kami ng pag-asa ni Alex! "Maaa!" Naiiyak kong sinabi kay Mama.
"Ma!.... Hindi mo alam tong nararamdaman ko" umiiyak kong sinabi kay Mama. "Bakit anak?" Tanong nya. "Maaa! May Boyfriend nako!" Sabi ko at dahil dun dumami pa lalo ang luha na nalalaglag sa mata ko. Hindi ko na kayaaa! Bakit pa ba kami ikakasal ni Harry? Di ba puede na ako ang magdedesisyon sa buhay ko?
"Sorry anak pero napag-desisyonan na namin ni Papa mo eh at napag-sundan na namin yung kasal, pasensya na Anak" sabi nya at napa-yuko sya habang umiiyak ako ng todo. "Maa hindi ako papayaggg!" Umiiyak kong sinigaw at nag-walk out ako bigla.
Dumiretso naman ako sa phone ko at tinext si Alex. "Babe pls mag-kita tayo ngayon punta tayo sa plaza" text ko sakanya habang umiiyak parin ako. "Ok baby" sagot nya saakin. Pagkatapos na pagkatapos nya mag-reply tinanong ko sa sarili ko. Bakit? Bakit ganito ang mga nangyayari sa buhay koo? Haysss.
Papunta nako ngayon sa plaza at nakita ko si Alex na naglalakad papuntang plaza at bigla akong tumakbo papunta sakanya at yinakap sya ng mahigpit. "Oh babe bat parang napakatagal nating hindi nagkita" pang-aasar nyang sinabi. At napaluha ako ng konti "oh bat ka nag-luluha? Anong problema" tinanong nya saakin sabay punas sa luha ko.
"Babe kung ano man ang problema mo sabihin mo saakin makikinig ako" mahinhin nyang sinabi saakin at hinawakan ang kamay ko. Yinuko ko ang ulo ko at plano kong hindi muna sabihin sakanya kasi baka masaktan lang sya.
Sana naman malagpasan ko na itong problema kong ito para naman kahit papaano mawala na ang sakit sa ulo ko at ang sakit rin sa puso ko.
~Hindi kita kayang iwanan :(
~Sana panaginip lang ang lahat ng ito para sumaya na ulit ako
~Kasi nung oras na nalaman ko ang kasal, parang may tumusok sa puso ko
BINABASA MO ANG
Just Best Friends (BestFriend Series#1)
Teen FictionCyara, A simple girl in a very simple world. Fell inlove with her bestfriend that love her too. They had happy relationship not until she was forced to break up with him. Knowing that they are living a forbidden love, they still stood up for each o...