JBF 19 ~|Surprise Sleepover|~

17 5 3
                                    


Chapter 19

Nandito kami ni Jahmie papunta sa bahay ko at mag-aayos ng gamit kasi nauwi ko na ang mga damit kong naiwan ko sakanila noon.

"Panda ok lang ba kung isama natin sila Aries at Rhianne?" Nahihiya nyang sinabi.

Aries Alfonso: nababatang kapatid ni Alex mas bata sya ng 1 year sakanya. At naging best friend since high school namin ni Jahmie.

Rhianne Garcia: Best friend namin ni Jahmie since college.

"S-sige" Nagdadalawang-isip kong sagot. Kasi baka sugudin ako ni Alex pag nakita nya ako, Tss! Ayaw ko pa naman syang makita kasi nababadtrip nga ako sakanya! Pero hinatay-hinatay lang sya masasawa din akong magalit sakanya HAHA.

Nakarating na kami sa bahay at agad akong nag-ayos ng gamit at nagpaaalam muli sa parents ko. Pagtapos kong mag-ayos ng gamit agad naman kaming dumiretso agad kami sa bahay nila Aries.

Nakarating na kami sa bahay nila Aries nang makita ko sa bintana nila si Alex na nanonood ng tv sa loob. Nako baka mamaya pag nakita ako ni Alex hinahin ako nun para mag-sorry. Hula ko magsosorry ng magsosorry yun hangga't mapatawad ko sya.

"Panda di nalang muna ako papasok sa loob." Sabi ko kay Jahmie. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Jahmie. "Ahh k-kasi tinatamad akon--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila ako ni Jahmie papunta sa tapat ng gate nila at pinindot nya yung doorbell.

"Tsk! Panda bitawan moko!!" Pasigaw kong sinabi sakanya. "Bakit ba kasi ayaw mong pumasok?" Nang-aasar nyang sinabi. "Ihh bastaaa!!" Naiinis kong sinigaw. "Wag kana kasing maarte" natatawang sabi ni Jahmie. "Ihh kasii basta bi--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang lumabas si Alex sa bahay nila at binuksan ang gate.

At dahil nakita rin naman ako ni Alex pumasok narin ako. Habang naglalakad kami nila Jahmie papasok sa bahay nila alex napapansin kong patingin tingin saakin si Alex. "Alex nag-ayos naba ng gamit si Aries?" Tanong ni Jahmie kay Alex. "Ahh oo" sagot ni Alex.

"Cyii! Jahmie!!" Sigaw ni Aries habang tumatakbo papunta samin. "Oh naka-ayos na ako ng gamit tara na!" Exited na sinabi ni Aries. "Oy Rhies bakit hindi ka nag-aate sakanila ah mas nakakatanda nga sila sayo eh" sabi ni Alex kay Aries.

"Ohh cmon kuyaa! Its like 1 year age gap tapos mag-aate ako sakanila HAHA" Patawang sinabi ni Aries habang nakitawa na din si Jahmie. "Osige umalis na nga kayo" Sinabi ni Alex na parang bang napikon HAHA.

Naglalakad kami nila Jahmie papunta sa bahay nila Rhianne. Nagkukwentuhan si Jahmie at Aries sa harapan ko habang naglalakad kami. Nandito ako sa likuran nila nagcecellphone.

Tahimik lang akong nagcecellphone dito sa likod nila hanggang..... May humila saakin papalayo kila Jahmie..... Tinakpan ang mata at bibig ko habang hinihila ako.....

Fast forward to sleepover*

Nagluluto kami ng kakainin naming hapunan nila Aries bago kami manood ng movie. Hindi talaga ako maka-paniwala sa nangayari kanina, akala ko katapusan ko na eh. Naabutan ko sila Jahmie na nandito na sa bahay nila nang---

"Nako nako Panda ano ba kasi nangyari sayo?" Nag-aalala na may halong pang-aasar na sinabi ni Jahmie. "Wala wala! Bumalik lang ako sa bahay may nakalimutan lang ako" palusot ko kila Jahmie. "O togolo bo? Lung may kinuha ka edi nagpaalam ka saamin!" Pang-aasar ni Jahmie.

"Oh cmonnn! Who cares? Just forget it" naiinis kong sagot. They don't care naman kung sinabi ko, aasarin lang nila ako the whole night.

"Oh ano gusto nyo?" Tanong ni Jahmie habang naghahanap ng papanoodin na movie. "Oh maghorror tayo!" Naeexite na sinabi ni Rhianne. "Seriously Rhia? Baka mamaya di tayo makatulog" nanginginig na sinabi ni Aries. "Pfft! Rhies wag kang matakot nandito kami kaya maghohorror tayo" sabi ni Jahmie.

"Ano ba magandang movie?" Tanong ni Jahmie saamin. "Tanongin nyo yan si Cyi madaming alam yan eh" sabi ni Rhianne. Napatingin naman sila lahat saakin umasaang mag ibubuka tong bibig ko, well meron nga HAHA.

"Uhmm, Cunjuring? Insidious? 7 apostles? Or kwaresma? Banal? Ewan koba kasi?!" Naiirita kong sinabi habang pairap irap ang mga mata ko.

"Ok Mrs. Alfonso! Kami na nag pipili" pang-aasar ni Jahmie. What the heck! Mrs. Alfonso? Mayghadd.....

Abangan ang Sleepover 2.0...

~Muntikan na akong mahinatay sa ginawa nya kanina
~Wala namang sasabihin importante.

Sino kaya ang humagip kay Cyara habang naglalakad sila? Abangan sa Chapter 20 :)

HENLOW!💗 Nagrerecommend po ako sainyo ng story na ginawa po ng BFF ko. "UNLOVABLE" Author: Rhychiee. Super recommend ko po syaa nakakakilig po sya! promise😊

Just Best Friends (BestFriend Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon