Chapter 22Natapos na ang Sleepover at nakauwi na ako dito sa bahay. "Nak nakakain kana ba ng hapunan?" Tanong ni Mama. "Hindi ok na po Ma" Matamlay kong sagot nang naalala ko ang ipinagsundong Kasal namin ni Harry.
"Matutulog nalang ako Ma" Matamlay kong sinabi Kay Mama at tumungo sa kwarto ko.
Pasado 12am na at nag-cecellphone parin ako nang narinig kong may naglalakad papunta sa pintuan ng kwarto ko. Agad ko naman tinago abg phone ko at nag-kunwaring tulog.
Hindi ko alam kung sino iyon dahil naka harap ako sa ding-ding. Bigla naman syang tumabi saakin at nagsalita. "Anak kung tulog o gising ka man gusto kong mag-paumanhin sayo" mahihinhin na salita ni Mama. Bat nandito si Mama?
"Nak sana naman maintindihan mo kung bakit ka namin ipapakasal kay Harry, pasensya na dahil baon tayo sa utang at hindi sapat ang kinikita namin ng Papa mo para sa pang araw-araw na kita nating pamilya." Panimula ni Mama. Naiintindihan ko naman si Mama dahil mahirap lang kami at hindi nga sapat ang pera namin para sa pang araw-araw na gastusin namin.
"Atsaka pala anak bukas magmamanhikan na sila, pupunta sila dito at sana naman mag-behave ka." Sabi ni Mama at tuluyang umalis sa kwarto.
Wait?! Magmamanhikan na bukas! Eh hindi pa nga ako nagpapaalam kay Mama at Papa na gagala kaming "magtropa" hayssss. Siguro maiintindihan naman ni Alex yun.
"Lex Sorry bukas pala may family reunion kami" Tinext ko kay Alex.
"Hala sige hmmm, sa weekend nalang?" Sagot nya.
Sa totoo lang hindi ko talaga kayang aminin kay Alex yung totoo kasi alam kong masasaktan lang sya."Sige sa Saturday nalang byeee labyuu" Nagmamadali kong text kay Alex dahil hindi ako mapakali kaka-isip na bukas na ang pagmamanhikan.
"Osige Tulog nako ikaw din! Labyutoo" Sagot nya sa text ko at tuluyan ko nang pinatay phone ko at inilagay sa table.
Naku ano kaya mangyayari bukas.....
Nagising ako ng maaga dahil sa kakulitan ni Bunso. "Ate! Ate! Gising na! Pupunta na sila kuya Harry!" Naomi ang nakababata kong kapatid. High school na sya pero isip bata pa rin!
"Eto na gigising na 'ko!" Inaantok kong sinabi
"tara na aayusan kita Ate" Pahilang sinabi ni Naomi.
"Teka lang eto na!" Patayo kong sinabi.
Naligo ako at agad naman ako pumunta sa kwarto. Sabi ni Mama magsuot daw ako ng dress pero wala akong dress! Pano na yan? "Maa! Wala pala akong dress!" Pasigaw kong sinabi.
"Ateee! Eto meron ako!" Sigaw ni Naomi at tumakbo papunta sa kwarto ko. Nagdala sya ng isang black dress na off-shoulder. Wow hindi ako nag-susuot ng ganyan!
"Ano ka ba Nana! 'Di ako nagsusuot nyan!" Sabi ko sa kanya pero binalewala nya lang.
"Sige na suotin mo na yan!" Pilit nya sakin. Di ko na tinanggihan para matapos na naman toh agad!
Sinuot ko na ang dress. Grabe ang ganda sa akin! Buti nalang kasya toh sa akin! Nagsha-share kasi kami ni Naomi ng mga damit dahil pareho kami ng katawan. "Wow ate bagay sayo yan!!" Puri ni Naomi. Sa totoo lang sang-ayon ako sa kanya! HAHA
"Tara ate ayusan na kita ng buhok!" Hinila ako ni Naomi papunta sa vanity table namin.
"Beh wag na, ok na tong naka lugay nako" mahinhin kong sinabi sakanya.
"Osige na nga Ate! Masyado lang akong exited!" Hayyy dapat pala sinabi ko kay Nana na may bf na 'ko!
"Halika nga Nana!" Hinila ko sya papunta sa sulok ng kwarto ko at tumingin ako sa paligid para sure akong walang tao.
"Ate bakit?" Tanong niya.
"Kasi Nana, secret lang natin toh ha!" Mahinhin kong sinabi sakanya.
"Yes ate" sagot nya.
"Kasi beh, may boyfriend na ako" bulong ko sakanya
"Atee?!" Nagulat nyang sinabi.
"Oo, kaya shhh kalang" sagot ko sakanya.
"P-pero--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang sumingit ako.
"Wag kang mag-alala mas pipiliin ko kayo at magiging maayos din ang lahat. Sagot ko, tumango naman si Naomi.
"Sige Ate magbibihis na ako" sabi nya at agad naman syang lumabas sa kwarto at kumuha ng damit.
()()()()()()()()()()()()()
Nasa sala na kami at hinihintay sila Harry. Patagal ng patagal ang oras, ay lalo akong kinakabahan dahil who would know? Ikakasal ako sa hindi ko gusto. Just ARGHH.
BINABASA MO ANG
Just Best Friends (BestFriend Series#1)
Teen FictionCyara, A simple girl in a very simple world. Fell inlove with her bestfriend that love her too. They had happy relationship not until she was forced to break up with him. Knowing that they are living a forbidden love, they still stood up for each o...