NOTE:
I made a conflict, it’s White Dragons NOT White Shadows.
Please bear with me, nalilito na rin ako. Lmao
-Chapter 4
Helleia Demetria’s POVHustong pagbaba namin ni Natsume sa sasakyan galing sa mall ay bumaba rin ng sasakyan sina Red, Sasuke at Moonstone. Halos madapa-dapang tumakbo palapit sakin si Red saka ako hinila at niyakap ng mahigpit.
“Fuck! I-I’m scared. I’m so damn fuckin scared, wife, thank God you’re safe” halos manginig-nginig na bulong nya habang yakap ako ng sobrang higpit.
Binalot ako ng pagtataka at pag-aalala lalo na nang maramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso nya at pagkapaos ng boses nya. Ramdam ko rin ang pangangatal nya at ang mabilis na paghinga.
Ano bang nangyayari? Umalis lang sya kanina para asikasuhin ang Falcon Corp tapos bumalik syang ganito.
Tiningnan ko sina Sasuke at Moonstone. Nakapikit si Sasuke habang humihingal at nakapamewang, sa hitsura nya ay para bang napanatag ang loob nya nang makitang nakatayo pa ako at humihinga. Si Moonstone naman ay seryoso ang mukha habang titig na titig sakin.
“Sandali nga, ano bang nangyayari?” tanong ko saka sinubukang kalasin ang yakap sakin ni Red pero mas lalo lamang nyang hinigpitan ‘yon.
Gosh! Natatakot ako para sa asawa ko, baka kung anong mangyari sa kanya dahil sa ginagawa nya.
“Red, tell me what’s the matter” may diin na utos ko saka sya marahang inilayo sa akin.
Umawang ang labi ko nang makita ang mukha nya. Titig na titig sya sakin at halos hindi sya kumurap. Ang labi nya ay nakaawang dahil sa paghingal at may butil pa ng pawis sa noo nya.
Hinugot ko ang panyo sa bulsa ko saka marahang pinunasan ang pawis nya. Nakatitig lang sya sakin habang ginagawa ko ‘yon.
“Calm down, hubby. Pumasok na tayo sa loob at doon mag-usap”
Hinawakan ko ang kamay nya, mahigpit na hawak saka sya hinila papasok ng gate, naunang pumasok si Sasuke at binuksan nya ang pinto para mauna kami ni Red na pumasok.
Pinaupo ko sya sa couch nang makarating kami sa living room, inutusan ko rin si Natsume na kumuha ng tubig para sa tatlo.
Nakatayo lamang ako sa harap ni Red, hawak ko sa kanang kamay ko ang balikat nya at hawak naman nya ang kaliwang kamay ko. Lumunok sya habang nakatitig pa rin sakin, tila pinapakalma ang sarili, o kinubumbinsi sa isang bagay na hindi ko alam.
Nang matanaw ko si Natsume ay agad kong kinuha ang isang baso ng tubig na dala nya saka pinainom kay Red. Nakita kong pinainom nya rin sina Moonstone.
“Ngayon, sabihin mo sakin kung anong problema”
Sinulyapan ko sina Sasuke at Moonstone saka muling ibinalik kay Red ang buong atensyon ko.
He’s hesitating, i can see it in his eyes pero hindi maari ‘yon. Kailangan kong malaman kung bakit bigla silang sumugod dito, lalo na’t mukhang takot na takot silang tatlo. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero isa lang ang sigurado ko, ako ang dahilan ng pagiging takot nila. I mean, bakit matatakot si Red kung hindi naman ako ang involved, hindi ba?
“I-I recieved a call, you were with him and i don't know what to do, i-i thought i’d lose you, he’s—he’s threatening me to kill you, wife, i‘m so scared, please tell me you will always be safe, i’m sorry for hurting you, for rejecting you, i know i’ve done so many bad things to—”
“RED! RED!” hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi, umiiling-iling kasi sya habang dire-diretso ang pagsasalita, natataranta rin sya at kitang-kita ko ang takot sa mga mata nya.
“Calm down, hubby, you won't lose me, never” mahinahon kong saad saka sya hinila at niyakap.
Nakasubsob sa tagiliran ko ang mukha nya at sobrang bilis ng paghinga nya.
Nilingon ko si Sasuke, mukhang hindi nya rin kayang magsalita kaya bumaling ako kay Moonstone. “What happened, Moonstone?”
She gulped and balled her fist. “Someone called Mr. Falcon, saying you’re with him, he even sent us a picture of you in a bookstore. I don't know who he is, queen, but Mr. Falcon knew and i think he’s more than what i think he is for scaring your husband like that”
Lumunok ako. Tumungo para tingnan si Red na mahigpit na nakayakap sa bewang ko.
Kung sino man sya, sisiguraduhin kong hindi sya magtatagumpay sa binabalak nya. How dare him threatened my husband? I will never let this slip away, kung nagawa nyang takutin ang asawa ko sa paggamit sakin, sisiguradin kong mabibihag sya ng sarili nyang patibong.
BLAAAAGGG
Napalingon kaming lahat nang marahas na bumukas ang pinto. Nangunot ang noo ko dahil halos masira yon, biglaan din ang pagtayo ni Red kasabay ng paghawi nya sakin upang itago ako sa likuran nya.
“MR. FALCON!”
Humahangos na lumapit sa amin ang isa sa reaper ng Morfell, may mga galos sya sa mukha at braso, putok din ang labi nya.
Naalarma ako, tiningnan ko ang tatlo pang reaper na kasama nya, katulad nya ay para rin silang binugbog ng isang daang gangster.
“Our big boss, nagwawala sya, hindi namin mapigilan”
Umawang ang labi ko dahil sa gulat. Kailan pa natutong magwala si Hellion na palagu namang kalmado?
Mabilis kaming tumakbo palabas, si Natsume ang nagmaneho ng kotseng sinasakyan namin ni Red, kasunod namin sina Moonstone at ang mga reapers ng Morfell.
Nang makarating kami sa bahay ni Hellion ay naabutan namin sina Daemon at Fire na nakasalampak sa labas ng gate ng mansion, pareho silang bugbog sarado.
May blackeye si Daemon, may tama ng bala ng baril sa kanang binti at putok ang labi. Si Fire naman ay namamaga ang pisngi, may tama ng bala sa kaliwang braso at may sugat sa ulo.
Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawang kamay. Anong nangyari?
“Daemon, Fire” tawag ni Sasuke sa dalawa na pagod na lumingon sa direksyon namin, tila ba alam nila na nandito kami pero wala silang lakas na lumingon.
“We tried our fucking very best to stop him but he’s damn strong as fuck!” it’s Daemon, laughing while shaking his head.
“He fell inlove with the woman who’s paid to kill him. What else can we do? It’s his heart who decided” nakayukong sabi naman ni Fire.
Naguguluhan ako. Hellion fell inlove? With whom? I-Iyong babaeng tinawag nyang Dane? B-But..
“Where is he?” malamig na tanong ni Red.
“He’s chasing his girl” mariing pumikit si Fire saka tumingala. “I’ve seen how they fell inlove with each other but fate won't give them a chance”
Daemon stood on his feet and clenched his teeth. “Danger Resurrection became his weakness and she’s the only one who can tame him”
Suminghap ako. Danger Resurrection. Sya ‘yong babaeng biglang dumating sa buhay ni Hellion matapos naming ikasal ni Red.
D-Dane. D-Danger. Iisa sila!
“But your grandfather took her as a bait to manipulate your brother” dugtong muli ni Daemon.
Nanlamig ako. G-Grandfather. Sya ang kalaban namin? Kaya ba ganoon nalang ang takot ni Red kanina? Kaya ba nagawa nyang magsakripisyo noon para sakin? Hindi lang dahil malakas ang lolo nya kundi dahil kadugo nya ito at hindi nya matanggap na kapamilya nya ang kalaban namin?
Ibig sabihin, sya ang puno't-dulo ng lahat. Sya ang pinuno ng White Dragons. T-This is crazy! How can he be so heartless? Apo nya sina Hellion at Red!
—
3.10.20
BINABASA MO ANG
The Boss' Wife 2 [TBW 2] Completed
ActionCOMPLETED AND EDITED VERSION IS AVAILABLE ON DREAME Are you ready to taste the hell? The real demon is on his way. The Boss's Wife book 2 ~sinnederella,2020