Chapter 3

4.5K 98 3
                                    

NOTE:
I made a conflict, it’s White Dragons NOT White Shadows.
Please bear with me, nalilito na rin ako. Lmao
-

Chapter 3
Helleia Demetria’s POV

Taas noo akong nakaupo sa single couch habang nakadekwatro at nakahalukipkip. Kanina pa ako dito, wala akong magawa dahil bukod sa tapos na akong maglinis ng bahay e wala akong ganang lumabas. Pagkatapos akong tanggihan ni Red ay hindi ko sya kinausap, at isang buong araw ko na syang hindi pinapansin.

Speaking of Red, wala sya dito, may aasikasuhin daw sya sa kompanya nya. Aish! Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano ako napahiya kay Moonstone at sa sarili ko. Nakakainis! Bakit ko ba kasi ginagawa ‘yon? Well, uhh! Gusto ko lang naman kasing magampanan ang pagiging asawa ko sa kanya, if you know what i mean..

“Queen”

“AY ASAWA NG BUTIKI!”

CRASH

Suminghap ako at pinanlakihan ng mata si Natsume na biglang sumulpot kung saan. Nanlalaki naman ang mata nya habang nakatingin sa nabasag na basong nabitawan ko dahil sa gulat.

“What the hell, Natsume?!”

Tumayo ako at pinagpag ang nabasa kong damit. Kulay pula pa naman ang kulay ng juice na iniinom ko.

“Oh shit! I’m sorry, queen”

“Ano ba kasi ‘yon? Bakit bigla-bigla kang sumusulpot at kailan ka pumunta dito?” naiiritang tanong ko.

Tumungo ako at tiningnan ang basa kong damit. Para akong nasaksak sa hitsura ko. Puti pa naman ang suot kong shirt.

“I came here an hour ago, queen, binati kita pero mukhang hindi mo ako napansin kaya dumiretso nalang ako sa control room para icheck ang mga kuha ng CCTVs” paliwanag nya saka dahan-dahang naglakad palapit sakin.

“Please change your clothes, queen, Mr. Falcon might get the wrong idea. Baka bigla nalang kumalat sa sahig ang utak ko” dugtong pa nya.

I pursed my lips and heaved a breathe. Naalala ko nanaman ang kahihiyang inabot ko kagabi.

“Stay here, mabilis lang ako”

Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto, mabilis din akong nagpalit ng damit at inilagay sa lalagyan ng maruruming damit ang hinubad ko.

Pagbalik ko ay naabutan ko si Natsume na prenteng nakaupo sa couch. Malinis na rin ang kalat na naiwan ko kanina, wala na ang bubog at makintab na ulit ang sahig.

“Did you find something suspicious?” tanong ko saka nagsalin ng panibagong juice sa bagong baso na nakita ko sa maliit na lamesa.

Umiling sya habang nababahala ang mukha. “Wala at mas nakakakaba dahil wala manlang paramdam ang White Dragons. We all know na buhay pa ang mga miyemro at lider nila, hindi tayo pwedeng makampante”

I rolled my tongue over my lip and pinched my nose bridge. Hindi ako natatakot sa pwedeng gawin ng White Dragons, natatakot ako ay sa kakayanan nila na wasakin ang Vandross. Hindi nila madaling masisira ang Morfell pero ang Vandross, kayang-kaya nilang muling pabagsakin. Oo nga’t nakuha ng Vandross ang proteksyon ng Aces at Crimson Royalties, dagdag pang asawa ko si Red pero hindi ibig sabihin noon na ligtas na ang organisasyon ng ama ko.

“Another thing, queen, hindi ko pa rin nahahanap kung nasaan si Loraine Pascua, ang babaeng kamukha mo na minanipula nina Mr. Falcon at Ms. Luther” dugtong muli ni Natsume.

Sumasakit ang ulo ko. Bakit pakiramdam ko ay mas lalong lumala ang sitwasyon? Parang mas lumalabo ang lahat, sa bawat sikretong nabubunyag, bakit tila mas nagiging komplikado ang sitwasyon?

Kailangan kong kumilos. Alam kong kumikilos si Red at inililihim nya ‘yon sakin. Nakakainis! Hindi ko pa ba napapatunayan sa kanya na kaya ko? Bakit wala pa rin syang tiwala sakin?

Bumuntong-hininga ako.   “Just focus on finding, Loraine Pascua for now. Hindi natin basta-basta mapapasok ang White Dragons, ipaubaya na natin kay Red ang bagay na ‘yon”

“Yes, queen, by the way, isa pang dahilan kung bakit pumunta ako dito ay inutusan ako ni Sasuke na samahan kang bumili ng mga librong aaralin para sa acceleration test mo”

Nandito kami ni Natsume sa National Bookstore, almost thirty minutes na kami dahil nawili ako katitingin ng mga libro. Natutuwa ako sa mga fictional stories na nakikita ko kaya naman hindi ko naiwasang bumili ng ilan.

“What kind of books are they, queen? You should be buying books for educational purposes not  some weird fictional books” si Natsume na lukot na lukot ang mukha.

Sinamaan ko sya ng tingin. Anong masama sa pagbili ng mga ganitong libro? Maganda rin ‘tong libangan sa gabi kesa akitin ko ang asawa kong hindi nabibihag ng alindog ko. Psh.

“This is what they called life, Natsume” masungit na sagot ko saka sya tinalikuran.

“Life? Libro, buhay? She’s weird” rinig ko pang bulong ni Natsume.

Hindi ko nalang sya pinansin, dumiretso ako sa counter para bayaran ang higit limang fictional books na kinuha ko, sumunod naman sakin si Natsume dahil nasa kanya ang mga librong kailangan kong pag-aralan.

Lalaki ang nasa counter at napapakunot ang noo ko dahil sa titig nya sakin. May kulangot ba ako sa pisngi? O baka may muta ako?

“You’re a fan of science fiction, ma’am. Cool” nakangiting saad ng lalaki.

Tipid lang akong ngumiti. Mukhang babaero

Akmang magsasalita ulit ang lalaki nang biglang sumulpot sa gilid ko si Natsume. Pokerfaced ang mukha nya at pabagsak na inilagay sa counter ang mga librong hawak nya.

“Just do your job and don't flirt with my queen, she’d married” iritadong saad ni Natsume.

Mangha akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam na ganito sya ka over protective. Usually kasi ay si Moonstone ang ganoon sa akin, ni ayaw nga noon na lapitan ako ni Sasuke na protector ko. People around me are crazy!

“O-Oh. Y-You’re married” pag-uulit ng lalaki na parang hindi makapaniwala.

Ngumiti ako saka bahagyang itinaas ang kaliwang kamay ko para ipakita ang singsing ko. I am proud of my husband kaya hindi naman siguro masama na ipagmalaki ko na kasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko.

Pagkatapos namin sa National Bookstore ay dumiretso kami ni Natsume sa Starbucks. Busangot pa rin ang mukha ng kasama ko kaya hindi ako mapakali, pakiramdam ko kasi ay sasabog na sya at anytime ay pwedeng manasaksak ng kung sino.

Ang laki ng problema nya sa lalaking cashier, grabe!

“Men nowadays are such a flirt” palatak ni Natsume matapos sumimsim ng kape.

Umismid sya saka umirap sa kawalan at muling tumingin sakin.  “You know what, queen, Mr. Falcon is such a short tempered guy but i like him for you. He loves you and treasure you so much, no man can jump in a bullet for a woman just like how Mr. Falcon did”

I wonder how deep her grudge is towards men. Matagal ko nang napapansin na mainit ang dugo nya sa mga lalaki. Tinatarayan nya ang sinumang lalaking lalapit sa kanya lalo na’t hindi tungkol sa kompyuter ang sadya, well, except Red, halata namang hindi nya tatarayan ang asawa ko dahil obviously, idol nya si Red just like how Edrix idolized him.

“Let’s go home, baka basagin mo ang pagmumukha ng mga lalaki dito” natatawang pag-aaya ko saka  nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng Starbucks.

Hmm! Ang sarap talaga ng hangin sa labas. Ang sarap maging malaya.


UNEDITED
03-01-20

The Boss' Wife 2 [TBW 2] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon