Chapter 25

4.6K 155 12
                                    

Chapter 25
     
       
       
       
       
     
Adi's POV
        
           

Nakatingin ako ngayon sa labas ng bintana habang hinihimas himas ang noo kong masakit dahil pinitik ni kuya magnus. Magkaka internal hemorrhage na talaga ako.

"You deserve that!" Natatawang sabi ni zach na deretsong nakatingin sa daan. Kaya nilingon ko siya at tinignan ng masama.

Dito ako nakaupo sa passengers seat dahil wala na akong choice, nilagay ng lalakeng to ang lahat ng mga bagahe ko sa back seat.

"Sinabihan na kitang wag kang magmura, pero matigas ang ulo mo, kaya ayan ang napala mo" talagang binibwisit talaga ako ng baliw na to!

"Tumahimik ka! Mag drive ka nalang!" Inis na sabi ko na mas lalong nagpatawa sa kanya. Baliw talaga!

Naging tahimik na ang buong byahe namin hanggang sa makarating kami ng condo niya.

"I'll be sleeping in your room"  sabi ko at umupo sa sofa niya.

"Sige ba. Tabi tayo!" He grinned

Nilapag niya ang mga gamit ko sa sahig at umupo sa kaharap kong sofa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya

"No! You'll be sleeping here." Turo ko sa sofa niya.

Binigya niya ako ng isang masamang tingin.

"Tandaan mo Ms. Montreal, nakikitira kalang dito sa bahay ko!" May diin ang pagkakasabi niya.

Tinanggal na niya ang coat niya at tinapon ito sa isang solo sofa na nasa tabi niya.

"Speaking of, paano kayo nagkakilala ni kuya, at sobra ang tiwala niya sayo?" Seryosong tanong ko.

Sumandal siya sa sofa at nagcrossarm.

"It's a long story" tamad na sagot niya

Tumaas ang isang kilay ko sa sagot niya.

"Then, make it short!" Medyo naglean ako palapit sa kanya, kahit malayo naman siya. Hahaha

"You're so annoying" inis na sabi niya

Wow ha! Ako pa ang annoying?

"And so do you. So now, tell me! Bakit parang matagal na kayong magkakilala nila kuya?" Tanong ko ulit.

Nagbuntong hininga naman siya na parang suko na siya sa pangungulit ko.

"I was once a trainee in your family's organization" tamad na sagot niya at humiga sa sofa. "Im tired, you should rest too." Dagdag niya

"Really? Since when? Bakit parang hindi kita nakita don?" Excited na tanong ko.

"Tss" he hissed "I said I'm tired. Bukas ka na lang magtanong, matutulog na ako" sabi niya at ipinikit na ang mga mata niya.

"Aiiish! Sagutin mo muna ang tanong ko! Promise, last na to." Naiinis na sabi ko. Kaya minulat ulit niya ang mga mata niya at nilingon ako, nakahiga parin siya at hindi gumagalaw sa posisyon niya.

"Matagal na yun. Pero umalis din ako. At hindi mo ako nakita noon, dahil nasa iisang tao lang ang atensyon mo" mahina ang pagkakasabi niya sa dulo kaya hindi ko maintindihan.

"I already answered your question. Kaya magpahinga ka na dun. Dun ka na sa kwarto ko, ako na ang nahiya sayo!" Inis na sabi niya at ipinikit na ang mga mata niya.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon