Chapter 59

3.5K 130 12
                                    

Chapter 59
         
            
         
                  
Adi's POV
       
         
        
Nakauwi na kami sa bahay, pero, hindi parin ako pinapansin ng raulong to.

"Bakit ba hindi mo ko pinapansin?" Inis na sabi ko kay Zach na ngayon ay nandito sa malapit sa pool at nakatulala lang sa kawalan. Mukhang may iniisip siya.

Hindi niya ako nilingon kaya naglakad na ako papunta sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay "Galit ka ba dahil lang sa sinabi ko na mas gwapo si Ivan?" Naiinis na talaga ako sa Pinturang siraulo na to.

Tinignan niya lang ako saglit bago ako tinalikuran at naglakad palapit talaga sa pool. Bigla niyang hinubad ang damit pantaas niya at tanging shorts na lang ang suot niya bago siya tumalon sa pool.

Kumunot ang noo ko, dahil hindi ko maintindinhan ang trip ng lalakeng to. Kainis.

"Kung ayaw mo akong kausapin! Edi wag! Sipunin ka sanang baliw ka!" Inis na sabi ko at saka siya tinalikuran bago ako pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina.

Nagutom ako. Bwisit kasing lalakeng yun. Nakakainis. Aiiissh!

"O? Anak? Nagutom ka na naman?" Natatawang tanong ni nanay perla habang pinapahuran ang kamay niya sa bimpo.

Katatapos lang kasi naming mag dinner. Tapos naunang umalis si Zach at dun tumambay sa pool area. Kaya pagkatapos kong kumain, sinundan ko siya. Pero binwisit ako eh. Kaya mukhang nagutom ulit ako.

Umupo ako sa silya at tumango sa kanya. "Mukhang, gusto ko po ata ng dessert, may cake pa po ba?" Nakangiting sagot ko kaya natawa si nanay.

"Ikaw talagang bata ka. Ang takaw takaw." Napapailing na sabi niya habang natatawa.

Binuksan niya ang ref at kinuha don ang chocolate cake na binili nina kuya Ali kagabi. May natira pa kasi. May ibang flavor ng cake pa sa ref, pero chocolate cake lang ang kinakain ko. Hindi kasi masarap ang iba.

Tumayo na ako at kumuha ng platito at tinidor. "Ikaw nay? Gusto mo?" Alok ko sa kanya pero tumanggi siya.

"Hindi na anak. Busog pa ako, kakatapos lang nating kumain kanina" sagot niya bago ibinalik ang cake sa ref.

"Aah! Nay, bakit hindi ko po nakikita si Ate Janna dito? Umuwi na po ba siya?" Tanong ko bago sumubo ng cake.

Ilang araw ko na kasing hindi nakikita si Ate Janna dito. Ang sabi kasi ni nanay perla, naghahanap siya ng trabaho, kaya dumito muna siya.

Umupo si nanay perla sa harap ko bago sumagot sa tanong ko.

"Sinama siya ni Jaxon sa business trip niya. Kinuha niya kasi bilang sekretarya si Janna sa opisina niya" sagot ni nay perla.

Tumango tango ako habang nasa bibig ko pa ang kutsara.

"O sha! Anak! Mamalantsa na muna ako ng mga damit. Ilagay mo na lang sa lababo ang mga yan. Ako na ang maghuhugas" aniya at tumayo na bago naglakad palabas ng kusina.

Nabored ako sa kusina, kaya naisipang kong dun na lang sa living room kumain at manonood na lang ako ng Anime.

"Kumakain ka na naman?" Tanong ni Zach na tapos na palang maligo sa pool. Nakabihis na siya ngayon at basabg basa ang medyo mahaba niyang buhok na tumatakip na sa mata niya. Naka black sando lang siya at white pajama.

Pero hindi ko lang siya pinansin at nakatutok lang ako sa pinapanuod kong Naruto shippuden. Makailang beses ko na itong pinanood. At ngayon, yung naglalaban sina Kakashi at Yahiko Pain.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon