Chapter 32

4K 139 14
                                    

Chapter 32
       
       
   

Adi's POV
        
         

"Ang tagal mo namang mag cr, Adi!" Ani Perry pagkaupo ko sa pwesto ko na may pagkain na. Sinabi ko kasing magsi-cr muna ako, kaya nagpaorder na ako ng pagkain.

"Tumae kasi ako" tamad na sagot ko at uminom ng tubig.

"Eeeww! Adi, Kadiri ka! Kumakain kami oh!" Maarteng reklamo ni kris.

"Wag kang mag reklamo, kris. Ikaw nga araw araw kong nakikita yang mukha mo, nagreklamo ba ako?" Inis na sabi ko sa kanya at sumubo na ng pagkain ko.

Natawa sila sa sinabi ko at napakamot nalang sa ulo si kris. Pinakamalakas na humalahak si ryle kay binatukan siya ni kris.

"Etong si Kris, pag hindi na makaganti kay adi, ako na ginagantihan!" Reklamo ni ryle at binatukan din si Kris.

"Sige! Mag away ako, para hilahin ko na naman yang tenga niyong dalawa!" Banta ko sa kanila kaya agad silang tumigil at pilit na kumain nalang.

"Ayan! Ayan! Nakahanap kayo ng katapat niyo! Hindi na lang si Zach ang kinakatakutan niyo ngayon!" Natatawang sabi ni Fred na sinabayan ng iba.

Sinulyapan ko naman si zach na nasa tabi ko at hindi kumakain dahil walang bawas ang pagkain niya.

Bakit hindi kumakain ang baliw nato? Hindi rin siya nag breakfast kanina dahil sabi niya, busog pa siya.

"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin at parang may sumulyap na ngisi sa labi niya.

Ano na naman ang pinaplano ng lalakeng to?

"Kanina pa yan nag iinarte, Adi! Masakit daw ang kamay niya pag ginalaw" hindi makapaniwalang sabi ni Gavin.

Ang arte, hindi naman nabali ang kamay niya. Tch!

"Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo, at binasag mo ang bote kagabi?" Tanong ni Andrew.

Baliw kasi tong classmate niyo!

"Wala namang bali yan, bakit masakit? Tch!" Inis na sabi ko.

"Hindi ko sinabing masakit! Ang sinabi ko, hindi ko magalaw dahil sa bandage na nakabalot dito! Nagpapaniwala ka naman sa gavin na yan!" Inis din na sabi niya. Tamo na? Siya pa may ganang mainis. Tch!

Kumunot ang noo kong tumingin ulit sa kanya. "Edi gamitin mo yang kaliwang kamay mo! Problema ba yan? Tch!" Sabi ko at inirapan siya.

"Sinubukan ko na kanina, at natapon lang ang pagkain! Hindi ako ambidextrous!" Aniya

"Hindi mo naman kailangang maging ambidextrous para magamit mo yang Kaliwang kamay mo! Nagdadahilan ka pa eh!" Tamad na sabi ko at sumubo na ulit ng pagkain.

"Naintindihan mo?" Tanong ni walter kay dexter na umiling lang.

"Wag niyo nang intindihin ang salita nila, mauubos lang ang hangin na laman ng ulo niyo!" Natatawang sabi ni cayden na kaharap ko. Natawa na naman ang mga luko-loko at kinakantyawan na ang dalawa.

"I'm hungry!" Narinig kong sabi ni zach habang hawak ang tyan niya.

"Kumain ka! May pagkain ka naman jan sa harap mo!" Inis na sabi ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago magsalita.

"Hindi ko nga magalaw ang kamay ko diba? Stupid!" Inis rin na sabi niya.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon