Chapter 28

4.3K 140 4
                                    

Chapter 28
            
              
         
          
           
          
Adi's POV
            
           
          
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

halos sumakit na ang tyan ko kakatawa sa kwento ni zach!

"Yung Myembro ka ng Gang, kapanipaniwala pa eh! Pero, yung Bakla ka? Grabe ang imahinasyon nung matandang yun!" Tawang tawa ko parin sabi.

Loko loko rin yung matandang yun. Nung una daw, tsinisnis niyang myembro ng gang si zach, dahil madalas dito yung mga klasmeyt namin, hanggang isang gabi na nagpunta ulit sila dito, nireport agad ng matanda sa security na may mga gang at adik daw dito sa unit na to. Kaya agad agad na pumunta dito yung mga security at sapilitang binuksan ang unit ni zach. Nagalit si zach dahil sa pwersahang pagpasok sa unit niya. Pero hindi nagpatinag ang matanda at sinabing marami daw siyang kasama sa loob at puro mga kalalakihan na mukhang gangster. Kaya pumasok ang mga security sa loob at naabutan ang mga ugok na nanonood ng Movies at yung iban naman nagpapatugtog sa mini music room niya. Humingi naman daw ng paumanhin ang mga security dahil sa ginawa nila. May nagreport lang daw sa kanila na may mga gangster at adik ang pumunta dito.

Akala ni zach tapos na ang fake news ng matanda tungkol sa kanya. Pero hindi pa pala, tsinismis na naman siya ng matanda na bakla raw. Kasi wala raw siyang nakikitang babae na nagpupunta dito. At puro lalake lang daw ang kasama niya. At mas lumala pa dahil madalas si cayden dito. Kaya ang tsismis, si cayden daw ang boyfriend niya. Tanginang Tsismis yan. Hahahahhaha

"Pero sabagay, kung iisipin, marami ring gays na gwapo ngayon.... Baka naman...." tumingin ako sa kanya at sabay ngisi.

Binigyan niya ako ng isang masamang tingin dahil sa sinabi ko.

"Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo Ms. Montreal!" Banta niya sakin.

Pero mas lalo lang lumapad ang ngisi ko.

"Alam mo zach, wala naman kaso sakin kung ano man ang gender mo. Hindi naman kita huhusgahan eh! Masamang itago yan! Kaya sabihin mo sakin, ba--

Napahinto ako dahil sa biglang paglapit ng mukha niya. Sa sobrang lapit, halos magkadikit na ang labi namin. Mga half inch nalang. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. Hindi ako makagalaw, para akong naestatwa ngayon. Nakita kong nag smirk siya.

"Bakit hindi mo ituloy ang sasabihin mo?" Mababa ang boses niya. Nakakapanindig balahibo. "Gusto mo bang malaman kung bakla ba talaga ako?" Malamig na malamig ang boses niya.

Ayan ang napapala mo sa kakulitan mo adrianne! Aiiissh!

Hindi ako makasagot. Takot akong magsalita dahil baka dumikit na ang labi ko sa labi niya. Iiiiiiiih!

"Why are you so silent, baby?" Nang aakit talaga ang boses ng walang hiya.

"Tell me! Do you really wanna know the truth?" Sabi niya pa at mas lumapad ang ngisi.

Putragis ka Zachary!!!!!!

Hindi parin niya nilalayo ang mukha niya at hindi rin ako makagalaw. Nagahahabulan na naman ang mga kabayo sa dibdib ko. Buset.

At buti na lang may tumawag sa cellphone niya, kaya nilayo na niya ang mukha sakin at nakahinga na ako ng maluwag. Tumayo siya at naglakad papunta sa isang malaking kurtina at binuksan yon. Binuksan niya ang glassdoor papunta sa veranda. Ang ganda ng view!

Medyo malayo ako sa kanya, pero kitang kita ko ang mga tuktok ng ibang building. Nasa 99th floor kani, kaya sobrang taas nito. Gusto kong pumunta dun, pero mamaya na. Mukhang may kausap pa si raulo.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon