Chapter 66

3.3K 125 7
                                    

Chapter 66

Adi's POV
       
     
    
"Be careful!" Kamuntikan na akong masubsob sa buhangin pagkababa ko ng bangka, buti nalang at naalalayan ako ni Zach.

"Salamat" bumaba na ako at hawak hawak parin niya ang kamay ko.

Hindi namin dala ang mga bagahe namin, dahil ang mga alagad na daw niya ang magdadala. Mga baliw talaga. Sinabi pa nilang, kamay ni Zach na lang daw ang hawakan ko, at baka maagaw pa siya sa'kin, dahil maraming nakaaligid.

Naglakad na kami papunta sa pwesto namin. Andito na lahat ng nga Estudyante at nakagrupo na sila ayon sa mga kurso nila.

Halos lahat naman ng mga mata nila ay na sa'min ni Zach na magkahawak kamay. Lalong lalo na sina Kaitlyn at bibyan.

Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga myembro ng Empire na nakapaligid dito. Purong nakaitim sila at may mga baril. Sa tantsa ko, mga dalawampu ang naririto, at alam kong iba pa ang mga nasa gubat.

Ang dami naman. Sino na lang ang naiwan dun sa Empire.

"Okay everyone! As you can see, this island is under construction. Pinahiram lang sa'tin ito ng mga ni Mr. Magnus Montreal" napunta naman sa'kin ang mga tingin nila dahil binanggit ni Prof Castro ang pangalan ni Kuya.

"Ginagawa pa lang ang mga buildings at Resthouse dito, kaya sinabihan namin kayong magdala ng mga tent niyo dahil hindi pa pwedeng gamitin ang mga Resthouse. But for the Comfort room. You can use it, para hindi kayo mahirapan....So! Before nating magstart ng mga Activities, kailangan niyo munang ayusin ang mga tent niyo. At pagakatapos, dumiretso na kayo dun, para magtangahalian" tinuro niya ang lugar kung nasaan, maraming mesa at silya na gawa sa kahoy, kung saan kami kakain. May dalawang malaking puting tent kung saan ang mga staff na nagluluto para sa mga pagkain namin. Yung isa naman ay kung saan sila matutulog.

Kanya kanya ng nagpapatayo ng kani kanilang tent ang mga estudyante. Pitong grupo an meron, at kami lang ang kakaunti.

May napansin akong nakatayo nang isang tent at may lumapit sa'king myembro mg Empire.

"Ms. Adrianne, nakahanda na ho amg tent niyo. Inutusan po kami ni Phoenix na kami ang magtayo ng tent niyo para masiguradong ligtas ang pagtatayuan nito" ani blackjack. Isa siyang company leader sa Empire. Rank A siya at pinamumunuan niya ang walo niyang kasamahan na binubuo ng mga Rank A hanggang Rank C.

"Sige, salamat" sagot ko bago ako naglakad papunta sa tent na nakahanda na.

Minsan talaga may pagka-oa si kuya. Pero okay na rin yun, nakakatamad din kasing magpatayo ng tent. Atleast, hindi na ako mapapagod para magpatayo pa nito. Haha

Inayos ko na ang nga gamit ko sa loob. Malaki ang tent na ito, dahil alam ni kuya na takot ako sa masikip na lugar.

Buti na lang talaga at malaki ang pinabili niyang tent.

Humiga muna ako, dahil alam kong matatagal silang magpatayo ng mga tent nila. Ayoko namang maunang maglunch dun, dahil baka isipin nilang sobrang patay gutom ako. Tch.

Maya maya lang, may sumilip sa tent ko. Hindi ko kasi sinara ang zipper nito para kita ko ang nasa labas at yung dagat.

"Adi, tara na, maglunch na daw tayo" ani Dexter na siyang sumilip.

Umupo na ako at inayos abg sarili ko bago ako sumunod palabas.

Tapos na pala silang lahat na ayusin ang mga tent nila.

"Let's go" nabigla ako ng biglang hawakan ni Zach ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nandito pala siya sa tabi ko.

Hinila na niya ako papunta sa pwesto ng mga kaklase namin. At habang naglalakad kami palapit dun, na sa'min na naman ang mga mata ng mga estudyante.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon