15

113 4 2
                                    

YEO DAHLIA'S
POV

Wala nang atrasan 'to. It's now or never.

Kailangan ko siyang matanong agad dahil i love him at kapag hindi naman niya kayang ibigay 'yung hihilingin ko ay wala akong choice kung hindi ang sukuan na lang siya.

Wala pang ilang oras akong nandito sa 7/11 dumating agad siya kaya napangiti ako nang mapait.

Sila nga pala ni Steffanie. Should i still ask him?

He smiled a bit at umupo na sa upuan sa harapan ko. I can't even look at him without bitterness.

"Ano pa lang gusto mong pag-usapan?" he asked.

"Jeongin, mahal mo pa ba ako? Ah, no. Mali. Jeongin, minahal mo ba talaga 'ko?" tanong ko dito, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

Umiwas siya nang tingin at nakita kong umalon ang adams apple niya.

Tumango ako at ngumiti.

Hindi siya makasagot. Bakit? Ano ang dahilan?

"You don't need to answe-"

"Yes, minahal kita at hanggang ngayon mahal pa rin kita."

Natigilan ako sa isinagot nito. Mahal pa rin niya ako? Really.

"A-ano?" tanong ko ulit dahil para akong nabingi sa lakas ng kalabog ng puso ko ngayon.

I don't know if i am happy or not.

"Mahal na mahal kita, Dahlia. Natakot lang ako noon na baka iwanan mo 'ko tulad ng dati na ginawa sa amin ni Mom. Then she came back na may kapatid na ako na bago sa ibang lalaki niya." sabi niya pa.

Natigilan ulit ako dahil sa biglaan nitong pag-oopen ng past niya.

"I-i understand." sabi ko at nagpilit ng ngiti.

"Can you forgive me, Dahlia?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Jeongin, isa lang naman ang hiling ko." i said.

Mukhang naging interesado ito lalo.

"I want a mature relationship with you. Can you give that to me?"

EDITED.

Immature Relationship | Yang JeonginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon