YEO DAHLIA'S
POV"Dahlia, alam mo naman na mahal na mahal kita."
Sabi niya at hindi naman no'n sinagot 'yung tanong ko.
"Jeongin, mahal mo nga ako but it isn't enough. Hindi ako kuntento sa paraan ng pagmamahal mo sa akin. Natatakot ako na baka iwanan mo na naman ako." sabi ko at tumayo na.
"Dahlia, please. Ayusin natin 'to." sabi niya sabay hawak ng kamay ko.
Umiling ako sa kanya. "Jeongin, hindi na. Hindi na 'to maayos pa kung hindi ka magmamatured. Gusto ko ng seryosong relasyon. 'Yong alam ko at kampante ako na hindi mo na ako iiwan." sabi ko sabay alis na doon
Naglakad na ako pauwi.
Para mabanat-banat naman 'yung mga buto ko kasi palagi na lang akong nasa bahay.
Bahay, school, bahay, school. Ganoon na lang palagi.
Teka. Dala ko ba wallet ko? Kinapa ko sa bulsa ko at nandoon nga ito. Pupunta muna ako sa malapit na Bar dito.
Hindi naman siguro masama, ano? Minsan lang naman, eh. Hindi na din naman ako minor.
Pumasok ako at hinayaan ang sarili kong malunod sa alak.
May humawak sa braso ko at umaalon na ang paningin ko.
"Dahlia, iuuwi na kita."
Huli na para makatanggi ako dahil nahila na niya ako palabas doon.
Nagpumiglas ako tinignan ko siya ng galit at inis.
"Ano ba, Jeongin?!" inis na singhal ko.
"Bukas kapag okay ka na. Sasagutin ko iyong tanong mo. Sa ngayon, umuwi na tayo at lasing ka na, Dahlia." sabi nito.
Maya-maya ay napatitig ako sa mukha nito at natulala.
Unit-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko siya sa labi tapos ay bigla akong nawalan ng malay.
EDITED.
![](https://img.wattpad.com/cover/213686769-288-k374620.jpg)
BINABASA MO ANG
Immature Relationship | Yang Jeongin
Fanfiction# 8 STRAY KIDS SERIES TAGLISH YANG JEONGIN COMPLETED ✓ © All Rights Reserved