1O

135 4 0
                                    

YEO DAHLIA'S
POV

"Dahlia, kumusta ka na?"

Nagulat ako ng may lumapit sa akin. Well, uh. I don't know her. Nasa convenience store ako sa malapit.

Nahihiya akong ngumiti at medyo nag-bow ng bahagya bilang paggalang.

"Hello po?" medyo alangan kong bati.

Nilapitan niya naman ako at hinawakan sa braso ng mahinhin.

"Ikaw ang girlfriend ni Jeongin, hindi ba?" tanong niya.

I stared at her. Well, she's beautiful at mukhang nasa mid 30's na ito. At may... kahawig siya! Don't tell me...

"Ako ang Mama ni Jeongin. Palagi ka niyang ikinekwento sa 'kin." pangungumpirma nito sa nasa iaip ko.

But wait, what? Lagi akong ikinekwento ni Jeongin sa Mama niya? Wow, ah.

"Talaga po?" mapait na tanong ko sa ginang.

"Oo, Hija. Gusto ka na nga sana niyang ipakilala sa sa 'kin noon... kaya lang ay hindi niya... naituloy." sabi niya at bahagyang nalungkot ang mga mata.

"Halika't maupo muna tayo." aya nito sa akin. I can't say no kaya nagpahila na lang ako sa kung saan.

"Hija, pwede bang ikaw na ang bahala kay I.N? Hindi na magtatagal ang buhay ko. May taning na, Hija." saad nito na ikinagulat ko.

Natigilan ako at napamaang ang labi. "A-alam po ba nila 'yan?" I asked, worried.

"Alam nila, Hija. At ang tanging hiling ko lang ay ang makitang masaya ang mga anak ko kahit sa huling sandali ng hininga ko."

Parang napupunit ang puso ko sa mga salitang binibitawan nito. Nakakapanikip ng dibdib.

Jeongin, lied? Again. He didn't tell me the truth.

Hindi ko na napigilan at bigla na lang nangilid ang luha ko.

"Hindi pa po handa si Jeongin noon. Iyon po ang sabi niya. Sinaktan niya ako. Kung alam ko lang po ang totoo na magpapagamot kayo sana po ay kami pa rin. Hindi naman po ako ganoon kababa para hiwalayan siya dahil lang aalis siya ng bansa. I could've stayed on his side while he's having a hard time. I want to be there for him. Pero maliwanag naman po na ayaw niya."

Nagtuluan mula sa mga mata ko ang luhang pinigilan ko ng ilang buwan.

"Hija, patawarin mo ang Anak ko." i don't know.

"Sorry po, Ma'am. Hindi ko po alam." I said and stood up and leave her there.

Ang sama ko, hindi ba? Pero kasalanan ko bang nasaktan ako? Bakit ba ganito 'yung tadhana sa akin? Gusto ko lang naman mamuhay ng masaya.

Is it too much to ask?

EDITED.

Immature Relationship | Yang JeonginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon