Normella
Umalis na ang lalaki pero nanlalaki padin ang mata ni Ella. Mukhang nalimutan nadin niyang huminga dahil sa nakita.
"Normella... hinga... Normal lang iyong nakita mo. Wala lang iyong mahaba at mataba tapos medyo mabuhok na...Waaah! Hindi na virgin ang mata ko!" Kinusot-kusot ko ang mata ko. Naghilamos na din ako. Bakit naman iyon ang naging bungad sa akin? Sino ba siya? Baka pasok-bahay gang siya o akyat ba ang tawag roon? Wala ba silang tubig kaya bago magnakaw ay nakiligo pa siya? Kinuha ko ang kawali at pinuntahan ang pinasukan niyang kwarto.
Ang sabi ni Sienna ay ang kwarto lang nila ni Marco ang naka-lock pero ang isang guest room ay hindi. Ano bang nanakawin niya roon kung sakali?
"Kakatok ba ako o papasukin ko nalang?" Bubuksan ko sana ang pinto ng bumukas ito at bumungad sakin ang gwapo niyang mukha na ngayon ko lang natignan dahil sa baba niya ako nakatitig kanina.
"Get out of my house now crazy girl!" Inagaw nito ang kawaling dala ko at bakit ba ako pinapaalis nito e ako nga ang may karapatang tumira sa apartment ni Sienna.
"Aba mister ikaw na nga itong nasa bahay ng may bahay ikaw pa ang nagpapaalis. Hindi porke't gwapo at mabango ka ay pagbibigyan kita. Ikaw nga ang trespassing dito. Lumayas ka na bago pa ako tumawag ng pulis." Mahabang litanya ko pero parang wala itong narinig. Kailangan ba English? Sosyal na ba ang mga goons ngayon at foreigner na sila?
"Look here Miss. Marco gave me the key to this house therefore I have the right to be here while you only popped out of nowhere and is clearly not supposed to be in here." Pumitik ang sintido ko sa sinabi niya dahil bukod pa sa ingles ito ay gusto akong palayasin ng gago. Nakipagsukatan din ako sa kaniya ng tingin.
"Kung akala mo ay iyo ang mundo pwes nagkakamali ka dahil nasa akin ang susi ni Sienna kaya't ako ang may karapatang tumira dito!" Nagtititigan kami ng matagal pero ako na ang unang bumawi nito dahil gumagwapo siya sa paningin ko. Mukhang kailangan ko pa yatang makipag-away sa kaniya para sa apartment nato.