Wedding

136 12 1
                                    

Binihisan at nilagyan na nila ako ng make-up at ngayon ay naglalakad na ako kasama ni Papa. Dinaig pa ni Adam ang mga agency na may one-day process, pati ang kasal ay ngayon na din.

"Iyo na ang anak ko Adam, alagaan mo." Bilin ng papa at tumango naman si Adam. Parang ang bilis ng mga pangyayari at vows na kami ngayon.

"Hindi po ako ready pasensiya na..." Huminga ako ng malalim at nagpatuloy. "Lagi akong umaasa na mauuwi sa kasalan ang mga naging relasyon ko noon, lalo na ng mag-27 ako, nakikita ko ang mga kaibigan ko na nagpapakasal at nagkaka-baby at naiinggit ako. Sinasabi ko sa sarili ko na dapat ganito dapat ganiyan pero mali pala iyon kase dapat maghintay pa ako kase ikaw ang ibibigay niya sakin, na hindi ipinipilit ang pag-ibig, na hindi mo mapipigilan ang takbo ng oras at ng tadhana para umayon ito sayo...." Pinunasan niya ang tumulong luha ko.

"Adam you came into my life when I was so broken, you made me realize my worth and that no matter how nasty my mouth can be you'll still love me...thank you sa pagtanggap mo sa akin. Mahal kita, Adamonyo ko. Sorry po father." Nag-peace sign naman ako kay father dahil sa sinabi ko, hindi ko lang napigilan.

"I don't even know how I fell in love with you. You're not my type in a woman..." Inirapan ko naman ito, medyo masakit iyon.

"You have a loudmouth, you ate like a pig, you don't know how to cook and you're crazy...." Gusto ko ng suntukin itong si Adam puro panlalait ang sinabi sakin.

"But you're the only woman who captured my heart really, I don't care if you speak the whole day, if one day you ate me out of my savings, even if I have to cook for you and all the crazy things that you'll make me do... I love all those things about you, you're Normella but you're not normal to me you're my kind of crazy and I love you." Hinila ko na siya at hinalikan wala nang I do, I do na yan.

"Okay, with the power vested in me I now pronounced you Husband and Wife. Kiss the groom...este bride." Nagtatawanan na sila, pero pinayagan na kami ni Father atat na e. Nang natapos kaming naghalikan tsaka lang kami nagbigayan ng singsing. Baliw nga yata talaga kaming dalawa, o eto na Mrs. Carter na ako, wala nang kokontra.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon