Time and Fate

129 13 2
                                    

Normella

"Naku kapag natapos na to mami-miss moko." Dalawang linggo na ang nakalipas at puro pamamasyal lang ang ginawa namin ni Adam. Masaya kami sa mga araw na iyon pero hindi ko maiwasang malungkot na malapit na itong matapos, dalawang araw nalang ay kailangan ko ng bumalik sa Manila.

"It's a worthwhile vacation Normella." Narito kami sa terrace ngayon, magkayakap at ninanamnam ang sandaling magkasama kami, hindi ko alam kung tama ba na hahayaan kong pagkakataon nalang ang magdikta kung anong mangyayari sa amin ni Adam matapos ito. Ayaw ko nang pangunahan ang tadhana, pagod na akong magplano. Sabi nga niya let's leave it to time and fate at ngayon iyon ang gagawin ko.

"Ayokong sabihing mahal kita dahil naguguluhan pa ako. Mas maganda sigurong huwag tayong magbitaw ng pangako na hindi natin kakayaning tuparin Adam." Natuto na ako, na ang pag-ibig hindi kailangang sapilitan tulad ng sa amin ni Max dati.

"I understand, time and fate remember?" Tumango ako and caressed his face, he slowly closed the gap and gave me a kiss. Isang halik na alam ko at hindi ko ninakaw sa kaniya sa ilalim ng gabi sa may terasa. Wala kaming pinanghahawakang pangako pero pakiramdam ko kapag umalis na siya'y iiyak pa rin ako. Iba si Adam sa lahat ng lalaking nakilala ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon