⋆。˚. ੈ - o n e

25 1 2
                                    

⋆。˚. ੈ

h e n d e r y

bakit ba parang minamalas yata ako ngayong araw na ito? ang bilis bilis naman kasing malowbatt nitong cellphone ko. saan ako niyan hahanap ng hihiraman? langya naman kasing si lucas, ninakaw pa yung powerbank ko kaya hindi ako makapag charge!

"uhm kuya ayos ka lang ba?" tanong ng isang babae sa akin. humawak pa siya sa balikat ko kaya naman medyo nagulat pa ako.

"h-huh? oo ayos lang." nauutal na sagot ko

baliw ka ba hendery? bakit ka naman kaya nauutal niyan? parang tanga lang?

"sigurado po kayo? kanina pa kasi kita napapansin na paikot ikot ka lang dito sa lugar na to." tanong niya kaya naman tumango na lang din ako sa kanya

tiningnan niya pa ako sa huling pagkakataon bago magsimula na maglakad na. sige na nga, kakapalan ko na yung mukha ko nito! kapag kasi hindi ako nakapagcharge at tumawag si minami sa akin tapos hindi ko nasagot, patay ako sa kanya. nangako pa naman din ako na hihintayin ko siya at sabay kaming uuwi.

"uhm miss," tawag ko sa babae kanina at kaagad naman siyang napalingon "bakit?" tanong niya

"ano kasi..." shit ka naman, hendery. umayos ka naman sana 'no?

"kuya wag ka na mahiya okay? sabihin mo na kung ano yung kailangan mo." nakangiting sabi niya

"miss, pwede bang pahiram ng charger? o kaya naman makikicharge na ako sa bahay niyo?" napakamot ako bigla sa batok ko dahil tinablan ako ng hiya

tumawa siya ng mahina. "yun lang naman pala, tara sa dorm namin, do'n ka na magcharge. malapit lang naman dito yun."

"salamat huh?"

"you're welcome! kilala rin naman kita, so yeah."

"huh?"

"huang guanheng, wong kunhang, hendery wong. palagi kong naririnig ang pangalan mo sa mga kaklase ko. isa pa, ikaw yung laging kasama ni minami, hindi ba?"

"yeah, ako nga... pero bakit kuya ang tawag mo sa akin kanina?" takang tanong ko

"hindi mo naman kasi ako kilala at hindi tayo close kaya hindi kita tinawag sa pangalan mo. baka kasi isipin mong masyado akong feeling close." nakangiting wika niya

"ganun ba,"

huminto kami sa tapat ng isang bahay. dorm daw hindi ba? bakit bahay naman itong hinintuan namin?

"hey, walang saksakan sa labas." napatingin na lang ako sa kanya na nabuksan na pala ang gate kaya sumunod na rin ako

"kung nagtataka ka dahil mukhang bahay ito, well, bahay naman talaga dapat ito nung isang ka-dorm ko, pero ayun nga, pinagawang dorm na lang." paliwanag niya

pwede pala yung gano'n? sa bagay, fiction lang naman ito kaya lahat posible.

"sandali lang huh? kuha lang akong charger." sabi nung babae saka ako iniwanan

parang ang unfair naman yata nung kilala niya ako, pero hindi ko alam kahit pangalan niya. tanungin ko na nga lang mamaya.

nang may marinig akong yabag pababa sa hagdan, akala ko ay yung babae na yun na nagsama sa akin dito, pero hindi pala.

"hendery, anong ginagawa mo rito?" tanong ni... dejun

"eh? makikicharge lang, si minami kasi, baka magalit sa akin kapag hindi ko nasagot yung tawag or text."

"sinong nagsama sa'yo rito?"

"yung babaeng hanggang balikat ang buhok na kulay rose gold, e ikaw bakit ka nandito?" tanong ko rin sa kanya

"hmm, buti nasaktuhan mo yung pinakamabait sa mga nakatira rito- uhm, isa sa nakatira rito yung kapatid ko. ipinakuha niya lang sa akin yung laptop niya." tumango tango naman ako, at natanaw ko naman na yung babae

"dejun, nandito ka rin pala. nautusan ka na naman ni deia ano?" natatawang sabi nung babae

bakit ang ganda kapag ngumingiti?

"yeah, o sige alis na ako huh? hendery, wag kang bantay salakay. pag may ginawa ka sa babaeng yan, lagot ka kay lucas!" babala niya

inabutan na ako nung babae ng charger tapos ay itinuro kung saan pwede magsaksak.

"uhm, ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya

"oh sorry, i'm sayuri."

"sayuri. nga pala, boyfriend mo ba si lucas at nabanggit siya ni xiaojun?" bigla siyang tumawa ng malakas dahil sa tanong ko. wala namang nakakatawa dun a?

"boyfriend? seriously? hindi ko papatulan si yukhei, ano ka ba! at isa pa, may nililigawan yung bugok na yun!" tumatawa pa ring sabi niya tapos ay dinaluhan ako sa sahig

"edi ano mo pala siya?" napangisi naman siya saka ako siniko

"hey, mr. charger, bakit ka interesado? type mo ba ako?" tanong niya kaya napaiwas at napalayo ako sa kanya bigla

"curious lang! ito naman, kakakilala lang natin, type kaagad?" bakit naman kaya ako nahihiya?

"binibiro lang naman kita, alam ko naman na hindi katulad ko yung magiging type mo." umayos siya ng upo pagkasabi niya no'n. "at half brother ko pala si yukhei."

natahimik ako sa sinabi niya na half brother niya si lucas. base kasi sa ekspresyon ng mukha niya, parang hindi niya gustong pag-usapan yun. nakakahiya tuloy.

ano ka ba naman hendery, dahil lang sa charger, ang dami mong nalalaman na hindi naman dapat.

⋆。˚. ੈ

charger ❃ hendery wongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon