⋆。˚. ੈ - f o u r

17 1 4
                                    

⋆。˚. ੈ

s a y u r i

pagsapit ng gabi, saka lang sabay sabay na nagsidatingan ang mga kasama ko sa dorm. si yui eonni, deia at inari. ah! i forgot, kasama nga pala nila si yukhei.

"bebe yuriiiiii!" high pitched na tawag ni inari sa akin saka ako niyakap ng mahigpit, kaya napakunot ako ng noo.

"anong meron?" tanong ko sa kanya, pero sa halip na sumagot, kumalas siya sa yakap saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "magkakaboyfriend ka na pala, ngayon lang namin nalaman!" aniya

luh? nakainom ba siya at kung ano ang pinagsasasabi? magkakaboyfriend ako? bakit ngayon lang ako nainform? hindi ba at dapat, ako yung unang makakaalam no'n?

"sinasabi mo? ni wala nga akong manliligaw, magkakaboyfriend na ako? bakit mas nauna mo pa naman malaman kaysa sa akin?" sunud-sunod na tanong ko

"si hendery, hindi mo ba siya magiging boyfriend?" tanong niya, tapos ay sumeryoso. "siraulo! si hendery magiging boyfriend ko?" pinitik ko ang noo niya saka pabagsak na naupo sa sofa

"hindi ako magugustuhan no'n, paano ko pang magiging boyfriend? isa pa, binigyan mo na naman ng meaning yung nalaman niyong nakicharge siya rito." nakataas ang kilay na sabi ko

"nga naman kasi, inari, bakit binigyan mo kaagad ng meaning? alam naman nating lahat na nandito na hindi rin magugustuhan ni yuri si hendery." pagsabat naman ni yukhei kaya natingin kaming lahat sa kanya. "bakit? may mali ba sa sinabi ko?"

"lucas, may gusto naman talaga si sayuri kay hendery," wika ni yui eonni

"what?! sayuri, let's talk." seryosong sabi ni yukhei

ano naman kaya ang problema niya kay hendery? mabait naman yung tao, at saka hanggang crush lang naman ako sa kanya e! wala sa isip kong jowain si hendery kasi may ibang gusto yun.

"yukhei, wala naman tayong dapat na pag usapan." panimula ko nang makalabas kaming dalawa

"nag-aalala lang ako sa'yo." aniya saka ako tiningnang mabuti. "gege, ayos lang ako. alam ko naman kung hanggang saan lang dapat ako. i just want to be friends with him okay? ayoko na ring humigit pa ro'n. pangako, aalagaan ko naman ang sarili ko." nginitian ko lang siya kaya naman ginulo niya ang buhok ko

"sayuri, sana naiintindihan mo kung bakit ako ganito. natatakot lang naman ako sa maaaring mangyari sa'yo e."

"naiintindihan kita, gege. pero intindihin mo rin ang sarili mo huh? wag puro ako ang unahin mo. alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin."

niyakap niya ako ng mahigpit kaya gumaan ang pakiramdam ko. "kung pwede ko lang sana na saluhin ang iba sa nararamdaman mo," sabi niya

"yukhei, kung makapagsalita ka naman! tadyakan na kaya kita!" giit ko naman habang tumatawa

"kainis ka naman e, kapag nagseseryoso ako, bigla bigla kang tumatawa! pati tuloy ako e, nahahawa!" reklamo niya sabay tawa rin

bumalik kami sa loob at kanya kanya nang business ang mga kasama ko. "sige na, aalis na ako." paalam ni yukhei kaya niyakap niya ulit ako

sinamahan na siya ni inari palabas ng dorm. kaya na nila yan.

"ayu, paano kung gawing charging station ni hendery ang bahay natin? anong gagawin mo?" tanong ni yui eonni sa akin

"wala namang kaso sa akin yun." sagot ko

"hindi ka mafafall sa kanya, jiejie?" tanong naman ni deia at nginitian ko lang siya. "kakayanin kong hindi. gusto ko kasi na magkaibigan lang kami."

"e paano po kapag nagkagusto siya sa'yo?"

"hmm, bahala na deia."

"bakit nga ba kasi ayaw mong magboyfriend? dahil ba kay lucas? gusto mo bang pagalitan ko ang bata na yun?" sabi ni yui eonni

"hindi dahil kay yukhei, eonni. basta ayoko muna banggitin yung tungkol do'n. sa susunod na lang siguro." sabi ko, tapos ay nagbasa na lang ako ng libro

kapag nagsabi ako sa kanila, paniguradong kasinungalingan lang ang lalabas sa bibig ko. pero ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag sinabi ko yung totoong dahilan kung bakit ayaw kong magboyfriend?

⋆。˚. ੈ

charger ❃ hendery wongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon