⋆。˚. ੈ - f i v e

9 0 0
                                    

⋆。˚. ੈ

h e n d e r y

kabababa ko pa lang ng bag ko ay ang sama na kaagad ng tingin ni lucas sa akin. sayang lang kasi at hindi namin kaklase si sayuri! kung hindi, nakikita niya sana ang kapatid niya palagi.

"hendery!" tawag niya sa akin

"bakit?"

"may balak ka pa bang bumalik sa dorm nila sayuri?" tanong niya at talagang ibinagsak pa ang kamay sa desk ko. "hindi ko alam, depende pa. kung nag-aalala ka sa kapatid mo, wag kang mag-alala, makikipagkaibigan lang naman ako sa kanya." naisip ko kasi na baka kaya nagkakaganito si lucas e, akala niya popormahan ko si yuri.

"siguraduhin mong hindi mo popormahan si sayuri. ayokong masasaktan ang kapatid ko nang dahil sa kaibigan ko pa. may tiwala ako sa'yo, hendery." seryosong sabi niya

"lucas! hinahanap ka ni yuri!" tawag naman ni xiaojun sa kanya kaya lumabas na siya ng classroom. "hendery, lumabas ka, may ibibigay daw sa'yo si sayuri." sabi ni lucas saka ako sinenyasan na lumabas

nang lumabas ako ay nakatingin si yuri habang naglalakad palayo si lucas. "ano yun?" peste, bigla akong nahihiya sa kanya. ngayon ko lang narealize na ang cute niya pala.

"nakita ko sa bag ko ito. akala ko kay lucas e, pero nakita ko na pangalan mo naman ang nakasulat." iniabot niya sa akin yung powerbank na ninakaw ni lucas. "ito yung hiniram niya sa akin, last week pa." sabi ko na lang

kumunot ang noo niya tapos ay bumuga siya ng hangin. "kahit kailan talaga, hindi marunong magbalik si lucas ng mga hiniram niya! talagang ibang tao pa ang gusto niyang magbalik! lagot sa akin mamaya yun!" inis na sabi niya habang nakapameywang pa

"sige na, pasok ka na sa loob ng room niyo." sabi niya sa akin

naglakad na rin siya palayo, pero may napansin akong nakadikit sa likuran niya kaya hinabol ko siya. "oh, bakit?" tanong niya pero umiling ako at pasimpleng inalis ang sticky note na nakadikit sa uniform niya

"uhm, hahatid na kita sa room niyo. hehehehe." palusot ko. "okay?"

bago ako umalis ay sumilip muna ako sa classroom nila. may kumpulan sa bandang gitna at nang pumasok si sayuri ay nagtawanan pa sila. sila kaya ang naglagay ng sticky note sa likuran ni yuri?

"hendery, balik ka na sa room niyo. may hinahanap ka ba rito?" tanong niya, pero umiling ako

pagtalikod ko ay binasa ko yung nakasulat sa note. 'sayuri wong: a two-faced bitch'. pinunit ko ito ng maliliit saka ibinulsa. kapag napatunayan kong yung mga babaeng yun talaga ang nagdikit nito sa likod ni sayuri, lagot sila sa akin.

pero teka nga, bakit alalang alala ako sa kanya? at sobrang naiinis ako sa mga babaeng yun? a, kasi concerned lang ako sa kanya, tama!

⋆。˚. ੈ

charger ❃ hendery wongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon