⋆。˚. ੈ
s a y u r i
kababalik ko sa room ay sunud-sunod na kaagad ang tanong ni inari sa akin, kung okay lang daw ba ako, kung may masakit ba sa akin o kung may nararamdaman ako.
"ano bang nangyayari sa'yo, nari? ayos lang ako, may hindi ba ako nalalaman?" tanong ko sa kanya
"uhm... wala." sabi na lang niya
naupo na lang kami at naghintay sa teacher namin, pero habang naghihintay, bigla na lang umandar ang monitor sa room namin. kaming dalawa ni hendery yun a!
tumayo naman si maylin at nagpunta pa sa harapan. "classmates, tingnan niyo naman kung gaano kalandi si sayuri!" ipinlay niya yung video pero tanging ang sinabi ko lang na 'yun lang naman pala, tara sa dorm namin, malapit lang naman dito yun.' ang maririnig. pinutol yung part na ang pinag-uusapan namin ay yung sa charger.
naiinis ako at nahihiya. sobrang naiinis ako kay maylin to the point na gusto ko na siyang saktan, pero hindi ko magawa! ano bang ginawa ko sa kanya para siraan ako sa mga kaklase ko?!
tumulo na ang luha ko dahil naninikip na rin ang dibdib ko. "ano, mag iinarte ka pang ganyan, sayuri? papaawa ka sa mga classmates natin? hindi eepekto yan, dahil may katunayan nang nagdadala ka ng lalaki sa dorm niyo. who knows kung anong ginawa niyo do'n? at grabe ka, talagang si hendery pa ang napili mo? you slut!" galit na sabi niya
napahawak na lang ako sa dibdib ko. "fuck! sayuri are you okay?" alalang tanong ni inari, pero umiling ako. ang sakit na talaga!
"tawagin niyo si lucas, bilis!!!" malakas na sigaw ni inari at mukhang may nagmamadali namang lumabas sa classroom. "kapag may nangyaring masama kay sayuri, i swear maylin oh, hindi ka na sasaya pa!" pagbabanta ni inari kaya hinawakan ko ang kamay niya
napatingin naman ako kay maylin, at kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha, alam kong hindi na rin siya mapakali.
"sayuri!" dinig kong sigaw ni lucas sa pangalan ko
bakit ba kasi nagkaganito pa ako? ang hina hina mo, sayuri! ang hina mo! ni hindi mo man lang maipagtanggol ang sarili mo sa kanila. palagi na lang na may taong nagtatanggol sa'yo.
⋆。˚. ੈ
BINABASA MO ANG
charger ❃ hendery wong
Fanfic❝Miss, pwede bang pahiram ng charger? O kaya naman makikicharge na ako sa bahay niyo?❞