EDIS TOWN
Dahil sa ingay na narinig ng mga kawal, bigla naman silang pumasok sa loob ng bahay nila Zed at hindi sila makapaniwala na ang kanilang hari ay hawak ng binata sa leeg.
Nakabalik naman sa reyalidad ang kapitan ng mga kawal at biglaang hinugot ang ispada at tinutok ito kay Zed.
"Pakawalan mo ang hari ngayon din" sigaw nito a dun lang natauhan ang ibang kawal at itinaas ang mga sandata.
Nabaling naman ang atensyon ni Zed sa mga kawal na 'di kalaunan ay isa-isang nagsipagluhudan dahil sa pressure na libas ni Zed.
Ang Ama't Ina naman ni Zed ay na bigla sa mga pangyayari dahil sa ilang segundo lang ay malala't malubha na ang natamo ng hari, kahit na napakataas na nang kanya cultivation, at kitang-kita nila ang hari na nagpupumiglas sa pagkahawak ni Zed sa kanyang leeg.
"Zed waaaaaggggg....!"
"Zed pakawalan mo siya. Siya ang lolo mo". Sigaw ng ina ni Zed."So you are my grandfather huh! Pero gusto mung saktan ang ama ko. You make a wrong move old man!" malamig na salita mula kay Zed habang mas hinigpitan pa ang pagkakasakal niya sa hari.
"Zed wag, tama na anak ko. Please tama na" pag mamakaawa naman ng ina ni Zed at umiiyak.
Dahil sa pagmamakaawa ng ina ni Zed ay unti-unting nawala ang pressure ni Zed at binitawan ang hari na siya namang nag hahabol ng hininga. "tssskkk maswerte ka't kamag-anak kita"
At patakbo namang nilapitan ng ina ni Zed ang hari at niyakap ito. "Ayos ka lang ba ama?" Alalang tanong ito sa hari.
"'Wag kang mag-alala anak. Ayos lang ako. Hahaha sinong mag-aakalang napakalakas pala nang apo ko" sambit ng hari.
Hawak naman ng hari ang kanyang leeg dahil sa sakit, at sinusubukang tumayo ngunit hindi ito makatayo dahil sa natamo.
"Lapastanganan! Wala kang karapatang saktan ang hari" biglang sambit ng Heneral, kahit na may takot sa kanyang puso at dahang-dahan itong tumayo at nakakuha ng lakas nang loob para sambitin ito at itinapat ang sandata kay Zed.
Malamig namang tinignan ni Zed ang Heneral ngunit nagsalita ang hari at itinaas ang kanyang kanang kamay, senyales ng paghinto
" 'Wag, ibaba mo ang sandata Cris.""Cris, lumabas muna kayo at kakausapin ko lang ang pamilya ko" utos ng hari.
"Pero mahal na hari map-" hindi na pinatapos ng hari ang pag sasalita ng Heneral at agad itong ng salita.
"Huwag kang mag-alala Cris. Hahaha ayos lang ako, katunayan nga ay masaya ako. Sino bang hindi sasaya na ang apo ko ay napakalakas?" kahit na masakit ang katawan ng hari ay makikitang masigla at nagagalak ito.
"Ma-masusunod ma-mahal na hari" kahit na nag-aalala ang Heneral sa hari ay sinunod parin nito ang utos at sumaludo bago lumabas.
———————
Sa labas naman ng bahay nila zed ay maririnig ang ingay ng mg kawal at makikita sa mga kamay ang panginginig at bakas sa mukha ang malamig na pawis.
"haaaa! Akala ko mamamatay na ako" sambit ng isang kawal at pabagsak na umupo at naghahabul ng hininga.
"Ikaw lang ba? Ako nga muntik ng umui dahil sa takot." tugon din ng isa pang kawal.
"Sino bang 'di matatakot, eh parang nasa harapan natin ang kamatayan. 'Di ko akalain na ganon kalakas ang batang 'yun, at 'di ko rin malaman kung anung stage na ng cultivation ang kanyang narating. Para akung nakatingin sa kawalan ng kadiliman" mahabang pahayag ng Heneral habang nakatingin sa lupa at sinusuportahan ang sarili para hindi matumba.
At ang ibang kawal ay napatango nalang at pa lihim na nagpasalamat na sila ay nakaligtas sa bingit ng kamatayan.
———————
Sa loob naman ng bahay nila Zed ay makikitang nasa ayos na ang bahay at wala ng makikitang bakas ng paglalaban.
"Zed, pagalingin mo lolo mo" utos ng ina ni Zed sa kanya.
"Bakit naman ina? Bagay lang yan sa kanya. Kaparusahan niya yan sa pagtangkang saktan ang aking Ama".
"Ako ang masusunod dahil ako ang iyong ina" nagtaas ng kilay ang ina ni Zed at dahil walang magawa si zed dahil sa mahal niya ang kanyang pamilya ay sinunod nalang niya ito.
Tinaas lang ni Zed ang kanyang kaliwang kamay at hinawi ito pa pakanan at sa isang iglap lang ay ang wasak na balutinat mga pinsala sa katawan ng hari ay nawala at bumalik sa ayos.
"Maraming salamat anak" niyakap naman ng ina si Zed at si Zed naman ay nagbuntong hininga nalang.
At ang tahimik namang ama ni Zed ay biglang nagsalita." Zed, masaya ako sa pagtanggol mo sa akin pero may mali ka. Basta basta ka nalang susugod na di man lang nagtatanong kung ano ang nangyayari".
Dahil sa narinig ni Zed mula sa kanyang ama ay napakamot nalang ito sa likod ng kanyang ulo at napagtanto niya na mali ang kanyang nagawa.
At kahit na nahihiya ay hinarap niya ang hari at niyoko niya ang ulo at humingi ng tawad "patawad po l-lolo".
"hahaha itaas mo ang ulo mo Zed, kahit sino naman ganyan ang magiging reaksyon kung makikitang sinasaktan ang mahal niya sa buhay." Sambit naman ng hari habang tumatawa.
"Sinong mag-aakalang ganito ang mangyayari. Gusto kung lang malaman kung kaya mo bang protiktahan ang anak ko Roland "nakatitig ang hari sa ama ni Zed at binaling ang tingin kay Zed.
"At sino nga bang mag-aakalang may apo akung mas malakas pa sa akin" manghang-mangha naman ang hari sa kanyang nalaman.
"Apo, gusto mo bang sumunod na maging hari?" Sa mahabang pagsasalita ng hari ay nagulat naman sila sa huling sinabi nito.
Kahit na si Zed ay di inakalang sasabihin yun ng kanyang Lolo.".....aah-" dahil sa pag kagulat ay di nakapag salita si zed ng maayos na tila bang hindi nag proprosisu sa kanyang utak ang mga sinabi ng hari at buka nang buka lang ang bibig niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/178787089-288-k237647.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnation of the strongest GOD
FantasiIsang diyos na malapit na sa katapusan ng kanyang buhay, na nag disisyung muling mag karun ng panga lawang buhay at maranasan ang pagiging mortal, ngunit sa pag gising niya ay kusang bumalik ang kanyan kapangyarihan nang pagiging diyos.. Anu kaya an...