✞KABANATA APAT✞

617 19 0
                                    



KABANATA APAT


"ANSWER me Ruby, please..."


Muling lumunok ng laway ang dalaga bago sumagot. "Uh, O-Oo M-May third eye ako, may nakita akong babae tapos kinausap ko siya..."umupo siya sa gilid ng kama katabi niya ni Marco doon, Tumingin siya sa mga mata nito na puno ng takot at pangamba. "Gusto niyang mag-higanti at ako ang mag-hahanap kung sino man iyon. At kapag hindi ko siya napaghiganti... Papatayin niya kayo," aniya na ikinatulala ni Marco.


Ngayon lang nakita ni Ruby na para bang hindi nito maagap ang katotohanan, eh kung iyon naman ang totoo. Nakita niya rin sa mukha ni Marco na para bang---nag-sisinungaling lang siya. Mukhang ayaw niyang maniwala sa pinagsasabi nito at parang ipinapakita nito na kasinungalingan ito.


"Hindi ako naniniwala!" May kalakasang saad ni Marco.Napatiim bagang tuloy ang dalaga. Hindi niya alam kung bakita ganito na lang makaasta ang binata sa kanya. Na para bang nobyo niya na hindi niya alam.


Tumayo siya sa pag-kakaupo sa kama. "H'wag mo akong tataasan ng boses... kaibigan lang kita. We're Friends at hindi na hihigit pa doon." Si Ruby at dinuro-duro niya pa ang binata.


Napahakhak na lang si Marco. "Kaibigan mo lang ba ako? Really? Seriously?" sabi nito na may pagbibirong tono, ngunit agad din iyon napalitan ng pagkakaseryoso. "Wala ka bang nararamdaman sa akin kahit kakaunti? Hindi mo ba ako mahal?" tanong niya pa sa dalaga.


Nagulat si Ruby sa mga sunod-sunod na tanong nito sa kanya. At hindi niya aasahan na ayon ang maririnig niya sa bibig ni Marco. Oo, kaibigan lang niya, hindi niya mahal, at sa lahat ay wala siyang nararamdaman.


"Hindi! Kaibigan lang kita, hindi kita mahal. Ano bang ine-expect mo sa akin, na mahal kita? Hindi porket tinutulungan mo ako ay may nararamdaman na agad ako sa 'yo, hindi ako marupok!" Sigaw nito. "Inuulit ko... We're only friends," sambit nito sa binata.


Sinamaan pa siya ng tingin nito bago padabog na lumabas sa kuwarto. Hindi niya talaga aasahan iyon. Hindi niya mahal si Marco, kahit hanggang kailan pa siya tulungan nito dahil ang ama nito ay may kasalanan sa pamilya niya.


Namatay ang ama ni Ruby dahil sa kagagawan ng pamilya ni Marco. Nag-tatrabaho kasi ito bilang assistant ng ama ng binata sa kanilang kompaniya. Namatay ang ama nito dahil inatake sa puso dahil nagkaroon ng alitan ang kanilang ama. Nagkataon kasing nagkaroon ng problema sa kompanya ang ama ni Ruby ay hindi nakayanan ang galit kaya 'ayun ay namatay ito.


Napaluha na lang si Ruby sa naisip niya ng nakaraan. Nakaraan na iyon kaya dapat hindi na inaalala. Past is Past. Hindi naman siya galit kay Marco pero ang salitang mahal ay hindi niya matatanggap.


Humiga siya sa kama at pumikit na. Sa saliw ng mga kuliglig ay agad siyang nakatulog.


"What? Maaga na bakit ang dilim pa? It's already 7 AM. The hell!" saad ni Vessie Kinabukasan.


Nasa loob sila ng bahay na iyon. Maaga na pero ang kapaligiran ay parang mag-didilim pa. Hindi kaya ay may bagyo? Hindi eh---bago sila lumuwas ay nakinig na muna sila sa balita at wala naman raw paparating na bagyo.

Bloody Trip (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon