✞KABANATA LABING-LIMA✞

664 20 6
                                    



KABANATA LABING-LIMA


RUBY'S POINT OF VIEW


NANG biglang dumating na sa huling hantungan ang namayapa mong mga mahal ay para kang mapuputulan ng ugat. Napakasakit ng mga nangyari sa amin nang mga kaibigan ko. Maaalala ko pa rin sila kahit kailan. Hindi ko sila malilimutan. Dahil naririto sila sa aking puso. Mahal na mahal ko sila. Para na ngang kapatid ang turingan namin.


One last cry, before I leave it all behind

I've gotta put you outta my mind for the very last time

Been living alive

I guess, I'm down

I guess, I'm down

I guess, I'm down

To one last cry..

Nang matapos ang kantang, One Last Cry ay bigla akong naluha. Hindi ko matanggap na sila'y wala na. Na ngayong araw din ay huling araw nila. Huling hantungan nila. Mamimiss ko kayong lima. Sana'y masaya na kayo kung saan man kayo naroroon. Sana patnubayan niyo ako sa araw-araw.

Puro na lang SANA. Pero sana mangyari. Mangyari ang aking tinatamasa. Bakit pa kasi naisipan naming mag-trip. Nakakainis lang.

Dapat wala nang mag-aya.

Wala na dapat tumango.

Sana magkakasama pa rin kami.

Sabay-sabay na ga-graduate.

Ang lungkot.

Ang sakit...

Nawa'y maging masaya sila. Masaya sila sa piling nang Panginoon.

•••••

3 YEARS AGO...

It's been Three Years ago... Naalala ko pa, parang kahapon lang ang lahat ng nangyari sakkin, saamin. Ang mga panahong kami'y nag-hihirap. Sa kamay nang isang mapaghiganting tao.

Biglang sumakit ang tiyan ko. Napatayo ako dahil parang manganganak na yata ako. Sobrang sakit.

"Ahhh!" sigaw ko habang sapo-sapo ang maumbok kong tiyan.

Yes, buntis ako at manganganak na ako. Nakita ko na lang ang asawa ko na pumasok sa bahay. Inilapag niya ang mga pinamili niya sa lamesa sabay lapit sa akin.

Nangunot ang noo nito at tumunghay ang nag-aalala niyang mata. "Oh, anong nangyari sa 'yo?" tanong niya.

Napasapo ako sa tiyan ko at napakagat sa ibabang labi ko. "Manganganak na 'ata ako. Ang sakit nang tiyan ko," saad ko.

Bigla na lang akong nakaramdam na umagos sa binti ko. Doon ay may tubig. Manganganak na talaga ako. Dali-dali niya akong binuhat at ipinasok sa kotse. Gusto ko ng ilabas ito. Ang sakit na.

"Wait lang, ha. Kukunin ko lang ang mga gamit ng bata," aniya sabay muling pumasok sa bahay.

Mayamaya pa ay lumabas na ito. Dala ang mga bag na hinanda ko no'ng nakaraan. Pumasok na siya sa kotse at pinaandar na.

"Ahh."

"Shh. Malapit na tayo. Inhale, exhale."

Jusko! Hindi ko na kaya. Masakit na masakit na talaga. Mas masakit pa sa break up. Anak, hintay ka lang, ha. Malapit na tayo sa hospital.

Bloody Trip (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon