✞KABANATA LABING-TATLO✞

428 10 0
                                    



KABANATA LABING-TATLO


"WALA ka talagang awa!" singhal ni Ruby sa babae. Halakhak lang ang itinugon nito sa kanya kapagkuway naglakad sa kuwarto kung nasaan si Lea.

Sumunod siya at bigla na lang nawala ang babae. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Hanggang sa biglang bumangon si Lea. Nakangisi ito sa kanya. Alam niyang sinapian na naman ito.

"Ang hirap!" mahinang usal nito.

"Anong mahirap? Tigilan mo na ako maawa ka na, please. Umalis ka na sa katawan ni Lea!. Umalis kana. Tutal at namatay na naman ang gumahasa sa 'yo kaya, please..." Pinalapat nito ang kanilang parehas na palad. "Palayain mo na kami." Nagmamakaawang tugon niya.

"Ilang ulit ko bang sasabihin na papatayin ko kayong lahat!" sigaw nito sabay umpog ng ulo ni Lea sa pader.

"Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo?" tanong niya.

"Hindi. Hindi ko naman ito katawan."

"Maawa ka na. Huwag mo na kaming patayin. Umalis ka na sa katawan niya at hayaan mo ng makaalis kami. Please..." Napaluhod na lang ito.

"May isa pang paraan para mapaipaghiganti niyo ako," anang Lea.

"Ano?"

"Hindi ko pwedeng sabihin. Gawin niyo na kung gusto niyo makawala sa bahay na ito. Ang bahay kung saan ako namatay. Ang bahay kung saan nakatira ang gunahasa sa akin. Ang bahay na naging tirahan ko habang ako ay naghihintay na manahimik na. Hindi ko nagawa. Oo, patay na ang gumahasa sa akin. Pero hindi pa tapos lahat. May isang bagay pa kayong kailangang gawin. At ito ay---" Putol na anito sabay tumba ni Lea.

Agad na nilapitan iyon ni Ruby at inalog-alog. Nagising naman ito papungay-pungay ang mga mata. Itinayo ito ni Ruby habang ito naman ay sapo-sapo ang ulong iniuntog ng babae.

Ano ang kailangan nilang gawin? At ano nga ba ang bagay na 'yon? Hindi na niya alam kung ano pa ang kanyang gagawin. Nalilito na siya. Litong-lito na kung ano ba ang dapat.

"Ayos ka lang?!" tanong ni Ruby.

Tumango ito. Naglakad na nga sila palabas ng kuwartong iyon. Doon ay kitang-kita ang malakas na apoy na nilalamon si Giro. Ang carpet ay naglalakad na ang apoy.

"Mabuti nga sa kanya at namatay siya..." Si Lea.

"Hindi pa tapos ang lahat. May kailangan pa raw gawin tayo. Hindi ko talaga alam kung ano. Ano nga kaya iyon?"

"Ha? Hindi pa ba tayo makakaalis rito? Shit. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang umalis." ani Ruby.

"Pero hindi talaga. Iniisip ko nga kung ano iyon. Gusto kong malaman iyon..." Medyo nag-isip siya hanggang sa sumagi ang nakita niya noon.

Ang mga buto ba nito? Tama. Baka kapag nailibing nila ay baka manahimik at silay makakalaya na. Kung tama siya. Hindi kaya ay ayon ang tinutukoy ng babae?

"Ang mga buto niya," aniya.

"Ha?" gulong tanong ni Lea.

"May nakita akong buto sa banyo noon."

"Ano namang gagawin natin?"

"Ililibing natin iyon. Baka ayon yung sinasabi niya. Parang ayon nga." Wala ano-ano'y hinila niya si Lea papunta sa direksyon ng banyo.Marami silang nadaanang pinto. May mga hand marked ang mga ito at parang dugo pa. Nahiwagaan tuloy siya. Saan nga ba?

Hanggang sa makakita siya ng mga durog-durog na pagkain. Hindi siya nagkamali sa iniisip niya ngayon dahil alam niyang suka niya 'yon nitong nakaraan.Dumiretso na lang silang dalawa. Hanggang sa makarating sila sa destinasyon. Unti-unti niyang binuksan ang pinto at biglang kumalat ang napakabahong amoy. Kahit buto-buto na ito ay maamoy pa rin.

Sa isang sulok. Nandoon ang isang bath tub. Prenteng nakahiga ang mga buto. Hindi hiwa-hiwalay dahil nakahiga ito. Naglakad na siya habang nakatakip ang kamay sa ilong at bibig. Nang makalapit ay tiningnan niya ito.

Napagtano niyang isang babae iyon. Ang mga buhok nito ay nagkalat na dahil hindi naman nabubulok ang buhok. Sa tabi nito ay may malaking gunting. Natuyo na ang dugo rito. Tama siya. Ito nga ang babaeng 'yon.

"Ahhh!" Napatingin siya sa pinto kung saan naroroon si Lea. Bigla itong nawala kaya agad siyang nagtatakbo. Tingin sa kaliwa't kanan. Ngunit wala.

Saan naman ito nagpunta. Hindi kaya kinuha ito ng babae? Napailing na lang siyang naglakad papunta sa kanan para hanapin si Lea.

Nasaan na nga ba ito?

"BITAWAN mo ako!" Nagpupumiglas si Lea habang siya ay kinakaladkad ng babae. May lubid sa paa niya at siya naman ay nakatihaya.

"Laro muna tayo.."

"Hayop ka. Mas masahol ka pa sa hayop!"

"Oo na! Pero mas masahol ang gumawa sa'kin nito..."

Hindi na niya nakuha pang sagutin ito at pilit niyang tinatanggal ang tali habang patuloy pa rin ito sa pagkaladkad sa kanya.

Hanggang sa manlaki ang mga mata niya. May mga nakausling pako. Doon ay nag-hesterical siya dahil ano mang oras ay makakaladkad siya sa pako. Kita niya ang babae na kung umapak ay ayos lang. Pero iba sa kanya. Takot na takot siya. Mahigpit ang tali sa paa niya. Napakahigpit.

Hanggang sa mapadaing na lang siya ng biglang humiwa ang paanan niya pataas sa binti niya at sa likuran. Halos mabunutan siya ng isang buto sa katawan ng maramdaman ang mga pakong nakatusok sa likuran niya.

Nang tumusok lahat ng pako sa likod niya ay tumigil ang babae.

"Wow!" Manghang anas nito.

"Hayop ka talaga!" Naiinis na aniya habang sumusuka ng kaunting dugo sa bibig.

"Hindi pa iyan tapos. May susunod pa..." anang babae sabay lakad. Sinundan niya ng tingin ito at halos malagutan siya ng hininga.

Sa may kanan niya ay may malaking aparador. Alam na niya kung ano ang mangyayari o gagawin ng babae. Handa na siyang mamatay.

Pumiwesto ang babae sa likod ng aparador. Napapikit na lang siya ng unti-unting itinumba ng babae.

Mabilis ang mga pangyayari. Ilang segundo ang lumipas pero wala siyang narandamang dumagan sa kanya. Naimulat niya tuloy ang mga mata niya. At doon nakita ang aparador na nakatumba at mabuti na lang hindi siya nahagip. Napabuntong hininga na lamang siya habang unti-unti tumayo.

Sa bawat pag-alis niya ng pako ay daing ang nangyayari sa kanya. Hanggang sa tumayo na siya. Biglang nawala ang babae. Napasandal na lang siya sa pader at hinang-hina.

"Ate!"

Nakarinig siya ng sigaw mula sa hindi niya malamang posisyon. Luminga-linga siya.

"Ate!"

Bigla siyang kinabahan. Rinig na rinig niya ang boses ng babae sa taas. Tumingala naman siya pero muling nanlaki ang mga mata ng biglang ihulog ng babae ang bakal na hawak. Mabilis ang mga pangyayari. Sakto ang bakal sa bibig ni Lea na ikinatumba nito. Nawalan na ito ng buhay.

Isa na lang ang natira. Paano na kaya sila?

Humalakhak ang babae sabay lakad na para isunod naman ang natitira pa.




Bloody Trip (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon