✞KABANATA LIMA✞

595 15 0
                                    



KABANATA LIMA


BIGLAANG bumuhos ang malakas na ulan, may kasamang kulog at kidlat. Napatingin na lang sila sa kapaligiran. Hindi na sila natuloy pa sa kanilang pag-alis. Wala rin naman silang panangga. Paano na iyan? Napaupo na lang sila sa sopa habang si Vessie ay inaalalayan ni Ruby. Hindi pa rin kasi maampat ang dugo kahit na may telang nakabalot roon.


"A-Ouchie..."


"Paano na 'yan? Hindi na tayo makakalabas kapag hindi tumigil ang ulan. Baka nga may bagyo na hindi lang natin alam? My god! Pati wala rin tayong supply ng pagkain, tubig. Siguro dito na tayo mamamatay," ani Lea habang nakahawak sa braso ni Janrick.


Malamig na rin ang kalooban dahil sa ulan. Ang mga salamin ng mga bintana ay basag-basag na.

"Paano na talaga tayo?" Si Janrick.


"Naku! Siguro dapat tayong lumabas, mga boys. Bumalik tayo sa van, 'di ba mayroon tayong mga pagkain roon. Lusubin na natin ang ulan..." saad ni Giro at tumayo na sabay bukas ng malaking pinto.


Biglang umihip ang hangin at pumasok sa loob at ang ampiyas ng ulan dahilan para kaligkigin sila sa lamig.


"Mag-ingat kayo, bumalik kayo agad, huwag din kayong mag-tatagal at delikado sa labas," paalala ni Ruby sa kanilang tatlo.


Napatingin pa siya kay Marco. Napasapo nalang siya sa noo niya.


Parang hindi na ito ang dating Marco dahil sa hitsura ng mukha nito. Parang malungkot na hindi niya alam. Napabuntong hininga na lang siya sabay alis ng tingin sa binata.


"Ingat ka doon ha, Jan... Kapag nasa panganib ka isipin mo lang ako. Ililigtas kita." Humalakhak si Lea dahil sa kanyang sinabi. Napangiti na lang si Janrick sabay lumabas na silang tatlo.


Nilingon niya naman ang kaibigan. "Kaya mo pa ba, Vessie?" tanong ni Lea sa kaibigang duguan.


Umiling lang ito at hinang-hinang sumagot. "Oo... Ayos lang ako!" anito.


Naninibago tuloy si Ruby sa itinura nito. Sa ganitong paraan lang pala matatahimik ito. Pero kahit na medyo may kaartihan ay hindi pa rin nawawala ang pag-kakaibigan nila.


"Kawawa naman si Ruby, duguan na 'yong damit niya, oh," ani Lea sabay turo sa damit ni Ruby na puno na ng dugo.


Tumingin naman ang si Ruby sa sarili. Napangiti na lang ang dalaga. "Ayos lang sa akin 'to may pampalit naman ako eh. Kaya mo bang umupo ng mag-isa?" tanong ni Ruby sa kaibigang alalay.


Nakakandong kasi ito sa kanya habang ang may sugat na braso ay nasa tapat ng dibdib niya at doon dumadaloy ang dugo. Tumango na lang ang kawawang si Vessie kaya dahan-dahang iniupo ni Ruby ito.


At ng matapos ay tumayo siya. "Iihi lang ako," aniya.


Bloody Trip (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon