Bonheur - happiness

37 4 0
                                    

🖊️: RS | eriser

April 6 2019.

I'm so happy. today is the biggest day for us.

Ngayon na kase ang Senior High Graduation naming magkakaibigan.
masayang masaya ako dahil Finally. tapos na ang paghihirap namin sa buong school year na 'to.

Excited talaga ako dahil sa pagkakaalam ko ay Honor kaming lahat. siyam kaming magkakaibigan, Lima saamin ang magkakaklase. Ang Tatlo samin ay highest honor. ang anim naman na nasa ibang section ay high honor,

sobrang nakaka proud dahil makikita ko kung paano parangalan ang mga kaibigan ko. makikita ko kung gaano kasaya ang mga magulang nila dahil sa parangal na kanilang makukuha.

alas dose na ng tanghali at agad akong nag ayos. Sigurado akong late ako, napangiti nalang ako nang mapagtantong pati ba naman sa graduation ay late pa rin.

pagdating ko sa lugar kung Saan gaganapin ang graduation ay agad hinanap ng Mata ko ang mga kaibigan ko, sama sama silang nakapila dahil papasok na sila sa loob. Naamaze ako sa mga itsura nila. napakaganda nila, Hindi ko maipaliwanag ang saya ko habang nakikita silang masaya.

"aba! napakaganda naman Landiana, mukang babaeng babae na ah! Ikaw ba yan?" panunukso ni Hira kay jess na hindi mapigilan ang inis.

"Ikaw ha! bakit lalaki ba ako dati ha? inggit kalang girl dahil pantay ang kilay ko!" tuksong pabalik ni jess.

"nagkakainitan na ang dalawang lalaki noon" hirit ni Joyce at sabay sabay silang nagtawanan.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad nila. kasama sa hirap at ginhawa. ngayon sabay sabay kaming magtatagumpay habang dala dala ang aming parangal.

"naku, kung nandito lang si kaeli, magmumuka rin yung babae, eh kayong Tatlo mga binata kayo noon eh" Hindi pa nagpahuli si Frances at agad silang natahimik.

"Late lang yun" ani ni Ashley at pilit na ngumiti. kilalang kilala talaga nila ako, dahil hanggang Ngayon e Hindi pa rin nila ako nakikita hahaha

Nag akbayan silang lahat at pumasok na sa loob. tabi tabi kaming Umupo sa upuan at hintayin ang section namin na tawagin.

Tinanaw ko si mama sa kinauupuan nila, kitang kita ko ang paguusap ng mga magulang naming magkakaibigan. Hindi ko alam pero nakikita ko sa Mata nila ang magkahalong emosyon, Saya at lungkot. Siguro ay nalulungkot sila dahil iniisip na nila ang pagkakahiwalay hiwalay namin, na alam kong never mangyayari.

Sa wakas..

tinawag na ang section namin. sabay sabay na nagpalakpakan ang mga estudyante.

Hindi maipalagay ang saya ng mga kaibigan ko. Ganun rin ako.

"Ngayon ay tatawagin natin ang mga estudyanteng deserve parangalan dahil nakamit nila ang mas mataas at pinakamataas na karangalan. Let's give them our biggest hands!"

Sa pagkakarinig ko kwentuhan nila Joyce at Ashley, nirequest daw ng adviser namin na isama ang iba Kong kaibigan sa section namin oras na parangalan ang honors..

Hanggang sa isaisa nang tawagin ang aming mga pangalan.

"David Hira Cailie. With high honor!" malakas na palakpakan ang iginawad ng mga estudyante. umakyat siya katabi ang kanyang Ina. Hanggang tenga ang ngiti ni Tita Macy sa kanilang litrato hanggang sa isinabit ang tatlong medalya at sertipiko.

Mas malakas ang palakpak naming magkakaibigan.

"Enriquez Nami resha, With High honor!" Sabay silang umakyat ni Tita Elyssa sa stage suot ang napakalapad na ngiti. hanggang sa isabit ang medalya kasama ng sertipiko.

"Conde Jessilie Landiana, With high honor!" bago pa sya umakyat ay nagbigay sya ng malaking ngiti,

Hindi mawala ang ngiti sakanilang dalawa ni Tita Elisabeth. proud na proud ang mga Mata nya..

"Bautista Keira Eilene, with high honor!" Nagpalakpakan kaming lahat dahil proud na proud kami sa isatisa, umakyat sila ni Tito Paulo sa stage at proud naming pinanood ang pagsabit ng medalya..

masaya ako dahil okay sya.. masaya ako dahil naibigay nya Kay Tito Paulo ang karangalan na pinag hirapan nya.. masaya ako dahil Hindi na sya nahihirapan.

"Dave Jasmine Joyce, with high honor!" malakas na palakpak ang nanaig hanggang sa pagsabit sakaniya ni tita gelin ng kumikinang na mga medalya.

"Reyes Stephanie Faye, With high honor!" Sabay silang umakyat ni Tito Peh at parehas silang Hindi maitago ang saya ng isabit ang karangalan sa anak..

"San Pedro Frances Allyson. with highest honor!" mas malakas ang palakpak na pinakawalan naming magkakaibigan, Tila maskara ang muka ni Tita Joy dahil Hindi mabura ang ngiti sa labi nang matamo ng anak ang mataas na karangalan..

"Delfin Alyssa Faye. with highest honor!" Tinanaw ko ang mga kaibigan ko sa kabilang side ng stage, doon kase pupunta ang mga natapos na, kasama ang kanilang magulang, matapos tawagin ni Faye ay ako nalang ang naiwan dito at si mama.. dahil ako ang huling tatawagin..

Masayang umakyat sa stage si Faye at si Tito Gary, kitang kita ang proudness sa kanyang mga mata na Hindi mawala hanggang sa pag bigay nya ng medalya sa anak..

Naiiyak Kong tinignan ang kumpletong mga kaibigan ko na sama sama, magkakayap sila at kita ko rin ang bahagyang lungkot sa kanilang muka..isa lang ang bagay na alam ko, Mahal na Mahal ko sila..

"Rios Mexica Kaeli..With highest honor!" napangiti ako at tinignan si mama. nakatingin rin ang mga kaibigan ko sakanya..

Sabay silang umakyat ni daddy sa stage..masayang masaya ang mga Mata nya. naiiyak naman si daddy na tinanggap ang apat na medalyang nakuha ng mga highest honor..

Hindi ko napigilang mapaluha nang makita ang mga kaibigan Kong yakap ang isatisa, nakikita ko ang saya sa mga Mata nila habang nakatingin Kay mama at daddy..

I'm sorry mama. hindi ko kayo masamahan dyan sa stage..gusto ko kase kayo ang kumuha sa lahat ng pinaghirapan ko..

bumaba sila ni daddy, humahagulgol si mama at pilit syang pinapakalma ni daddy. sinalubong sila ng yakap ng mga kaibigan ko at magulang nila..

Mula sa malayo ay nakatanaw ako sa kasiyahan nila. nasasaktan akong nakikita silang nalulungkot dahil saakin..

yes..

I died..

im not existing anymore, Na diagnose si Eilene na may heart failure..kailangan nya ng bagong puso..

Ngayong araw ay ang huli Kong pamamalagi dito, pinanood ko kung
paano sila nagtapos..

I donated mine..

because I want her to continue her dreams, at alam kong sya ang pinakastrong saamin kaya Hindi sya pwedeng mawala.. she promised me, aalagaan nila ang isat isa.

And I am happy with that

ONESHOT's - Tagalog Where stories live. Discover now