rant

81 4 0
                                    

WORK

“Hoy Jerra! Hindi kaba Sasama samin? Kj mo naman!” sinigawan ako ni Nessa sabay batok saakin nang pabiro.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat, Narinig ko pang nagtawanan sila ni Jen.

“It hurts." bulong ko sa sarili. Mag uuwian narin, sumama na ako kila Nessa, Jen at Ariana. Sabay daw kaming uuwi, Okay lang naman sakin kase they're my friends,

“Kainis talaga, naguidance pa ako kanina, ikaw kase Jen eh!” Sabi ni nessa na tinatawanan lang siya.

“ako nga matagal nang nagaguidance, Nasanay na ako hahaha! ito si Ariana at Jerra Hindi pa, ano may balak ba kayong magpaguidance?" Sabay silang tumingin saamin ni Ariana,

napalunok ako at umiwas ng tingin, What the hell is wrong with them? Ayokong mainvolve sa gulo..

“naku, yan pa? e honor student yan e, masyadong mabait" pabulong na sabi ni Jen.

but I heard it..malinaw ang pagkakarinig ko, parang pinunit yung puso ko sa pagkakasabi nyang yun.

Hindi ko nalang pinansin at sumabay na sa kanila sa paglalakad,

"ito naman, nagjojoke lang eh!" inakbayan ako ni Jen at naramdaman kong sumakit ang anit ko dahil sa sabunot niya..

Sasabihin nanaman ba niyang pabiro lang ang sabunot nayun?

"aray naman! hahaha!" natatawa kong kunwaring sabi para Hindi mapahalata ang inis. damn it, Hindi na ko makapagpigil, masasampal koto.

“Mapanakit ka masyado Jen, Iwasan moyan." saway ni Ariana at hinila ako palayo sa kanila.

-

Papasok na Sana ako ng CR ng makita ako nila Nessa. Malayo palang ay kumakaway na siya,

hinanda ko ang sarili dahil alam ko ang mangyayari.

"Hoyy!" sinampal nya ako matapos akong akbayan..

Sasabihin nya paraan nya lang ng pagbati yun..pero para sakin, sobra na sya.

"cutting tayo?"

"ha? ayoko, magagalit si mam." pagtanggi ko dahil malilintikan ako Kay mommy kapag sumama ako sakanila.

"Hindi yan, di naman nya alam eh"

"sge na kayo nalang"

Binatukan nya ko ulit at tsaka sya tumawa..

“Alam mo, napaka kj mo, Sana Hindi ka nalang namin na kilala. Ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan na ayaw sa trip mo, mag enjoy ka? hahaha!" dinuro duro pa ako ni Nessa kasabay ng tawanan nila ni Jen. absent si Ariana kaya wala akong kakampi, Nakitawa nalang din ako para Hindi niya mahalata ang inis.

Bigla nya akong sinabunutan.

"lika na para matry mooo"

Mahigpit kong hinawakan ang braso nya at wala na akong pakeelam kung bumaon ang kuko ko sa balat niya.

inalis ko yung pagkakahawak nya sa buhok ko.

“sumosobra kana ah, Akala mo natutuwa pa ako sa ginagawa mo? Kung balatan kaya kita tapos sabihin ko pabiro lang yun? Nakakasawa kayo! Kung gusto nyo ng kaibigan na malalapitan kapag may kailangan lang, pwes Hindi nyo dapat ako nilapitan nung Una palang! nakikiselfie lang naman kayo sa cellphone ko diba? nakikiutang para may ipambili ng makeup na pamporma. tapos ang lakas nyo pa manakit tapos sasabihin nyo pabiro?" iniwan ko sila doon...

pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.

Bakit ako nagkaroon ng kaibigan na ganito? na kung kailan may Kailangan tsaka ako lalapitan? Kung saktan ako, pabiro lang? kapag Hindi na sunod ang gusto kung magalit halos kaya akong kalimutan?

ONESHOT's - Tagalog Where stories live. Discover now