Minsan mo na bang naitanong sa sarili mo, kung kanino ka makikinig?
kung tama ba ang pinakikinggan mo?
nakikinig ka ba sa sinasabi ng iba, dahil tingin mo iyon ang tama?
O, nakikinig ka dahil gusto mo lang patunayan ang iyong tiwala?
Tunog lamang ng yapak na nanggagaling sa sapatos ni Erin ang gumagawa ng ingay sa nilalakaran naming Hallway sa pangatlong palapag ng eskwelahan,
walang masiyadong tao sa hallway, marahil ay nasa loob na ng kuwarto. nakangiti siya sa gilid ko, ni hindi na nga namin nagawang magusap dahil malapit na kami sa kuwarto kung saan ako magreregister para sa Mathematics competition.Marahan niyang binuksan ang glass door, ang lamig na nanggagaling sa Aircon- ang dumampi saaming balat, pipito ang tao dito sa loob, dalawa ang nag aasikaso para sa mga estudyanteng magreregister, at limang estudyanteng magpapalista, kasama na ako.
“Ali, sasali ka?” ani joy, siya ang kaibigan ko na mahilig din sumali sa mga competition, pero ako, hindi gaano, si Erin kase ang mahilig dito, sa History at Chemistry naman ang hilig ni Lei..
“Ah, eh,” magsasalita na sana ako nang bigla akong hilahin ni Erin palabas.
“Erin?!” matalim niya akong tinignan, minsan.. hindi ko siya maintindihan..
“Hindi ako nagtitiwala sa kaibigan mo.” ngiti lamang ang naisukli ko sakaniya matapos lumabas sa pinto si joy.
“Bakit ka biglang lumabas, I thought you're joining?”
“Huwag kang mag alala, Sumali man ako o hindi, Hindi magbabago ang totoo, Hindi ka mananalo, Joy.” nakangising sambit ni Erin kay joy.
ano bang sinasabi niya!?
Hindi ko siya magawang pigilan dahil hinarangan niya ako, kaibigan ko si joy, paano na 'to?
“What do you mean? anong sinasabi mo..” pilit niyang iniiwas ang paningin saaming dalawa..
“Sasabihin ko pa ba? wag ka nang magkunwari, pareho naman nating alam na inggit ka.”
nanlaki ang mata ko at agad siyang hinawakan sa pulso.
“Erin, tama na, ano ba!” pero hindi siya nagpatinag, parang hindi niya ako naririnig.
“I never thought you are that mean Ali. ikaw ba talaga yan?” naiinis niya akong tinignan, hindi ko alam ang sasabihin ko, para akong napahiya dahil sa ginawa ni Erin.
“Erin, stop! hindi totoo yan, kaibigan natin siya okay?” pagpapaliwanag ko, pero tinawanan niya lang ako.
“Friends your ass, Inggit ka naman talaga Joy, Akala mo ba hindi ko alam na pasikreto mong chinecheck yung grades ko? well, Hindi magbabago yon, kahit anong titig mo.” natatawang sambit ni Erin, kahit anong pigil ko ay ayaw niyang makinig.
ganoon nalang ang gulat ko nang sampalin ako ni joy..
—
“Now, you listened to her, what happened to the both of you?” sermon saamin ni Lei habang nilalagay ang cold compress sa pisnge. Oh, man, ang sakit!