𝐋𝐀𝐖𝐘𝐄𝐑𝐒 𝐚𝐫𝐞 𝐋𝐈𝐀𝐑𝐒
✍ @𝐄𝐫𝐢𝐬"Nakapasa ako sa board exam ma." sambit ni Kao sa lapida sa kaniyang harapan.
That gravestone is owned by her mom. she was a murder victim 11 years ago.
Kao witnessed everything, sa murang edad ay nakita niya kung paano pinatay ang kaniyang ina sa harap niya mismo.
I am a law student. Noong una, nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba ang course na yun, dahil hindi ko naman talaga ito gusto.
pero dahil sa nangyari kay mama, kahit na ayaw ko ay pinilit kong kunin ang course na yun.
sa ngayon, nakapasa ako sa exam, gagawin ko ang lahat para makuha ang justice para kay mama.
sinubukan na naming ipakulong ni tatay ang lalaking gumawa noon kay mama, pero dahil bata pa ako at mayaman sila, pinalibas nilang nagsisinungaling ako, at iba ang taong itinuturo nila na pumatay kay mama, gumamit sila ng ibang tao para pagtakpan ang kasalanan.
tumingin ako sa relo ko, oras na pala, last class ko na this afternoon, bukod don ipinatawag kami ng adviser namin dahil nabalitaan niya ang result ng exam, kalahati saamin ay nakapasa.
ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe papunta sa Uni. hindi na ako nagsayang ng oras dahil gusto kong marinig ang mga sasabihin niya.
pagpasok ko sa kuwarto ng classroom namin ay sarisaring reaksyon ang nakikita ko, lahat sila ay natutuwa, may kaniya kaniya silang kwento sa bawat isa.
"Congratulations, Students." Mr. Lebi started to walk in. natahimik ang klase at lahat kami ay napaupo.
"I'm so proud of you," aniya, inilabas ko ang notebook ko para sagutan ang crosswords, ganito ang gawain ko kapag alam kong magkukuwento ang teacher namin, nakikinig lang ako habang naglilibang.
"Ngayong magiging isang Abogado na kayo, I have something to share," as what I've said, I am right.
Tumahimik ang klase at naghanda sa susunod niyang sasabihin.
"Mayroong isang binata ang lumaki sa mayamang pamilya.. ang kaniyang ama ay Vice Mayor sa kanilang lugar.. dahil doon, bihira lang ang mga batang nakikipagkaibigan sakaniya."
habang nagsasalita siya ay nilibot ko ang mata ko sa paligid, nakuha niya ang atensyon ng kalahatan.
"Until he met a girl, they became friends. pero ang sabi nila, walang babae at lalaki ang nanatiling magkaibigan lang.'' I turned on the recorder inside my pocket. gusto ko ulit mapakinggan ang mga sinasabi niya..
"They became a lovers, sir?" one of my classmate asked to broke the silence. he answered her by nodding.
"Oh, Sana all."
"Ser, bakit sila magkaibigan, nagkatuluyan, e ako na friendzone huhu"
I chuckled after hearing their rants. buti nalang ako walang pakielam sa love life.
"Back to story na, mga abogadong walang jowa."
I saw sir, he chuckled too.
"tumagal ang relasyon nila, pero may bagay na hindi inaasahang mangyari. nagpadala sila sa tukso.. nalaman ng ama ng binata ang relasyon nito sa dalaga, agad silang pinaghiwalay dahil sa estado ng buhay ng babae.." I continued to solve the crosswords while recording him. may katandaan na si sir, kaya may kabagalan siya magsalita.
"Walang nagawa ang binata dahil ipinadala siya sa ibang bansa upang mag aral ng pag aabogado."
"Nagkaroon sila ng kaniya kaniyang buhay, Habang nag aaral ang binata, nakatagpo muli ng partner niya sa buhay ang babae."