❝Superstition; Pamahiin❞
✍: Erisr
Naniniwala ka ba sa pamahiin?
Pamahiin na, minsan nang ginamit sa atin ng matatanda noon para takutin tayo.
Minsan natanong mo na ba sa sarili mo kung totoo yun?
Ang sabi nila, kapag daw ginupit mo ang kuko mo ng Gabi, ay may kaakibat na malas. and worst may mamatay sa pamilya mo.
Noong bata pa ako, madalas akong maniwala sa pamahiin ng matatanda, lalo na kapag Lola ko ang nagsasabi. pero ngayong Lumaki na ako, Hindi kona pinag tutuunan ng pansin iyon.
Banda alas dyes y media na ng gabi pero Hindi pa dumadating si mama galing trabaho. kanina ko pa siya hinihintay dahil sabi niya ay lilinisan at gugupitan niya ako ng kuko para sa Junior Senior promenade namin bukas ng hapon.
Pero wala pa siya. napagdesisyonan ko na, na Bukas nalang ng umaga.
Pinilit ko ang sarili kong matulog, pero mukhang ayaw akong dalawin ng antok.
I even checked my phone if someone messaged me. pero wala, offline na ang mga kaibigan ko kaya wala akong makakausap.
Buryong buryo akong lumipat sa sala para maghanap ng makakain.
Napansin ko ang oras. bakit ganun? Alas onse na? ang bilis naman?
Narinig kong bumukas ang pinto, at lumabas doon si Kuya na nakakumpletong uniform nya sa trabaho, sa call center siya nagtatrabaho at night shift nya.
Ang lakas lakas ng Amoy ng pabango niya.
"Bakit gising kapa Mara? Anong oras na ah."
"eh? Hinihintay kolang dumating si mama. ito naman, Hindi ako makatulog eh."
Ginulo niya ang buhok ko na agad ko namang kinainis. i hate him, doing that.
"Nilock ko na yung mga pinto, I'm leaving. Magiingat ka dyan, nagtext na sakin si mama, pauwi na raw siya, wag kang magbubukas hanggat Hindi ka niya tinatawag."
I nodded. matapos niyang umalis ay binilisan ko nang kumain.
Napansin ko yung box ni mama na kinalalagyan nya ng materials na panglinis ng kuko.
Sandali pa akong nagisip bago damputin iyon.
"Wala namang masama kung susubukan, pamahiin lang naman yun." I whispered to myself, para mabawasan ang kaba sa dibdib ko.
I started to find the cuticle. pagkatapos kong lagyan ang mga kuko ko ay ginupit ko na lahat.
Nagulat ako nang mapansin ang malapot na dugong umaagos sa daliri ko na galing sa kuko ko.
"Damn!"
Hindi ako magkanda ugaga sa pagpigil sa lumalabas na pulang likido sa mga kuko ko.
Nakita ko kung paano humaba ulit ang mga kuko ko at patuloy ang pag agos ng dugo halos nabasa na ang sahig. pinunasan ko ng damit ko ang umaagos na dugo sa magkabila kong daliri, halos maiyak na ko Dahil ayaw tumigil.
"Anak, Mara" nakita ko si mama sa bintana at sumesenyas na buksan ko ang pinto.
tinitigan ko ang mga kuko ko pero nawala yung dugo. at umigsi ito,
Mahina kong tinampal ang pisngi ko.
"inaantok kalang Mara." bulong ko sa sarili habang pinupunusan ang luha.
"Mara, bakit Hindi ka pa natutulog?" pagod na tanong ni mama na dumiretso sa sala.
"Im waiting for you, I even texted you about.. cleaning my nails."
Hindi niya ako sinagot. bumalik siya na may tuwalya sa balikat.
"Bakit nakalabas ang nail care tools ko? naggupit kaba ng kuko ngayon?" the way she talked to me is different. maawtoridad. ito ang kinakatakot ko kay mama kaya Hindi ko magawang magsinungaling.
tumango ako sakaniya, pero ni isang salita ay wala siyang sinabi.
dumiretso na siya sa banyo. Hihintayin ko nalang siguro siya matapos para Sabay kaming matulog.
kumuha ako ng isang basong tubig na maiinom, ano iyong nakita ko sa kuko ko?
Muli kong pinagmasdan ang gupit ng mga kuko ko, Hallucinations ko lang Siguro yun.
Para maibsan ang inip, I turned on the TV. saktong sakto ang balita.
11:30 PM na pala.
"Just in. kakapasok lamang na balita, Nahagip ng CCTV Camera ang aksidenteng nangyari kaninang alas onse lamang ng Gabi. Kitang kita ang babaeng naglalakad sa side walk, nang mabundol ng kotse. nakumpirmang dead on the spot ang biktima na kinilalang si Kristina Villaberde. Kasalukuyang pinaghahanap ng ating kapulisan ang suspect. "
Sandali akong natigilan.
Nanginginig ang tuhod ko pati na ang mga kamay ko kaya nabitawan ko ang basong hawak ko at tuluyan itong nabasag sa sahig
"mama..mama.." nanginginig kong bulong.
it was her.
Si mama yung nasa TV..
S-sino y-yung naliligo?
➯FICTION