Part 5

88.3K 2.2K 19
                                    


NANGINGINIG ang mga kamay ni Andrea habang hawak ang cellphone. Tinatawagan niya ang kakambal na si Veronica pero nag ri-ring lang sa kabilang linya at parang wala yata balak sumagot.

Frustrated na huminga siya ng malalim at tensed na sinulyapan ang king sized bed. Iyon lang at ang lamesang nakadikit sa isang side ng ulunan ng kama ang tanging furniture na mayroon sa master's bedroom.

Katulad sa open scaped area ng penthouse, wala ring kahit anong bagay na nakakalat sa paligid. Kanina akala niya minimalist lang talaga ang taste ng binata. Pero ngayon narealize niyang ganoon ang hitsura ng bahay nito para hindi ito mabangga sa furnitures.

Bigla bumalik sa isip ni Andrea ang hitsura ni Denver kanina nang itanong niya kung hindi ba siya nito nakikita. He was an intimidating man. Pero kanina para itong nabangga ng malaking truck. Napaatras ito at namutla.

Parang sinaksak ang dibdib niya sa matinding guilt. Pero bago pa siya makahingi ng sorry ay pumagitan na sa kanila si Ben. Matalim ang tingin nito sa kaniya kanina bago nito inalalayan pabalik sa library si Denver. Naiwan siya sa hallway na halo-halo ang emosyong nararamdaman.

Sinubukan niya uli humingi ng tawad nang balikan siya ni Ben pero malamig na ito sa kaniya at hindi nagsalita hanggang maihatid siya sa master's bedroom. Saka lang siya kinausap ng executive assistant nang palabas na ito sa pinto.

"Sinabi mo sa akin kanina sa elevator na nakausap ka na ng parents mo. Inaasahan ko na alam mo ang buong sitwasyon at kung paano ka dapat umakto habang nandito. I assumed they also told you what you can and cannot say. But I guess it is true that you are a spoiled selfish princess. I am disappointed but not surprised."

Pagkatapos iyon sabihin ni Ben ay malamig lang nitong ibinilin na may kakatok sa pinto niya kapag oras na para sa lunch at sana raw maging civil at maingat na siya makipag-usap kay Denver sa dining table. Walang nasabi si Andrea hanggang isara nito ang pinto.

Hindi niya alam kung ano ang totoong sitwayon. Litong lito na siya at pakiramdam niya magkakaroon siya ng mental breakdown kapag hindi pa niya nakausap si Veronica at hindi nito naipaliwanag sa kaniya ang lahat. Ilalayo na sana niya sa tainga ang cellphone nang sa wakas sumagot ang kakambal niya. Relieved na napabuntong hininga siya nang marinig ang boses nito.

"Wala kang sinabi sa akin tungkol sa sitwasyon ni Denver Vallejo," mahina pero marahas na sabi ni Andrea. "Naniniwala rin ang assistant niya na may 'briefing' dapat ako mula sa parents natin pero wala kang sinabi sa akin."

"Oh. Right," sabi ni Veronica na para bang simpleng bagay lang ang nalimutan nito. "Ngayon ko lang naalala may pinadala nga pala sa aking email ang secretary ni papa. Basahin ko raw bago magpunta diyan pero ang daming details so hindi ko na tinuloy. Send ko sa 'yo. Text mo sa akin ang email address mo."

Napanganga si Andrea, hindi makapaniwala sa indifference sa boses ng kakambal niya. Ibinuka niya ang bibig para sabihin ang nasa isip pero naunahan siya ni Veronica.

"At hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol sa nangyari kay Denver kasi akala ko alam mo na. It was all over the news for months."

Mariing tinikom niya ang bibig at humigpit ang hawak sa cellphone. Wala siyang alam kasi mula nang manirahan siya mag-isa ay hindi siya nanonood ng tv o tumitingin ng articles sa internet. Wala rin siyang social media. Kaya nga lang siya updated kay Veronica kasi kapag nagpupunta siya sa convenience store nakikita niya ang mukha nito sa magazines na binebenta. If the social circle she came from acted like she never existed, Andrea also lived her life as if they do not exist too.

Napakurap siya nang may marinig na mahinang boses ng lalaki mula sa kabilang linya. Pagkatapos narinig niya ang hagikgik ni Veronica na naging ungol. Humigpit ang hawak niya sa cellphone at matinding pagtitimpi ang kinailangan niya para hindi masigawan ang kakambal na lalong tumindi ang ungol, patunay na may ginagawa rito ang lalaking narinig niya. Mukhang wala naman yatang hiwalayang mangyayari sa pagitan nito at ng boyfriend.

"Ise-send ko sa 'yo ang email address ko. I-forward mo sa akin ang email na pinadala sa 'yo ng secretary ni papa. ASAP Veronica. Remember that I am doing you a favor. Puwede akong mag back out at walang mawawala sa akin," mariing sabi ni Andrea.

Napasinghap ang kakambal niya. Hindi niya alam kung dahil sa boyfriend nito o dahil sa pagbabanta niya. "F-fine. I'll send it as soon as I get your email address."

Tumango si Andrea kahit hindi naman siya nito nakikita. "Good." Pagkatapos tinapos na niya ang tawag at itinext sa number nito ang email address niya. Binuksan niya ang data connection ng mamahaling cellphone na pinahiram ng kakambal niya sa kaniya para mag fit sa pagiging Veronica Lauzon niya. Binuksan niya ang email niya at dinownload ang attached file na finorward ng kakambal niya. Pero hindi niya muna iyon binasa.

Sa halip tinipa niya ang pangalan ni Denver sa google. Nang lumabas ang mga artikulo tungkol sa binata ay nanginig ang mga tuhod niya. Ni hindi niya alam kung paano siya nakapaglakad papunta sa kama para umupo sa gilid niyon. Binasa niya ang mga artikulo na unang lumabas isang taon na ang nakararaan. Napapasinghap si Andrea sa tuwing may nakikita siyang pictures.

Lalong tumindi ang guilt niya sa naging reaction niya kanina. Nang hindi na niya kinaya ay tinigilan na niya ang pagbabasa ng articles at binasa naman ng maigi ang pdf file na pinadala ng secretary ng tatay nila kay Veronica. Detailed instruction iyon na galing pala sa executive assistant ni Denver.

Bigla ang komplikadong pagpapanggap ni Andrea bilang si Veronica ay mas lalong naging komplikado. At wala pa siyang isang araw doon. Makakaya ba talaga niyang manatili roon kasama si Denver ng dalawang linggo?

PAGSAPIT ng lunch time napaigtad si Andrea nang may kumatok sa pinto ng master's bedroom. Hindi pa siya nagpapalit ng damit pero hinubad na niya ang high heeled shoes niya at pinalitan ng flat sandals. Matandang babae ang nakita niya nang buksan niya ang pinto.

"Handa na ho ang tanghalian. Sasamahan ko na kayo sa dining room. Naghihintay na si sir Denver doon."

Muntik na siya mapangiwi sa malamig at indifferent na tono ng matanda. Kung tama siya ng hinala ito si manang Gina, head helper ni Denver. Fit kasi rito ang description na nakasulat sa file na binasa niya. Pinagmamasdan ni Andrea ang matanda kaya hindi nakaligtas sa kaniya ang resentment sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung nalaman nito ang nangyari kanina o talagang dati pa nito hindi gusto si Veronica. Lihim na lang tuloy siyang bumuntong hininga at sumunod dito.

Katamtaman ang laki ng dining room na direktang katabi ng kusina. Nalanghap agad niya ang mabangong amoy ng bagong lutong pagkain at kumalam ang kanyang sikmura. Sa sobrang kaba niya sa gagawing pagpapanggap, kahapon ng tanghali pa huling kumain si Andrea. Pero ang gutom niya ay napalitan ng pakiramdam na parang nilamutak ang tiyan niya nang makitang nakapuwesto na sa dulo ng lamesa si Denver Vallejo.

Sa pagkakataong iyon mas pinagmasdan niya ng maigi ang binata. Suot pa rin nito ang cotton pants at simpleng t-shirt nito kaninang nagkabungguan sila sa hallway. Tuwid ang pagkakatayo nito at deretso ang tingin sa kinatatayuan nila pero ngayon alam na ni Andrea na hindi sila nito nakikita. May pagkain nang nakahain sa harapan nito. Mayroon na ring kutsara, tinidor at baso ng tubig.

"This way, miss Veronica," sabi ni manang Gina na nagsimula na maglakad palapit sa lamesa. Nakatingin pa rin siya sa guwapong mukha ni Denver habang naglalakad pasunod sa matandang babae kaya nakita niya nang magbago ang facial expression nito.

Tumigas ang anyo ng binata, nagkaroon ng determinasyon at paghamon na para bang handa itong makarinig ng insulto o kung ano pa mang masakit na salita mula sa kaniya. Kumirot ang puso ni Andrea sa isipin na baka napakarami na nitong narinig na hindi maganda mula nang mawalan ito ng paningin kaya ganoon agad ang automatic reaction nito.

Inalis lang niya ang tingin sa mukha ni Denver nang hilahin ni manang Gina ang silya na nasa kaliwa ng binata. Lumunok siya at lumapit sa lamesa. Nagpasalamat siya sa matandang babae bago umupo. Hindi niya alam kung bakit pero mukhang hindi iyon inaasahan ni manang Gina. Ilang segundo tuloy ang lumipas bago ito tumikhim at sinabing ihahain na nito ang pagkain niya. Pagkatapos mabilis na ito nagpunta sa kusina.

Naiwan silang dalawa ni Denver sa lamesa. Sandaling pinagmasdan niya ito. Kahit alam niyang hindi siya nito nakikita ay pinigilan ni Andrea ipahalata na nadudurog ang puso niya para rito.

SUBSTITUTE LOVER (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon