HALOS hindi nakatulog si Andrea. Nakaidlip lang siya dahil mahigpit siyang niyakap ni Denver at hindi binitawan kahit nang malalim na ang tulog nito. Ninamnam niya ang pakiramdam na magkayakap sila. She felt so safe and comfortable in his arms. Alam niya na kapag umalis na siya at bumalik na uli sa normal niyang buhay, hindi na niya mararanasan ang ganoong klase ng pakiramdam.
Mag uumaga na nang magawang kumawala ni Andrea sa mga bisig ni Denver. Sa sarap ng tulog nito hindi ito nagising kahit nang maingat siyang umalis sa kama. Ang t-shirt nito ang una niyang nakita kaya iyon ang isinuot niya imbes na ang nightgown niya. Sandaling tinitigan niya ang guwapong mukha nito bago tahimik na lumabas ng master's bedroom bitbit ang cellphone at charger.
Sa library siya nagpunta. She charged the gadget. Bumilis ang tibok ng puso niya nang umilaw iyon hanggang tuluyan bumukas. Sunod-sunod na lumitaw sa screen ang unread messages at missed calls niya mula sa number ni Veronica. Nanlamig siya habang isa-isang binabasa ang messages. Sa simula maiksi lang ang mga iyon. Nangangamusta lang ang kapatid niya. Pero iyong mga bago mas mahaba at galit na. Naiintindihan niya si Veronica. It was really wrong of her to let the phone die.
Muntik nang mabitawan ni Andrea ang cellphone nang mabasa ang huling mensahe ng kakambal niya. Ten minutes ago lang iyon.
I'm back in Manila. Nandito ako sa apartment mo. Call me.
Uminit ang gilid ng mga mata niya at ilang beses na huminga ng malalim bago tinawagan si Veronica. Dalawang ring lang sumagot na agad ang kakambal niya. "What the hell happened to you?! Bakit hindi kita ma-contact?"
Napangiwi si Andrea. "I'm sorry. Palaging nandito ang assistant ni Denver at pakiramdam ko mahuhuli ako kung palagi ko tinitingnan ang cellphone ko. Kaya tinago ko na lang sa bag."
Marahas na bumuntong hininga si Veronica. "Tell me the details later. Wala na tayong time mag-usap sa phone. I've been trying to call you para sabihing tumawag sa akin si mama noong isang araw. She informed me na pabalik na sila sa Manila. Mama said they plan to surprise me and Denver so I have to act surprised. That was supposed to be yesterday. Kaya nagmadali rin akong bumalik pero hindi mo sinasagot ang messages at tawag ko. Alam mo ba kung gaano ako ninenerbiyos dito habang iniisip na paano kung malaman nilang hindi ako ang kaharap nila?"
Mariing napapikit si Andrea. Hindi siya makasagot kasi naalala niya ang mukha ng mga magulang nila kahapon. "Yes. N-nagpunta kami ni Denver sa V.Tech kahapon. Pauwi na kami nang dumating sila. Don't worry. Hindi naman siguro nila napansin na hindi ikaw ang kaharap nila." Pero kung nagtagal pa kami na kasama sila baka nagduda na sila. Hindi na niya iyon sinabi para hindi lalo mataranta ang kakambal niya.
"Good. Tumawag si mama sa akin kagabi. If only you answer your phone hindi sana ako nagpanic at nagmukhang tanga habang kausap ko siya," sumbat ni Veronica sa kabilang linya.
Nilamutak ang sikmura ni Andrea. She felt guilty and ashamed. "Sorry."
"Save it. We have no time. Get in here as soon as you can. Kailangan na natin magpalit bago pa may makaalam na hindi ako ang guest ni Denver diyan sa bahay niya."
Nalaglag yata sa sahig ang puso ni Andrea. Nanlambot ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya sa sahig. Nanuyo ang lalamunan niya. "N-ngayon na? As in ngayon mismo?"
"Oo nga. Hihintayin kita dito sa apartment mo. Mabuti na lang pinilit kitang bigyan ako ng spare key kung hindi mag ho-hotel pa ako at baka may kakilala pa akong makakita sa akin. Magbihis ka lang at sabihin mo may imi-meet kang kaibigan. Huwag na natin ito patagalin, Andrea." Iyon lang at tinapos na ni Veronica ang tawag.
Nanghihinang napatitig na lang siya sa cellphone na hawak. Hinugot niya ang charger at nanginginig pa rin ang mga tuhod na pinilit tumayo. Ni hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa master's bedroom. At kahit nang maisara niya ang pinto, nanatili lang siyang nakatayo roon at tumitig lang sa kawalan.
"Saan ka galing?"
Napaigtad siya at napunta ang tingin sa kama. Nakahiga patagilid at paharap sa pinto si Denver kaya nakita niya nang dumilat ito. "Veronica?"
She flinched when he called that name. "Lumabas lang ako sandali kasi... nauhaw ako." Naglakad siya papunta sa closet. Ibinalik niya ang cellphone at charger sa handbag na gamit niya noong unang araw siya nagpunta sa penthouse na iyon. Ang bag na iyon lang din ang dadalhin niya mamaya kapag umalis siya.
Bumangon na paupo sa kama si Denver. Bumagsak sa kandungan nito ang kumot. Nahigit niya ang hininga at manghang napatitig lang sa binata. Papasikat na ang araw sa labas kaya nakasilip na ang liwanag mula sa kurtina ng master's bedroom. Kahit patay ang ilaw malinaw na niyang nakikita ang kabuuan nito.
Denver was so beautiful with his messy hair, five o'clock shadow and well-sculpted naked upper body. Nagsisisi si Andrea na palagi siyang tinatanghali ng gising. Hindi tuloy niya nakita ang nasa harapan niya ngayon sa nakaraang mga umaga.
"Hindi ka pa ba lalapit sa akin?" tanong ng binata.
"Ito na nga," sagot niya sa mahinang tinig. Sumampa siya sa kama. He must have felt that because he bent his knees, giving her room between his thighs. Napalunok siya at nakaluhod na lumapit hanggang magdikit ang kanilang mga katawan. Napahinga ng malalim si Andrea nang lumapat ang mga palad ni Denver sa magkabilang side ng hita niya. Umangat ang haplos nito at natigilan nang tumama ang likod ng mga kamay sa laylayan ng t-shirt na suot niya.
"Are you wearing my shirt?" he asked breathlessly.
Uminit ang mukha ni Andrea. "Yes."
Napahinga ito ng malalim. Kumuyom ang mga kamao nito sa tela ng t-shirt na suot niya. "God, I want to see you in my shirt so bad. Kapag nakakakita na ako, I will take at least one whole day just to stare at you, baby. Will you let me do that?"
Kumirot ang puso niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "I will." At para hindi nito mapansin na nagsisinungaling siya ay hinalikan niya ito sa mga labi. Mabilis na gumanti ito ng halik.
His hand slid down her body until he was cupping her ass. Then he pulled her until she was sitting on his lap. She moaned when she felt his hard erection between her thighs. Denver's lips let go of hers to slid down her neck, licking and nipping at her sensitive flesh.
Uminit agad ang pakiramdam ni Andrea. Kapag hinayaan niyang magtalik na naman sila mawawala siya sa katinuan. Lalong magiging mahirap para sa kaniya na umalis. Kaya huminga siya ng malalim at nagsalita, "I have to go out today, Denver."
"Hmm." Hindi ito tumigil sa paghalik sa leeg niya. Bumaba pa nga ang mga labi nito at napunta na sa mga dibdib niya. Mariin siyang napapikit at sandaling ninamnam ang masarap na kiliting gumapang sa katawan niya.
"As in I really have to prepare now, Denver. M-matagal na kami hindi nagkikita ng kaibigan ko at gusto niyang mag breakfast kami together." It's so strange and alarming how it became easy for her to tell him lies. Kaya kailangan na talaga niya mawala bago pa siya patuloy na magkasala rito.
"Can't you stay a bit longer?"
Umiling si Andrea at pinigilan ang ulo nito nang akmang bababa pa ang halik nito. "I really need to take a bath and prepare now, Denver. Besides darating na rin si Ben mayamaya, 'di ba?"
Bumuntong hininga ang binata at tumigil nga sa ginagawa. "Okay," sabi nito bago siya alanganing binitawan. Kumirot ang puso niya nang makita ang disappointment sa mukha nito. He doesn't want her to go.
Napalunok siya. "Do you want to take a shower with me? I can help you get dressed too."
Umaliwalas ang mukha ni Denver at malawak na ngumiti. Pinakatitigan niya ito kahit nang mamasa ang kanyang mga mata sa overwhelming emotions na biglang bumaha sa puso niya. Gusto niyang i-tattoo sa utak niya ang ngiti nito at baunin iyon sa kanyang pag-alis.
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE LOVER (R-18)
Romance[highest rank #1 in ROMANCE] May mga ginawang pagkakamali si Andrea noon na naging dahilan kaya naging estranged siya sa kanyang pamilya. Pero isang araw sumulpot sa apartment niya ang kakambal na si Veronica. Humingi ito ng pabor. Magpanggap daw si...