NAKALIGO at nakapagbihis na sina Andrea at Denver nang dumating sina manang Gina at Ben. Ang una para magluto ng almusal at ang huli para magtrabaho kasama ang binata.
Kanina sa shower, umiiyak siya dahil iiwan na niya si Denver. Pero kahit mabigat ang pakiramdam niya at parang may bumibiyak sa puso niya, relieved siya na kasama pa rin nito sina manang Gina at Ben. Nagpaalam din siya sa dalawa na para bang babalik din siya mamaya.
"Magpahatid ka na sa driver ko," giit ni Denver.
"Hindi na. I can just take a grab," tanggi niya. Magrereklamo pa sana ito kaya mabilis na niya itong hinalikan sa mga labi. Walang pakielam kahit nakikita sila nina manang Gina at Ben. "Bye," bulong niya rito.
"See you when you get home."
Tipid na ngumiti si Andrea. "I will." Tumalikod na siya agad bago pa may makapansin na namasa ang kanyang mga mata. Deretso siyang lumabas ng Penthouse. Halos hindi siya humihinga habang sakay ng elevator pababa at kahit nang naglalakad na siya sa ground floor palabas ng gusali.
Saka lang pinalaya ni Andrea ang emosyon nang nakasakay na siya sa grab car. Nanginig ang buong katawan niya at mahigpit na hinawakan ang handbag para huwag mapahikbi. Tumingin siya sa labas ng bintana at tahimik na tumulo ang mga luha.
"ANG TAGAL MO," mataray na reklamo ni Veronica pagpasok pa lang niya sa apartment niya. Nakaupo ito sa maliit niyang couch, nakasuot ng mahabang summer dress na para bang kagagaling lang talaga nito sa beach. Pero mukhang hindi naman ito naligo sa dagat o nagpa-araw man lang. Makinis at maputi pa rin kasi ito. Katunayan wala naman nabago sa kakambal niya maliban sa namamaga at namumula ang mga mata nito pati na tungki ng ilong.
"Umiyak ka ba?" Iyon ang unang mga salitang lumabas sa bibig ni Andrea.
Natigilan ang kapatid niya. May dumaang emosyon sa mga mata bago nag-iwas ng tingin. "I broke up with someone I love. What do you expect?"
Hindi nakasagot si Andrea. Kumirot ang puso para sa kapatid. "Hindi mo nabago ang isip niya?" malumanay na tanong niya.
Mariing tumiim ang mga labi ni Veronica at tumango. "He said I deserve someone better, that stupid jerk."
Magkahalong galit at pait ang nahimigan niya sa boses nito. Pero may pangungulila nang banggitin nito ang 'stupid jerk'.
Marahas na bumuntong hininga si Veronica, tumayo at itinutok ang tingin sa kaniya. "Forget it. Kung gusto niya maging parte lang ng nakaraan ko, bahala siya sa buhay niya. Mama sounds so happy when she called me last night. Sabi niya mukhang humaling daw sa akin si Denver nang makita niya kami kahapon. Napag-usapan na ng matatanda ang petsa ng engagement announcement. Hindi nga ako magtataka kung may na-hire na silang event organizer kahapon pa lang at on going na ang preparation nila."
Nanlamig si Andrea at parang nilamutak ang sikmura niya. Sa pagkakataong iyon siya ang nag-iwas ng tingin. Tumikhim siya. "Kukuha lang ako ng damit para mahubad ko itong suot ko." Inilapag niya sa sofa ang handbag at saka lumapit sa drawer niya. Nararamdaman niyang nakasunod ng tingin si Veronica pero hindi siya lumingon.
"What did you do in Denver's house, anyway? Bakit sabi ni mama ang close niyo raw tingnan kahapon?" biglang tanong nito.
Uminit ang mukha ni Andrea. "Wala akong ginawang espesyal. Mas mabait lang talaga siya kaysa akala nating lahat. Kailangan lang niya ng taong makakausap at makakaintindi sa kaniya."
Binilisan niya ang paghuhubad para makaalis na agad si Veronica at magkaroon siya ng time mamaluktot sa kama niya at umiyak. Naibaba na niya ang side zipper ng dress na suot niya at dumulas na sa katawan niya ang malambot na tela hanggang balakang nang marinig niya ang marahas na singhap ni Veronica. Napaigtad siya nang bigla nitong hawakan ang braso niya at hilahin paharap dito. Nataranta siya nang makitang nanlalaki ang mga mata nito.
"You... did you just slept with Denver? You have hickeys and finger marks in your body, Andrea."
Bumuka ang bibig ni Andrea. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Sigurado rin siya na tinakasan ng kulay ang mukha niya. Kumislap ang pag-unawa sa mga mata ni Veronica at para itong napasong binitawan siya. Napahakbang din ito paatras.
"Oh God. You did," mahinang usal nito. Horror appeared in her beautiful face. "Shit Andrea bakit? Why did you fucking sleep with him?!"
Gusto matunaw ni Andrea sa kinatatayuan. Nanginginig ang kamay na itinaas niya uli ang dress para takpan ang sarili. "I... I'm sorry."
"Sorry? Iyan lang ang sasabihin mo? Hindi ka mag e-explain sa akin? Alam ko na ako ang nakiusap sa 'yo na magpanggap na ako. Pero hindi ba nagkasundo tayong iiwasan mo siya? I asked you for a favor to act like me but I didn't tell you to fuck him!"
"Paano ko 'yon gagawin sa loob ng lampas isang linggo?" mahinang tanong niya. "Palagi kami magkasama. Palagi kaming magkausap. We even sleep together. Alam ko ako ang mali na masyado akong marupok. I just... I craved for physical intimacy and he was there and I... I don't have any excuse. Ako ang mali. I'm sorry."
Napanganga si Veronica habang nakatitig sa mukha niya. "You sleep together? Why? Ang napag-usaspan noong kasama namin ang parents namin ay sa guest room ako dapat matutulog."
"But he insisted that I sleep in the master's bedroom and I.. got carried away ..." Napatitig lang sa kaniya si Veronica. Hindi siya makahinga sa sobrang tensiyon kaya siya ang una nagsalita. "You don't have to forgive me. Alam ko umpisa pa lang na hindi ako dapat naging ganoon kalapit sa kaniya. I know sleeping with him is wrong and I did it anyway."
"Do you regret it?" biglang tanong ng kakambal niya sa seryosong tinig. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. "And dont even lie to me, Andrea. Do you regret sleeping with Denver knowing that he is to be my husband?"
"You will hate me."
"Sagutin mo ang tanong ko."
"No," pagtatapat niya.
Tumango si Veronica. Wala na ang galit at pagkagulat sa mukha nito. Napalitan ng determinasyon na nagpakaba kay Andrea. "Then I will not marry him. Wala akong pakielam kung magalit ang parents natin. Hindi ko pakakasalan si Denver. Tatawagan ko sila mama para sabihin –"
"No! Veronica please don't do that," tarantang hinawakan niya ang magkabilang braso nito. "Kailangan ka niya. He needs your support. Kapag hindi natuloy ang kasal matatanggal siya sa pagiging CEO ng V.Tech. He works so hard, Veronica. Kapag nalaman ng board members na hindi matutuloy ang kasal ninyo aalisin siya sa puwesto."
BINABASA MO ANG
SUBSTITUTE LOVER (R-18)
Romance[highest rank #1 in ROMANCE] May mga ginawang pagkakamali si Andrea noon na naging dahilan kaya naging estranged siya sa kanyang pamilya. Pero isang araw sumulpot sa apartment niya ang kakambal na si Veronica. Humingi ito ng pabor. Magpanggap daw si...