***
"Love isn't something you find. Love is something that finds you," mahinang basa ni Tonya sa quote na naka-display sa monitor ng computer.
Alas-dos na nang madaling araw at kauuwi lang niya mula sa shooting. Nasa harap siya ng computer sa sala nila, nagre-research ng mga dagdag na quotes na ikakabit sa kape ni Grey. Mauubusan na kasi siya. At dahil nagiging busy na sila nina Boom at Abo sa set, hindi na siya makapagtanong sa dalawa ng iba pang puwedeng gamitin.
Isinulat niya ang quote sa notebook na lagi niyang dala.
"Love doesn't make the world go 'round. Love is what makes the ride worthwhile." Napahikab si Tonya sa pagsusulat.
"Kape," sabi ng Mama niya at iniabot sa kanya ang isang mug ng kape.
Walang anumang kinuha niya iyon at humigop doon. Late ang pagkagulat niya.
Ang Mama niya! Gising pa! Naubo siya sa pagkasamid sa kape.
"Ma... go-good morning."
Kunot ang noo nito. Maraming ibig sabihin ang kunot-noo ng ina pero madalas siyang sablay sa paghula.
"Bakit po kunot ang noo n'yo?" tanong niya rito. Awkward ang ngiti niya. Reflex iyon ng labi niya kapag: kaharap ang ina, kaharap ang ibang tao, nasa kapahamakan, naninibago, natatakot, nananantiya, nag-iisip, at nagpo-proseso ng naririnig.
"Ilang linggo na tayong hindi nakakapag-usap. Ilang linggo ka nang umaalis nang hindi ko alam at umuuwi ng dis-oras. Ano ba namang klaseng trabaho 'yan?" walang isang segundong buga ng Mama niya.
"Pasensiya na, Ma. Iba-iba kasi ang call-time sa shooting. At araw-araw po akong may schedule sa gym."
Singkit ang mata nito sa pagsusuri sa kanya. Binabasa sa mukha niya ang katotohanan ng sinabi niya.
"Mapapangasawa, nakakita ka na?" anito.
"Ah—" Pinigilan niya ang sariling bibig na ikuwento ang tungkol sa donor niya. "Hindi pa, Ma. Nangangapa pa po kasi ako sa trabaho."
Mahina ang angil ng Mama niya. "Kausap ko kanina ang mga kapatid mo. Hindi ka raw nagre-report kung kumusta na ang pagpapapayat mo. Gumawa ka raw ng facebook account."
Alam niya ang facebook. Laging nagtatanong iyon ng 'What's on your mind?'. Hindi alam ni Tonya kung paano araw-araw at minu-minutong sasagutin iyon at ipi-fill up ang form na laging bakante. Sayang ang oras niya.
"Hindi na, Ma. Pakisabi na lang na makikipag-usap ako sa off ko. Busy lang po."
"Busy?" sinipat ng ina ang computer. "Eh puro kasabihan 'yang mga tinitingnan mo. Kailangan mo ba sa trabaho 'yan?"
"Kailangang-kailangan, Ma!" At least once a day.
Nailing lang ito. "Tumawag dito kahapon 'yong salon sa... hindi ko alam kung aling salon. Nag-confirm ng appointment mo kasi raw hindi ka sumasagot sa cellphone."
Napahiyaw siya. Nakalimutan niya! Ang salon appointments niya, ang pagsa-shopping, at ang mani-pedi na ipinlano nila ni Bev!
"Ano?" usisa ng ina.
"Salamat sa pag-remind, Ma. Tatawagan ko lahat ng appointments ko para mapuntahan ko sa off."
"Mabuti naman. Ayoko na ako ang kinukulit ng mga kapatid mo. Isulat mo sa notebook mo para hindi mo nakakalimutan."
Isinulat nga niya ang mga naalalang mga appointments at binilugan.
"Anong oras ka matutulog?"
"Mga five pa siguro, Ma. May mga ire-research pa ako."
BINABASA MO ANG
The Late Bloomer (Published under PSICOM)
General FictionHer ex-boyfriend told her she's boring. Her ex-boss told her she's incompetent. Even her ex-landlord claimed she's uninteresting. At 33, Tonya is loveless, job-less and homeless! Malapit na rin siyang mabaliw sa pakikitira sa Mama niya. Sa buha...