***
Hinubad ni Grey ang suot na jacket nang bumaba ng taxi sa harap ng bahay ni Tonya. Mabilis ang hakbang niya.
Alas sais na ng gabi. Dalawang araw at apat na oras pa uli ang lumipas bago naiakyat ni Evan ang chopper na ginamit nila. Courtesy of the guy, they landed on top of a Makati building since they cannot fly over the suburbs. At mula Makati ay nag-taxi siya.
Nakailang pindot na siya sa doorbell ay walang nagbubukas. Sumandal siya sa gate para maghintay. Sinuklay ng daliri ang buhok at inayos ang damit. Inayos niya rin ang dalang bouquet ng bulaklak. Saka siya nag-doorbell uli.
Walang sagot. Walang tunog ng pagkilos. Parang walang tao.
Pero alam niyang mayro'n. He had a pizza delivered an hour ago. May nag-receive. Kaya maghihintay siya.
Makalipas ang kalahating oras, bumungad sa pinto ng bahay ang isang may katandaang babae. May rollers ito sa buhok, nakasuot ng salamin sa mga mata, at masama ang tingin sa kanya. She must be Tonya's mother.
"Ano'ng kailangan mo?" mataray na tanong nito sa kanya. Nakahalukipkip.
He bowed once at the woman.
"Magandang gabi po, Madame. Ako po si Gregory Montero."
Nanatiling nakatayo ang babae sa tapat ng pinto ng bahay nito. Mukhang walang planong babain ang tatatlong baitang sa porch at pagbuksan siya ng tarangkahan.
"Ano ngayon?"
"Nandito po ako para makita ang anak ninyo. At makipag-usap sa inyo."
Tumaas ang kilay ng ginang. "Late ka na nang kalahating buwan."
"I'm sorry, Madame. Alam ko pong late na 'ko. Kaya nga po gusto ko ring humingi ng dispensa."
"Hindi ako tumatanggap ng late na dispensa, lalaki! Nauna mong nilandi ang anak ko bago ka magpakita, tapos ngayon ay lilitaw ka? Aba, mag-isip-isip ka! Kung akala mo ay basta kitang papapasukin dito pagkatapos ng mga gulo na dinala mo, nagkakamali ka! Hindi ako madaling kausap!"
Matipid siyang napangiti sa mga sinabi nito.
"Bulaklak po? Tumatanggap kayo?" tanong niyang nakangiti at ipinresenta ang bulaklak. He's really losing it. Pagod na siya, walang tulog, at nagtiis sa chopper kahit na kabado siya sa heights. Now, he couldn't even cross the gates to see Tonica.
Natigilan ang babae. Sa ngiti niya siguro. Pero mukhang lalo itong nagalit dahil sa kapreskuhan niya.
"Aba't—! Baliw ito, ah! Ngumingiti-ngiti ka pa diyan!" mataas ang tonong sabi nito. "Umuwi ka na! Wala rito ang anak ko!"
Alam niyang nando'n. He had a bouquet delivered earlier for Tonya. Tinanggap nito.
"Para sa inyo po talaga itong bulaklak. Sana tanggapin ninyo."
Matigas ang disposisyon ng babae tulad ng pagkakatayo nito sa pinto. Lamang, hindi niya puwedeng sukuan.
"Alam ko pong malaki ang kasalanan ko, Madame. Hindi ako agad nakapagpakilala nang magkaroon kami ng relasyon ni Tonica. I won't give excuses." Nanlalambot na siya maging sa pagngiti. "Nagpapasalamat din po ako na hindi kayo madaling kausap. If you are, walang magtatanggol at makakapag-ingat kay Tonica. She needed someone to protect her from unnerving gossips and inconsiderate people. Pero kahit late na, humaharap po ako ngayon sa inyo para magpakilala, humingi ng tawad sa gulo na dinala ko, at para makita siya. I hope you can let me see her."
Dumilim ang mukha ng babae. Mukhang lalo siya nitong hindi nagugustuhan habang patuloy siyang nagsasalita. Words and confessions are not his strong suit. Persuasion, neither. Sinasabi na lang niya kung ano ang totoong nasa isip, hoping that his request will reach the person.
BINABASA MO ANG
The Late Bloomer (Published under PSICOM)
Narrativa generaleHer ex-boyfriend told her she's boring. Her ex-boss told her she's incompetent. Even her ex-landlord claimed she's uninteresting. At 33, Tonya is loveless, job-less and homeless! Malapit na rin siyang mabaliw sa pakikitira sa Mama niya. Sa buha...