Chapter 25 : To know you

88.1K 2.8K 350
                                    


***

Gutom nga si Grey kagaya ng iniisip ni Tonya. Dahil nang matapos ang fireworks ay nagyaya itong maghanap ng makakain. Hindi naman niya mai-offer sa lalaki ang pagkain sa bahay nila dahil hindi pa ito kilala ng Mama niya. Baka mahimatay ang ginang kapag ipinakilala niya si Grey gayong hindi pa nito alam na binasted niya si Shaun.

Pagsakay niya sa kotse nito ay nakita niya sa backseat ang limang pulumpon ng mga bulaklak. May isang pulumpon ng iba't ibang kulay na rosas. May isang puro calla lilies. May arrangement ng orchids at maliliit na buko ng bulaklak. May tulips at lavenders. At may isang stargazers na may kahalong iba pang uri ng bulaklak.

"Bakit ang daming bulaklak sa likod?" tanong niya kay Grey habang nagmamaneho ito. Nakapagkit ang mga mata niya sa naggagandahang bouquet.

"Those are for you," simpleng sagot nito.

"Eh, bakit­—"

"Why five?" una nito sa tanong niya.

"Oo. Bakit ang dami?"

"Because I don't know what particular flower you like." Ngumiti ito habang nakatuon ang mga mata sa kalsada. "Kaya bumili na lang ako ng... lahat ng puwede kong bilhin."

Ang gaan ng ngiti ni Grey habang sumasagot sa kanya kahit na hindi ito tuwirang nakatingin. Muntik niya itong pisilin o tusukin sa pisngi. Nahiya lang slightly ang mga daliri niya.

"So, what particular flower do you like?" anito.

Mahina siyang napabungisngis. "Hindi naman ako nagmamaganda sa ganyan. Lahat ng bulaklak, gusto ko. Lahat naman kasi magaganda, eh. No'ng may nagbigay nga sa 'kin ng gumamela no'ng grade school ako, kahit joke lang pala 'yon, natuwa ako. Umiyak ako no'ng pinitpit ni Bev para ihalo sa bubble soap."

Dumaan ang patlang sa pagitan nila.

"Sino si Bev?"

"Si Bev? Kapatid ko." Nakangiti siya nang umalala. Hindi nga pala kilala ni Grey ang mga kapatid niya. "I have three younger sisters. Si Beverly 'yong sumunod sa akin. Siya 'yong pinakakuripot. Tapos si Sharon. Malantod 'yon. Tapos si Anelle, pinakamaganda. Lahat sila nasa ibang bansa na. After nilang makatapos ng college, nagkaroon sila ng opportunity para mag-abroad."

"Ah..." sabi ni Grey at bumulong na parang nagkakabisa, "Beverly, Sharon, and Anelle."

Ngumiti uli ito pagkatapos. Hindi naman siya sanay mamulutan ng guwapong ngiti nito kaya napatungo siya at pasimpleng kumapa sa tagiliran ng mga labi. Mahirap na. Baka may tumulong laway habang magkausap sila. Nakahihiya.

" 'Wag mo kaya akong masyadong ngitian?" maingat na sabi niya rito.

"Bakit?" Natikom ang labi nito. "Is there something wrong?"

"Wala namang mali. Baka lang bigla akong maglaway rito. Hindi kasi ako sanay sa ngiti mo."

Saglit na natahimik si Grey sa kanya bago malakas na tumawa. "You really say what's on your mind."

Dapat ba hindi? Eh ''di wala na siyang masasabi talaga? Iilan na nga lang ang kayang iproseso nang mabilis ng utak niya, papatayin niya pa sa katahimikan? Sayang naman.

"Kapag komportable lang ako," aniya.

"Are you comfortable with me?"

"Ngayon, oo," amin niya. Kasi minsan—

"Minsan, hindi?"

"Oo. Minsan kasi nakakatensyon ka. Lalo na 'pag tumitingin ka sa 'kin, 'yon pala manghahalik ka lang. Akala ko lagi, ang laki ng kasalanan ko!"

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon