Chapter 42 : To do what is right

68.5K 2.1K 135
                                    


***

Berlin, Germany.

Mula sa hotel room ni Noreen ay sa isang bar nagtuloy si Grey para uminom. Iniwan niya ang babaeng natutulog matapos ang mahabang pag-iyak. Siya man ay bakas pa sa mukha ang lahat ng luhang ibinuhos. He felt like shit. He looked like shit.

"Grey, will you stay with me here?"

Hindi niya nasagot ang tanong ni Noreen. Magulo ang isipan niya. Parang sasabog din ang puso niya sa sama ng loob sa ina at sa tadhana.

Fate played its game. Wasak na wasak siya sa pagkatalo.

He was supposed to be happy at least because he got into the Berlinale. Isang pambihirang pagkakataon iyon para sa mga tulad niyang nagmamahal sa sining ng pelikula. Instead, he felt betrayed and broken. Kaya naman sinusunog niya ang lalamunan sa vodka.

With his plate full and his spirit destroyed, all he could think about is—

"Hey... slowpoke. How are you?" mababa ang boses na tanong niya sa babaeng nasa kabilang linya.

"Grey!" masiglang tawag ni Tonya sa pangalan niya.

Matipid siyang napangiti kasabay ng lalong paninikip ng dibdib. Pumatak ang luha sa mga mata niya. He wanted her sunshine against the darkness of his mind.

"Ano'ng problema? Bakit ka... malungkot?" marahang tanong ni Tonya.

Is he that obvious to her? Kahit na sasandali pa lang silang nagkakasama at ayon dito ay mabagal itong magproseso?

"I miss you," sabi niya at napalunok. Napatungo siya sa kinauupuang counter. He wanted so much to hold her right now.

"I miss you, too," masuyong bulong nito. He felt her apprehensions over the phone before asking, "Bakit gising ka pa? One a.m. na diyan, 'di ba?"

"Yeah."

Huminga siya nang malalim. He wanted her to talk just so he could hear her voice and let it heal his soul.

"Grey?"

Why are they on different sides of the world? It's unfair. She's countries away from him yet with just her voice, she calmed him down. Hindi niya alam na ganito siya kahina. He even ambitiously declared to protect her with the little strength that he has! What a fool he is!

"I just... " nag-crack ang boses niya sa pangungulila, "I really miss you."

Pinaglapat niya ang panga para pigilan ang sakit. Para pigilan ang mga luha sa pagbagsak. Pero hinang-hina siya. Para siyang batang natututo pa lang magtago ng pag-iyak. Marahan siyang suminghot at huminga nang malalim.

He has to stop being so obvious. Or else, she will worry.

"Are you okay?" tanong ni Tonya.

He wanted to lie. Madali namang sabihing okay lang siya. But he didn't want to lie to her so instead he said—

"I don't know, slowpoke. But I really want to see you."

"Sandali ka lang naman diyan, 'di ba? Kararating mo pa nga lang eh..."

Sandali lang ba siya talaga? Hindi na siya sigurado.

"Yeah... I'm sorry. But... don't worry about me. I just really want to call and hear your voice."

Nanamantala uli ang katahimikan sa pagitan nila.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon