Kabanata 14

5.8K 141 22
                                    

Kabanata 14

Umayos naman ang kalagayan ko kinabukasan kaya pumasok na ako. Mahirap na kasing matambakan ng mga school works kung liliban ka ng klase kahit sa isang araw lang.

Nakita ko si Mers na papasok sa library kaya tinawag ko siya at hinabol. Bahagya siyang nagulat dahil sa biglaan kong pagpapakita, I smiled a bit.

"Narinig kong usap-usapan ng mga Juniors ang nangyari sa inyo kahapon nung Savannah." she started

"Okay na ako." sabi ko kahit na hindi naman niya naitatanong ang naging kalagayan ko

Sabay kaming kumuha ng libro at naupo sa bandang gilid nitong library.

"Iba talaga kapag ang mga babae ni Cason na ang pinag-uusapan rito, Percy." giit niya

Nagkatinginan kaming dalawa kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko maimtindihan ang nais niyang iparating sa akin.

"Huwag mong sabihing... nagselos siya sa'yo?" tanong niya

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman siya magseselos sa isang t-tulad ko." bulalas ko

"Well, that's the question... Bakit siya magseselos sa'yo at awayin sa school canteen hindi ba?" aniya

Naningkit ang kaniyang mga mata sa akin. Napalunok ako at nagsimulang magbasa sa aking libro.

"Anong mayroon sa inyo ni Cason?" she finally asked the question inside her mind.

"W-Wala katulong niya ako at boss ko siya." sagot ko

"Ang ibig kong sabihin... May namamagitan na ba sa inyo?" aniya

Padabog kong inilapag ang libro sa aming lamesa at diretso siyang tinignan.

"Mercilla, kahit pagbali-baligtarin mo pa ang mundo malayong magkakagusto siya sa akin kaya puwede ba?" giit ko

Nagkibit balikat siya. "Sabi mo eh." ani niya

Iyon tuloy ang naging laman ng isip ko buong maghapon. Magkasama kami ni Grei at nakaupo sa bench nitong soccer field, vacant kaya ayos lang na naririto kami at nakatambay habang pinapanood ang mga nagpapractice ng cheerdance.

Maghapon ko rin namang hindi rin nakita si Sir Cason, hindi ko siya napansing umalis ng mansyon kanina pero kung sabagay mas nauuna akong umalis kaysa sa kaniya.

"Dapat siyang ma-expelled." giit ni Grei

Nalaman din niya ang nangyari kahapon at iyon ang tanging gusto niyang mangyari para doon.

Hindi ko na naisip ang bagay na iyon dahil wala naman akong magagawa dahil una palang mahirap kalabanin ang isang tulad niya at may kapangyarihan sila, baka nga ang Dean pa ang mapaalis niya.

"Imposible naman ata iyan, Grei." malugkot kong sabi "At tiyaka, ayoko na ng gulo let's just settle it down. Hindi na iyon mauulit." dagdag ko

"Tsk. But I can do something if you want." he said

Napatingin naman ako sa kaniya at nagtaka.

"Gaya naman ng ano?"

Hindi siya nakasagot kaagad. Kumalabog ang puso ko dahil sa naisip at posibleng maari niyang gawin! Siguro nga ay hindi pa ako nakakapag-move on sa nangyaring bangayan nilang dalawa ni Sir Cason. Masyado bang kumplikado at hindi ko maintindihan ang usapin ng mga lalaking tulad nila?

"Gaya ng pag-suspend nalang." nagkibit balikat siya

Napahinga ako ng malalim. "Hindi ko naman ugali ang gumanti, Grei. Let her face her own consequences." sabi ko

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now