Kabanata 33

3.7K 90 35
                                    

Kabanata 33

Hindi na ako pinapansin ni Mercilla kahit anong suyo ko sa kaniya. Aamba palang na lalapit sa kaniya at kakausapin ay umiiwas na kaagad ito. I am here to help her out at para maliwanagan siya kung ano talagang klaseng tao si Grei. Pero bigla ko ring naalala na alam na pala niya ang tungkol sa pagkatao ni Grei. I sighed, siguro wala na akong magagawa para mapabago pa ang desisyon ang kaniyang desisyon.

"Mag isa ka? Nasaan na ang kaibigan mo?"

Nag angat ako ng tingin nang lumapit sa lamesa ko si Cason. Tumingin tingin ako sa paligid ng cafeteria at tama nga ako, maraming mga nakatingin sa amin. Nakita kong ganoon ang ginawa ni Cason.

"Tss.." padabog siyang umupo sa harapan ko "Really? just don't mind them." giit niya

Dahan dahan naman akong tumango na tila ay isang batang paslit.

"Back to my question, bakit hindi kayo magkasama ni Mercilla?" tanong ulit niya

"Ah, nagkalabuan lang." sabi ko naman

Kumunot ang noo niya at tila hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Bakit naman?" he seriously asked

"S-Sila na kasi ni Grei." napayuko ako

He lay his back on the chair and crossed his arms. "So... you got jealous?"

Nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi no!" sagot ko

He sighed and cleared his throat. "Kung ganoon bakit kayo nagkalabuan?"

"Sila na kasi ni Grei... at... at sinabi ko sa kaniya na hindi niya kilala si Grei. And she thought na sinasabi ko lang iyon dahil nagseselos ako, but I'm not! Nag aalala lang ako dahil baka gawin niya sa kaniya ang ginawa niya kay..." natahimik ako at hindi na dinugtungan ang dapat ko sanang sasabihin

"Kung ganoon pinili niya ang maaaring makapahamak sa kaniya?" aniya

Tumango ako. I really feel bad for my friend ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para masabi sa kaniya na maari siyang mapahamak kay Grei.

"It's her choice anyway," giit ko

"Hindi mo man lang ba siya ilalayo kay Grei?" he asked me

"Cason, paano ko siya ilalayo kung ayaw niyang lumayo? Hindi nga niya ako pinapakinggan e." sabi ko at gusto ng umiyak

"Alright, I understand. Siguro nga ay talagang masydao nang nahulog si Mercilla sa Grei na iyon." Cason said

Bigla kong naisip na paano kung matagal na pala niyang gusto si Grei at ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataon hindi na niya kayang mawala pa ito sa kaniya. Or worse kakayanin niya ring makagawa ng masama para lang kay Grei!

"Natatakot ako Cason... Paano kung may gawing masama si Grei sa kaibigan ko?" desperada kong tanong sa kaniya

"Don't worry much about it okay? As long as hindi ikaw ang gagawan niya ng masama..." aniya

Bumaba ang tingin niya at napadako iyon sa kamay ko. Napalunok ako dahil alam ko kung ano ang tinitignan niya roon. Inalis ko ang kamay na nakapatong sa lamesa at ibinaba iyon. Pero mabuti nalang at hindi na niya pinansin at tinanong kung bakit hindi ko suot ang bracelet na ibinigay niya sa akin.

Kumunot ang noo ko "Anong ibig mong sabihin, Cason?" tanong ko

"Nag aalala lang ako para sa kapakanan mo, Percy." 

"Kapakanan ko? Bakit?" giit ko

Umiling siya, "Natatakot ako na baka ikaw ang-"  hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Art

"Dude, halika na!" anito at inaaya ng umalis si Cason, napatingin din tuloy siya sa akin kaya binati niya ako kahit na hinihingal ng kaunti "Ikaw pala iyan, Percy. Hihiramin ko lang saglit 'tong pinsan ko ah." paalam niya

Bahagya naman akong namula dahil sa sinabi niya. Wala naman sa akin iyon dahil nag uusap lang naman kami tungkol kina Grei at Mercilla.

Nagkatinginan kami ni Cason at siya ang unang nag iwas ng tingin sa akin.

"Aalis muna 'ko." paalam niya

"O-Okay." sabi ko na lamang dahil ramdam na ramdam ko ang pag iinit sa aking pisnge

I ate alone. Nahihiya tuloy akong tumingin sa mga katabing lamesa ko dahil ako lang ang kumakaing mag isa rito o dahil baka hindi lang ako sanay mag isang kumain kaya ganoon. Paano ba naman kasi nasanay na ako na kumain kasama si Mercilla.

Mas lalo lang lumala ang sitwasyon ko nang mag lunch na at wala akong kasamang kumain. I was about to try and talk to her again for the nth time but she still ignores me once again. May iilang mga kaklaseng nakapansin at nang uusisa kung bakit hindi yata daw kami masyadong nagpapansin ni Mercilla.

"Pansin ko lang na simula noong nagka jowa siya hindi na kayo masyadong magkasama ah?" tanong ni Serah

"A-Ah.... siguro abala lang sila sa isa't isa, uhm... Alam mo na kapag nagka jowa ang kaibigan mo siyempre silang mag jowa ang sabay kakain tuwing break or lunch diba?" paliwanag ko

"Alam mo tama ka e, ganiyan din si Aya nang magka jowa na hindi na ako pansin." kwento niya sa kaklase din namin na kaibigan niya na nagka jowa rin kamakailan

Sa iilang minutong pagkukuwentuhan sa huli ay kaming dalawa ang nagsabay na kumain para sa lunch. She's fine to be with though at hindi na halos matapos sa dami ng mga pinagkukuwentuhan sa kahit anu anong mga bagay.

Pagkatapos mag lunch dumiretso ako sa locker room para makapag palit ng damit pang P.E para mamaya sa susunod na subject.

Nagulat ako nang makita ko roon si Mercilla na kumukuha rin ng kaniyang damit. She smiled at me when she notice me. Is this the sign na nakikipagbati na siya? She raised her eyebrow and crossed her arms at sumandal sa mga locker habang nakatingin sa akin.

"Ayos ah, kayong dalawa ni Serah ang magkasama ngayon... Ano iyon? Tinuturuan ka niya kung paano mang agaw ng jowa nang may jowa hmm?" she said sarcastically

Tsismis nga na ganoon daw si Serah, pero wala akong pakialam dahil mabait naman ang pagtungo niya sa akin!

"Nagkakamali ka." giit ko

She just rolled her eyes at me.

"Mercilla, please magkaayos na tayo..." nilunok ko na ang pride ko para lang magkaayos kami

Natawa siya, "Wow! Ano makikipag ayos ka? tapos ano? Aahasin mo boyfriend ko?" aniya

What kind of mindset is that?!

"Puwede ba Mercilla? Tigil tigilan mo na iyang pag iisip mo na aagawin ko si Grei sa'yo! Dahil una sa lahat ay 'di siya ang tipo ko!"

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagsigaw ko. Naubusan na ako ng pasensiya at kung ayaw na niyang makipag bati ay kung ganoon ay ubos na ang aking natitirang pasensiyang makipag ayos pa sakaniya.

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now