Kabanata 23

4K 76 0
                                    

Kabanata 23



Pilit kong inalis sa aking isipan ang madilim sa nakaraan ni Cason. Gaya ng dati, ganoon pa rin naman ang pakikitungo ko sa kaniya. Pero hindi ko maiwasan minsan sa tuwing nasusulyapan ko ang kaniyang mukha at makita ang repleka sa kaniyang ginawang krimen.

Dumaan ang pasko at ang bagong taon. Payapa at animo'y walang natuklasang kagimbal gimbal mula sa nakaraan. Bakit hindi ko nalaman ang tungkol roon? Iyon ang laging tanong ko sa aking sarili dahil halos magkasabay na kaming lumaki ni Cason! Bakit hindi ko man lang natunugan ang tungkol roon? Oh sadyang napaka galing nilang magtago... ni hindi ko nga din alam ang pambababae ni Sir Jayson e!

Naniniwala talaga ako na kayang takpan ng pera ang baho o magiging baho mo... kapag mayaman ka. Kapag nakabalot ang katawan mo ng pera, titingalain ka na wari mo'y sing taas mo ang kinaroroonan ng langit. Walang ibang makikita kung 'di ang mga perang nakareplika sa iyong pagkatao.

Pinilig ko ang ulo ko minsan talaga napapaisip nalang ako bigla ng mga kung ano ano lalo na ngayong mag isa ako dito sa cafeteria. Tatlong araw na ang nakalipas nang mag umpisa ulit ang second semester at tatlong araw na rin ang nakalipas nang hindi pa rin pumapasok si Mercilla. Tinanong ko siya kinagabihan at sinabi na may sakit raw siya, siguro sa susunod na linggo na siya makakapasok.

Tahimik ko namang sinimulan ang pagkain ko nang may biglang sumulpot na isang tray sa aking lamesa.

"Puwede bang makiupo? Wala na kasing ibang puwesto e." nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at napakurap kurap, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Grei!

"Grei!" hindi ko maitago ang kasiyahan sa boses ko "Ah, uhm. Oo naman upo ka!" saad ko

Ngumiti siya at naupo na. Napalinga ako sa likod niya baka sakali kasing may kasama pa siya pero mukhang wala naman.

"Pasensiya na noong isang taon ah? Magulo lang ang isipan ko noon." pagsimula niya

Matagal bago naproseso sa akin ang tinutukoy niya. Umayos ako ng upo ko bago ngumiti sa kaniya.

"Okay lang iyon, kalimutan na natin." giit ko

"Kamusta naman ang naging pasko at bagong taon mo?" tanong niya habang kumakain na

"Maayos naman, Grei. Ikaw ba?"

Naalala ko na pareho kami ng village kung saan nakatira din ang mga Montejardo. Madalang lang kaming magkita dahil nasa ikatlong kanto pa sila kaya ganoon.

"We had a trip in Europe. Matagal na kasing gusto ni Kuya roon e. Pabirthday na rin ni Dad sa kaniya." tumawa siya

Nagpatuloy siya sa pagkukwento sa mga lugar na binisita nila at tahimik naman akong nakikinig. Napangiti rin ako at napabaling sa tattoo niya sa kaniyang palapulsuhan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kapamilyar iyon sa akin! Kagaya iyon ng tattoo nung lalaking nakabunggo sa akin ah?

Hindi kaya nagkataon lang? Pero kapareho talaga e. Infinity din. Gayang-gaya talaga.

"Oh, ba't natahimik ka diyan?" he chuckled

Nag angat ako ng tingin at pekeng ngumiti kahit marami nang tumatakbo sa isipan ko ngayon dahil sa aking nakita.

"Namiss lang kitang kasama..." I said

Namilog ang mga mata niya, hindi inaasahan ang isasagot ko. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.  Something lingers on my mind! Ganoon rin ang ginawa sa akin nung lalaki ah?

"Talaga ba? I missed you too." ngiti nito

"Grei, may mga kabarkada ka ba?" tanong ko sa kaniya nang magpatuloy kaming kumain

Nagtagal ang tingin niya sa akin ang sumeryoso ang kaniyang mukha. Ang akala ko'y hindi na niya ko sasagutin pero uminom muna ito ng kaniyang juice bago ako sinagot.

"Meron, bakit mo natanong?"

"Ahm, madami ba kayo? Siguro ang saya ninyo kapag nagkakasama ano?" I said a bit lighter

"Ahm... hindi naman ganoon ka dami Percy." aniya

"Ganoon?" uminom ako ng juice at pinagmasdan ang bawat reaksiyon niya

"Hi..." lumapit si Adrik sa lamesa namin at bumati ng nakangiti

Mag isa lang siyang lumapit sa amin kaya nagtaka ako.

"Adrik, hi! Oh, nasaan mga kasama mo?" tanong ko

"Nasa rooftop..." maikling sagot niya at bumaling kay Grei na ngayon ay nakatingin kay Adrik

"Game ba kayo? Mamaya?" tanong ni Adrik, hindi ko alam kung ano iyon at tahimik lang akong pinakikinggan lang sila

Ngumisi si Grei bago niya sinagot ang tanong ni Adrik. "Nanaman? Si Philip ang papalit sa akin."

Adrik licked his lips at bahagyang napayuko at nang mag angat siya ng ulo ay may multo ng ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi puwede, Ikaw dapat." Adrik said playfully

Grei sighed.

"Sige mamaya... anong oras?" tanong niya kay Adrik ng walang pag aalinlangan

Adrik smirked, "Mamayang alas tres ng hapon." anito bago tumingin sa akin at umalis na

Takang taka ako sa kung ano ang pinag usapan nila. Gusto kong magtanong pero... nakakahiya dahil usapang lalaki iyon at ayoko namang mang usisa.

Alas dose y media nang matapos na ang lunch time pumasok na ako at balita sa mga kaklase ko'y wala daw teacher dahil sa urgent meeting ng mha guro sa faculty. At dahil wala si Mercilla at wala akong kakuwentuhan sa libreng oras ay nagpasya akong pumunta ng library.

May mga estudyante naman roon, may mga ilang nagbabasa pero meron din namang nakatutok sa kanilang mga cellphone dahil sa libreng wifi dito sa library. Dumiretso na ako sa mga shelves at pumili ng aking babasahin. Nagtagal pa ang tingin ko sa mga pang romansa at nagdadalawang isip kung babasahin ko ba o pipili nalang ng iba...

Huminga ako ng malalim at kinuha na ang librong iyon na nakalagay sa mga pang romansa. Naupo na ako at nagsimulang magbasa.

"Hi..." halos magulantang ako nang makita ko roon si Cason!

"Anong ginagawa mo dito?" tahimik kong tanong

"What do you think I'm gonna do here in the library?" he said sarcastic

Oo nga naman, Percy. Ano nga ba ang ginagawa rito sa library kung 'di ang magbasa at mag aral hindi ba?

"Malay ko ba sa'yo..." bulong ko

He chuckled a bit.

"Uh.. may gagawin ka ba mamaya?" he asked

Napa angat ako ng tingin sa kaniya. Bakit naman niya itatanong ang bagay na iyon? Pero kahit na nalilito ay sumagot ako.

"Oo, tutulungan ko si lola sa mansyon..." sagot ko, pagtukoy sa trabaho sa mansyon

He paused a bit and he bit his lips "No, I mean... mamayang pagkauwi?" nagdadalawang isip siyang sagutin iyon

Huminga ako ng malalim, my heart is already pounding. Teka lang Percy huwag kang masyadong mag assume! Baka magpapasama lang ulit siya!

"W-Wala naman." sagot ko

"Mabuti naman." ngumiti siya "Uh... puwede mo ba akong samahan mamaya after class? Diyan lang sa pinaka malapit na mall." aniya

As expected, Percy! Magpapasama lang ulit siya!

"B-Bakit? Sina Art ba?" hindi ko napigilan ang sarili ko

He smirked. Hindi ko mapigilan suriin ang kaniyang mga malalalim na mga mata. Madalas, nababasa ko ang isang tao sa pamamagitan sa kanilang mga ekspresyon sa kanilang mga mata pero si Cason... hindi. Ang hirap niyang basahin!

"Abala pa ang mga iyon." hindi naman niya sinabi kung saan sila abala kaya hinayaan ko na

Napabuntong hininga ako.

"Sige."

Lumapad ang ngiti niya.

"Alright!" masigla niyang sabi

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now