Kabanata 26

3.9K 92 2
                                    

Kabanata 26

Pagkatapos naming mag usap sa kusina ay naalala ko nanaman ang isinantinig ko sa aking isipin. It feels so surreal, hindi maaaring mangyaring magustuhan ko siya! Yes, he's good-looking but he is not my type. Isa sa dahilan ng hindi ko pagkakagusto sa kaniya ay ang ugali niya noon at ang turing niya noon sa akin.

Pero naisip ko rin na infatuation lang ang nararamdaman ko sa kaniya... Feelings fade anyway, naniniwala ako roon..

At isa pa, ni minsan ay hindi pa ako nagkakagusto kaya paanong nangyaring gusto ko siya?! Napaka laking kalokohan naman ata nito!

Maybe I was just longing for a brother dahil tutal ay wala naman akong kapatid... Maybe that was really it. Pangungulila...

Sabi nga nila, Don't fall inlove when you are lonely, but fall inlove when you are ready. Love is an intense feelings, kailangang siguraduhin mo  muna ang nararamdaman mo. Don't rush everything, kaya minsan may mga taong one sided love... and it hurts.

Kahit na tinatamad akong pumasok sa umagang iyon ay pinilit ko ang sarili ko. Mabuti nalang at maaga akong umaalis kaysa kay Cason, kahit papaano ay hindi ko siya makikita dito sa mansyon.

"Alam mo ang labo talaga ng Grei na iyan kahit kailan..." wika ni Mercilla

Maayos na siya at nakapasok na ngayong araw. Nakuwento ko kasi sa kaniya na kinakausap na ako ni Grei kaya niya nasabi iyon.

Huminga ako ng malalim

"Ang mahalaga sa akin ay maayos na kaming dalawa at kinakausap na niya ako." giit ko

"Mamaya pinagloloko ka lang niya." aniya

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya "Bakit mo naman nasabi iyan?" natawa ako dahil sa naisip niya

Nagkibit balikat siya "Pakiramdam ko lang naman."

"Naku, Pakiramdam mo lang iyan. Grei is a nice guy." paliwanag ko

"Sabi mo e." 

Hindi ko lubos maisip ang sinabi ni Mercilla sa akin, mamaya dinidemonyo niya lang ako. Sinubukan lang naman niyang lumayo sa akin dahil kay Cason, iyon ang dahilan. I know it's unreasonable for me but who knows right? Magkaibigan sila noon kaya malay ko kung ano ang naging lamat ng kanilang pagkakaibigan?

Pero ano nga ba ang nagiging dahilan ng pag aaway ng mga lalaki?

Umayos ako ng tayo at hinigpitan ang hawak sa aking mga libro nang may pumasok na dahilan sa aking isipan. Maaaring babae ang naging dahilan hindi ba?

Sa dami ba namang naging kasintahan ni Cason, maaaring selos ang naging dulot ng pag aaway nilang dalawa.

"Tara na malilate na tayo!" singhal ni Mercilla

"Mabuti pa nga." giit ko

Bigla kong napansin ang mga disenyo habang tinatahak namin ang pasilyo. Kahit saan kasi ay may mga nakadikit na puso roon.

"Anong meron?" wala sa sarili kong tanong sa kasama ko

"Ah, oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa'yo. Tutal ay malapit na ang araw ng mga puso nagplano kaming mga SSG na magkaroon ng program..." eksplanasyon niya

"Ganoon? Pero bakit may mga puso puso na kaagad rito?" tanong ko sabay hagod ng tingin sa mga puso na iba iba ang sukat

"Siyempre, taktika namin iyan Percy... Para kapag pagpasok mo palang ng school feel loved kana!" biro niya "At tiyaka sa biyernes na ang program no!" dagdag pa nito

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nawala sa isipan ko ang tungkol sa programa dahil na rin abala ako sa mga proyekto sa eskwelahan at sa mansyon! Pero kalahati sa akin ay naghari ang kalungkutan. Naisip ko na marami nanaman akong makikitang mga magnobyo sa daan na kung hindi magkayakap ay magkahawak kamay ang mga ito habang naglalakad habang may hawak na bulaklak o teddy bear ang babae na galing sa lalaking kaniyang iniibig.

"Anong plano natin?" tanong ko kay Mercilla na walang boyfriend

Natawa siya, "Movie date sa inyo?" suhestiyon niya

Kumunot ang noo ko "Pagagalitan ako ni lola." saad ko at tiyaka hindi naman namin bahay iyon nakakahiya kung magdadala pa ako ng bisita

Humalakhak siya "Biro lang, siyempre sa amin! Ano game ka?" masaya niyang aya

"Oo naman!" pag payag ko

"Panoorin natin yung mga bago kong nadownload na mga movie." kwento naman niya

"Oh? talaga may bago tayong panonoorin?"

Tumango siya. Kung ganoon ay excited na akong pumunta sa kanila sa biyernes!

"Hmm, ano nga pala ang hinanda niyo para sa program?" tanong ko, nagkatinginan kami ng ilang sandali bago siya ngumisi at inakbayan ako.

"Tiyaka na!" tawa niya

Sumimangot ako at pabiro ko siyang inirapan. Alam ko naman na hindi niya sasabihin kaya sinubukan ko lang na tanungin siya at baka sakaling sagutin niya ko.

"Surprise ang mangyayari." halakhak niya sa tainga ko

Hinayaan ko nalang siya. Natapos ang klase namin pagkatapos ng napakaraming diskusyon tungkol sa mga pormula na wala naman akong maintindihan! Nagpaalam na sa akin si Mercilla dahil gaya ng dati ay may mga pag uusapan pa raw silang mga ibang detalye para sa biyernes.

Ako naman ay sa locker ang tungo ko para ilagay roon ang aking mga dalang libro para kapag uuwi ay wala na akong bibitbitin pa.

"Kanina pa kita hinihintay."

Muntik ko nang mabitawan ang mga dala kong libro nang biglang lumitaw si Grei sa likuran ng mga locker! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at takot dahil akala ko kung sino na!

"Sorry, nagulat ba kita?" halakhak niya at lumapit sa akin

"Ba't ba kasi nandiyan ka?" mahinahon kong tanong at binuksan ang locker ko

"Well I planned to startle you..." pag amin niya at natawa

"Well then you succeeded." sarkastiko kong giit

"I'm sorry." sumeryoso ang tono niya

"May kailangan ka ba?" bigla kong naalala ang sinabi niya na hinihintay niya ako rito

"Ahh, yeah yeah. Hmm, ibibigay ko lang sana ito sa'yo." sabay lahad niya sa hawak niyang paper bag na ngayon ko lang din napansin na hawak pala niya

"Para saan?" nagtataka kong tanong nang makita ang laman non. Isang box na may laman na macaroons at milk tea.

"I know it's too late to give you a peace offering... but I hope you'll accept it." wika niya

"Uh... hindi na naman kailangan e. Nag abala ka pa." sabi ko

He only smiled at me "Sige ka, magtatampo ulit ako kapag di mo tinanggap 'to." aniya at kunyareng sumimangot sa akin

Natawa naman ako dahil sa reaksiyon niya. Tinitigan ko muna iyon hanggang sa tinanggap na nga.

"Yes!" sigaw niya

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now