CHAPTER 1: JIMAIMAH SANDOVAL

13 0 0
                                    

'After all we've been through, Nandito ako sa harapan mo at pinapangakong poprotektahan ka at mamahalin kahit ikamatay ko pa..'

Sana all diba? 

Day off ko ngayon kaya heto ako prenteng prente habang naka upo sa sofa at umiinom ng coffee. Pinapanood ang ending episode ng action drama series.

Hays tapos nanaman ang drama kung saan ako nag tatrabaho. No ,I am not an actress pero parang ganun na din kasi isa akong stunt woman. Dangerous pero duon mabilis kumita ng pera.

Nakatapos naman ako ng college with a secret degree. Pero maspinili ko nalang ang ganitong trabaho. Actually kakarecover ko lang sa bali ng braso dahil sa maling paglanding sa tulay na tinalunan ko.

Honestly I am not afraid to die. I have been living on my own at the age of 15 dahil ulila na ako ng lubos. My dad died in a car accident and my mom died of drowning. They said she committed suicide and that hits me alot. I guess that's life. We only exist in a life span and those who are being chased by bad luck early dies. Wala na din naman akong reason para katakutan pa ang kamatayan kasi kung oras mo na oras mo na.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Jim, kailan ka mag aaudition?" si Donald, Best friend ko din na stunt man.

"Baka bukas, bakit?" kinuha ko ang tasa ng kape at nag lakad papunta sa kusina.

"Anong series?" 

"Code Black" 

"Eh ang delikado daw ng stunts duon ah" 

"Mas delikado, mas may thrill. Beside wala daw umaako ng role" 

"Sige duon nalang din ako" 

"Tsk gaya gaya, babae ang bida kaya minor character ka lang" 

"Para alam ko kung kailan kita isusugod sa hospital tange! ikaw lang ang kilala ko na stunt woman na hindi pa natatapos ang series may bali na" natatawa pa siya sa kabilang linya.

"Sabi mo eh, kita nalang tayo sa audition room"  

"Sige 8 am" 

Pinatay ko na ang tawag at hinugasan ang pinagkainan ko. Halos magkapatid na ang turingan namin ni Donald. One week palang ako sa children's shelter nang makilala ko siya. Wala kasi kaming kamag anak dito sa Manila kaya duon ako diniretso ng umasikaso sa libing ng mama ko. Sabay kaming tumakas sa shelter dahil kami ang laging napapag initan ng mga nagbabantay duon. Ups and downs nagkasama kami. Naalala ko pa noon ng pagala gala kami sa kalsada at gutom na gutom. Nagawa niyang magnakaw ng tinapay para lang may makain ako .

Kinupkop kami ni Tatang Isko at tinuring na isang pamilya pero after 3 years namatay din ito. Pinamanahan kami at nagsimula ng mabuhay sa aming mga paa.

***
Nasa Audition room na ako at nasa labas naman si Donald dahil siya ang sunod saakin.

Nasa harapan ko ngayon ang isang babae, siya atah ang mag checheck saamin dahil wala daw ang director. 

Something is suspicious about her. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa presence niya. Siguro nga kinakabahan lang ako kaya kung ano ano ang iniisip ko.

Tumikhim siya at agad naman akong napatingin sakanya at pilit na ngumiti.

"Your name is JIMAIMAH SANDOVAL"  imagination ko lang ba o nakita kong ngumisi siya? at kung tawagin niya naman ako sa pangalan ko ay parang kilala niya ako. Cringe...

"Yes po" sagot ko nalang.

"And you were part of Secret Agents film" tumango tango pa ito. Hindi naman sa pag mamayabang pero high grossing film ang movie na yun kaya kumita din ako big time. Pinagmasdan ko lamang siya at nagtataka dahil dapat nag tatanong na siya ngayon pero panay lamang ang palit niya ng pahina ng pinasa kong info sakanya. 

"I am just wondering sabi dito tapos ka ng Secondary education pero bakit ka nag stunt woman?" tanong niya saka pinagsaklop ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa desk.

I cleared my throat and look into her eyes." Napilitan lang po ako sa course na nakuha ko and mas mabilis kumita sa ganitong trabaho." with confidence pa yan.

"Oh aren't you afraid of uncertainties sa mga stunts? I mean you are risking your life, you dont look like you have a body treatment pero parang hindi halata sayo ang mga past accidents mo . I heard na may nabalian ng braso sa set, ikaw ba yun?" mahabang pahayag niya. Bakit parang andami niyang alam.. Pero nagtatak iyon ng tanong sa utak ko.

"I like thrills it makes me feel alive and regarding naman po duon sa accident sa set yes ako po yun. May nga cases din nakagaya ko na mabilis makarecover sa mga sugat and bali sa katawan" pero sa totoo lang nagtataka din ako, dahil yung mga sugat ko ay hindi nag iiwan ng peklat at sadyang mas mabilis ang paggaling ko kaysa sa iba.

Ayun nanaman ang ngisi sa mukha niya. Pero ngayon mas visible na ito. She said something that I didn't understand kaya hindi ko na binigyan ng pansin. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa harapan ko .

"See you at the set." sabi pa nito at kahit pa gulat ng slight ay nagawa kong makipagkamay sakanya. Just that?

Umupo ulit ito at nagbow ako saka lumabas ng room. Nakita ko si Donald na nakataas ang kilay habang naka tingin saakin.

"Natanggap ako" sabi ko dito at ngumiti naman siya.

"That's good, ako naman" sabi nito at pumasok na siya sa room.

I don't know pero may mali talaga. Umupo ako sa bench sa labas ng room at duon ko nakita ang poster ng film. So Vampire story pala ang isang toh. Nice bagong genre.

This will be my first fantasy/thriller na movie kaya medyo nakaka excite.Tila nawala na ang pag dududa sa isip ko. Mabilis lang din si Donald sa kwarto. 

"Mabilis lang pala ang interview dito" natatawa pa nitong sabi, so ako lang talaga na wiwierduhan.

"New movie here I come!" mayabang kong sabi at inakbayan naman ako ni Donald.

Nandirito kami ngayon sa isang caffe sa Mini Park Central.

" Sabi nila sa Gonga forest daw ang taping natin ah" sabi ni Donald habang may kinakalikot sa laptop niya. 

" Saan naman yun?" tanong ko sakanya. Actually kung sa forest nga mas lalo akong na excite dahil dati at pangarap ko talagang maging girl scout.

" Idk" 

"eh?"

Sinarado niya ang laptop niya at tumango. Kumunot ang noo niya na ikinataka ko. 

"Bakit?" nagtataka kong tanong sakanya.

"Blood moon pala next week" nakita ko ang awa na sumisilip sa mata niya. Ngumiti nalang ako ng mapait.

I love the moon, pero hindi kapag kulay pula ito. It reminds me of my lost. Blood moon nang mamatay ang mga magulang ko pero magkaibang araw. Napabuntong hininga nalang ako at di siya sinagot. Guess mangungulila nanaman ako.

✓✓✓

WEREWOLF'S TERRITORY [The Cursed City]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon