CHAPTER 10: FIRST DAY

5 0 0
                                    

Kumatok ako sa kwarto ng tanggapan para mag paalam sa Alpha dahil ngayon ang unang araw ng pasukan. Bukas iyon kaya pumasok na ako. Naabutan ko ito na nagbabasa ng isang aklat at siguro napansin ako kaya nag angat ng tingin.

"Oh Jim naparito ka?" tanong niya 

"Ngayon po kasi ang unang araw ng pasok namin . Nais ko lamang po magpa-alam." Ngumiti ito saakin at tumango.

"Kung ganun mag ingat kayo . Sa pagkaka alam ko ay paheras kayo nila Charles at Carlos ng baitang. Sasabihin ko na banta-" 

"Hala! Huwag na po Alpha. Pinag aralan ko na po ang mga bagay sa University kaya hindi na po kailangan. Ayoko din na maging abala sa dalawa." malaki silang abala sa katahimikan ko! gusto ko mag enjoy sa bagong environment ko. Narinig ko ang mahinang tawa ng Alpha.

"Oh sige kung ganun ay kay Ying na lamang kita ibibilin." Ngumiti siya muli at nag paalam na ako.

Masaya akong naglakad sa pasilyo. Kahit papa ano ay natutuwa ako sa damit ko. Liberated ang University! Pwedeng gamitin ang mga damit ko at hindi yung mabigat na dress na yun. Ibibnili ako ni Ying ng damit sa mundo ng tao. Unfair dahil ang mga werewolf pwede lumabas sa barrier pero ang mga tao na katulad ko hindi pupwede! Hindi na din ako nag pumilit dahil nang tinangka kong dumaan sa barrier ay bumalda ako dahilan para isang araw akong tulog. Hayssss.

"Wah, I told you ate bagay ang mga binili ko sayo!" natutuwang lumapit sakin si Ying at pinasadahan ulit ako ng tingin. "So pretty mo, kahit werewolf guy sigurado akong ma-aamaze sayo!" 

Ngumiti nalang ako sakanya at isinuot ang shades niya. " Dalagang dalaga ka tignan sa suot mo, Ilang taon ka na nga ulit?" pagpupuri ko sakanya at namumula ang pisngi niyang umiwas ng tingin.

"Sana nga dalaga na ako, I can't wait to grow older." mahinang sabi niya pero narinig ko parin.

"At bakit naman gusto mong mag dalaga agad? Akala ko ba naniniwala ka sa first and last?" takhang tanong ko.

"It's just that, Paano maiimpress sakin yung nakatadhana para sakin kung bata parin ako! Look ate flat chested ako!" tumikhim ako sa sinabi niya. Bigla niyang tinuro ang dibdib ko. "I want that size too!" 

" Alam mo halikana pumasok na tayo. Magdadalaga ka din ,15 ka palang. Isa pa ,kapag gusto ka talaga ng lalaki matatanggap ka niya kahit flat ka pa kaya mag aral ka muna" pinigilan ko ang tawa na kumakawala sa bibig ko dahil sa pag ngiwi niya. Kahit pala sa mundong ito issue din ang pagiging flat chested. 

Hindi na siya nag salita at lumakad nalamang kami palabas ng Palasyo. Hindi ako makapaniwala na sasakay kami ng kotse? "Teka bakit sa kotse, hindi ba sa kalesa or karwahe?" 

"Ate modernized na ang mundo namin. And ang karwahe ay ginagamit lang ng mga council." saka siya pumasok sa passenger seat. Duon naman ako sumakay sa likod. May driver din si Ying.

Halos wala din palang pinag kaiba ang dalawang mundo. Sa buong byahe ay nakatingin lang ako sa dina-daanan namin. Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko dahil kapag pumasok na ako sa University mas marami pa akong makakasalamuha na kalahi nila. Ipinaliwanag ni Ying na mayroong mga half-blood na studyante ang makakasalamuha ko at hindi magandang makipag kaibigan ako sakanila. May ibinigay siya saakin na kwintas, iyon daw ang magsisilbi kong protection sa loob ng campus. Hindi ko maintindihan kong paano pero alam ko din na kaya kong protektahan ang sarili ko kahit papaano.

Parang pumasok muli ako sa panibagong mundo. Dahil talagang masasabi ko na kahawig na ito ng mundo ng mga tao. May mga Cafe at Mini shopping malls. Dumaan din kami sa isang park na sigurado akong magiging paborito kong lugar dito sa mundo nila. Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang entrance kung saan kitang kita ang pangalan ng unibersidad. Unibersidad de Luna

WEREWOLF'S TERRITORY [The Cursed City]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon