CHAPTER 11: FAMILLIARITY

5 0 0
                                    

Naitanong ko kay Chelsea kung ano ang nangyari sa movie na dapat ay tatrabahuhin ko at  ang sabi niya naipag patuloy parin ang movie at iba na ang naging cast pati rin daw ang mga producers. Kung ganun ang nangyari ibig sabihin hindi na sila Donald ang mga tauhan ng buong team. Naasan sila kung ganun?

Break time namin ngayon at napagpasyahan ko na pumunta muna sa bench na nakita kanina habang papasok dito sa school. Buti naman at may ganitong pahinga din kasi pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa mga sinasabi ng guro. Kapag history na ang pinag uusapan bigla talagang natutuyo ang utak ko.Naisip kong muli sila Donald hindi kaya katulad ko andito rin sila?

'Paano kaya kung hanapin ko sila?'

'Saan ko naman sila hahanapin dito!'

Nag sisimula nanaman ako mag alala."Hayssssss ano bang pwede kong gawin!" sabay pakawala ng buntong hininga. humigahiga nalang ako sa bench para ikalma ang isip ko. Nakatingin ako ngayon  na nagkukulay kahel na langit at kinakalma ang utak ko .

"Kakaiba ka rin ano?" isang boses ang narinig ko mula sa di kalayuan kaya napa ayos ako ng upo sa bench. "Hindi ba naituro saiyo ang pagiging pormal sa mga parke binibini?" dagdag pa niya saka ko nasundan kung saan nanggagaling ang boses. Nasa taas nanaman siya ng puno sa gilid ng inuupuan ko.Ungoy talaga.

"Hindi ko alam kung anong mas impormal saating dalawa. Ako na nakahiga sa upuan oh ikaw na may upuan naman pero nasa puno?" mataray na balik ko sakaniya at napangisi naman siya. Sa ilang segundo lang ay pakiramdam ko nakita ko na ang mukha niyang malungkot na nakatingin saakin.

At sa ilang segundo na iyon ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.Bakit? 

"Labis na ang pag titig mo saakin binibini, alam ko naman na talagang maganda akong lalaki." Pag tawa niya pa. Guni guni ko lang ata yun?

Nakunot ko ang aking noo dahil sa apog ng isang toh! ang lakas naman ata ng hangin dito sana naman kumapit toh sa sanga baka di niyan kayanin.

"Hindi naman malakas ang hangin tama lang" sagot niya

"Ahhhhhh may pagka chismoso ka" patango tango pa ako dahil napagtanto ko na malakas nga pala ang pandinig ng unggoy na ito. "Ang ibig sabihin ko ,sa malakas ang hangin eh napaka taas kako ng confidence mo hindi ko ma reach!" tumayo ako at nagsimula ng mag lakad dahil ayaw ko na siyang makausap pa bukod doon ay hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kabog ng dibdib ko. Hindi ko rin kaya ang ugali niyang masyadong mataas ang tingin sa sarili. Nawala nga si Carlos sa paligid ko may pumalit naman na ungoy.

Hinanap ko ang sunod na klase na  papasukan at mabilis ko naman natagpuan. Pumasok kaagad at pumuwesto sa may bintana. Duon ko lang napagtanto na tanaw mag mula rito ang statwa ng Unang Luna. Tumingin ako sa buwan at  na nagsisimula nang maging malinawanag at saka ako napatingin sa kristal nahawak ng Luna . Sa pangalawang beses ay namangha muli ako dahil talagang ginagaya nito ang ilaw ng hugis ng buwan. 

Habang nakatingin ako sa buwan muli ay may naaninag akong pigura ng isang tao sa taas ng isang building. Hindi ko malinaw kung nakapharap ito oh nakatalikod pero nanindig na lamang ang balahibo ko nuong kumislap ang pulang mata nito.   

Nakipag titigan ito saakin at tila ba wala akong lakas na umiwas sa titig nito. "Jim" nawala ang attensiyon ko at agad na napatingin sa mukha ni Chelsea . "Jim kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ata ako naririnig"

"Chelsea ,may lalaki na nakatingin saakin du-" Agad na nangunot ang noo ko dahil wala na ang lalaki na nakatingin saakin kanina. Inilibot ko pa muli ang mata ko sa building kung saan ko ito nakita pero wala na .

"Lalaki" pag tataka ni Chelsea at nakita ko ang pag seryoso ng titig niya."Wala naman na nakatayo roon? Hindi kaya namamalikmata ka lang?" 

"Guni guni ko lang ata iyon" pangungumbinsi ko sa sarili ko.

WEREWOLF'S TERRITORY [The Cursed City]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon