CHAPTER 3: BLOOD MOON

4 0 0
                                    

"Hello Jim nasaan ka na!"  Sigaw ni Donald sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.

"Teka lang malapit na traffic lang" pagmamadali ko. Napuyat kasi ako kakaiyak kagabi. Hays. 

"Para po kuya dito nalang" sigaw ko sa konduktor ng bus. Bumukas naman ang pinto at binitbit ko ang mga gamit ko kasabay si Grey. Don't worry nasa cat bag siya. Ayoko siya iwan mag isa dahil ang sabi 2 weeks daw kami duon sa Gonga forest.

Nakacros ang braso ni Donald at iritado ang mukha . Ayaw niya pa naman sa lahat ay late. 

"Sorry na po" sabi ko nalang at binuksan niya na ang van. Alam ko alam ni Donald ang dahilan kaya pinipili niya nalang na manahimik. Ganiyan siya ka bait hehe. "Salamat" sabi ko at umismid lang siya.

Nagsimula na ang byahe namin bandang Cordeliera ang forest at anim na oras bago makapunta duon. Nasa front seat si Donald katabi ng driver at kasama ko naman ang iba pang extras. Inilabas ko muna saglit si Grey sa cat bag at inpunewesto ko sa lap ko . 

Meow 

"Nasa byahe ulit tayo Grey, Behave ka lang" sabi ko pa dito at tumingin naman ang babae sa harapan ko sakin pero di ko siya pinansin.

Meow

"Kala ko ba ayaw mo ng pusa Jim" nahihiwagaan na sabi ni Tatang Flavio habang nag dadrive. 

"Gusto ko po ng pusa, ayaw ko lang mag alaga kasi napapabayaan ko kaso ang cute ng isang toh kaya wala akong choice" napapangiti nalang ako habang nakatingin kay Grey na natutulog na.

"Allowed ba ang pets sa set?" maarteng tanong ng babae.

"Pwede naman as long as hindi sila magulo" sabi ko at nanahimik muli siya. Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng kaunting video ng byahe at mi-nay day ko sa facebook at instagram with the caption of on the way. 

May nag heart react kaagad pero follower lang yun. Updated naman nito. Pinili ko munang matulog dahil puyat ako at kailangan ko ng pahinga.

***

"Bakit parang pabalik balik lang tayo?" dinig kong sabi ni Ginet kay Tatang.

Napatingin ako sa bintana at nakikita ko na talagang mapuno dito pero  bakit parang pine tree lang atah? Tinignan ko ang orasan ko at 6 na ng hapon. Magdidilim na pala.

Napatingin ako sa buwan , unti unti nang sinasakop ng ilaw nito ang dumidilim na kalangitan.

"Donald malapit na ba tayo?" tanong ko kay Donald na nag iisip ng malalim. 

"Ito ang tinuturo ng navigation pero parang umiikot lang tayo" kunot noong sagot niya.

Naramdaman ko naman ang hindi napapakaling si Grey. "Anong problem Grey?" hinimas ko ito .

Meow sagot nito.

Isang oras pa ay natataranta na kami. Nawala na ang sasakyan sa harapan namin at ganun din sa likod. Hindi na din maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari. Huminto kami bigla sa daan at napatingin kay tatang na direstso namang nakatingin lamang sa daan. 

"Bakit po Tatang?" tanong ko pa dito , pero wala kaming sagot na natanggap tila wala ito sa sariling pinaandar muli ang sasakyan pero mabilis na ang takbo. wtf

Yung mga extra ay agad nang nagsigawan. What the check is happening! Pati si Grey ay tila galit na nakabaling kay Tatang.

"Tatang!" inagaw ni Donald ang manibela ng sasakyan at pilit na pinipigilan si Tatang. Mabilis parin ang takbo ng sasakyan namin. Nagsimula na ang ibang mag iyakan at pilit na binubuksan ang van pero hindi nila magawa. Napabaling naman ako sa daan ng may naaninang akong taong nakatayo sa kalye. 

WEREWOLF'S TERRITORY [The Cursed City]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon