CHAPTER 2: NIGHTMARES

7 0 0
                                    

Nagising muli ako ng pawis na pawis at hinahabol ang paghinga ko. I cupped my face and let my tears and anxiety out of my eyes. My sob filled my room.

Hina-hunting nanaman ako ng mga masasamang panaginip ko at ang hindi ko lang maintindihan ay bakit naaapektuhan ako ng mga yun. 

I don't know who they are pero masakit yung nararamdaman ko ngayon. Medyo blurred pa iyon dati pero ngayon ay medyo malinaw na ang kanilang mga itsura. I feel so alone right now and how I wished my mom is here to hug me and tell me it's alright. 

Hindi ko alam kung anong oras na ako naka tulog kagabi pero kitang kita ko ang pagod at pamamaga ng tama ko ngayon. Palaisipan parin saakin ang mga panaginip ko kapag malapit na ang blood moon.

Nag ayos ako ng panandalian saka lumabas nh kwarto. Wala nanaman akong gagawin kundi tumambay sa bahay buong araw pero dahil sa nabuburyong na talaga ako ay pinili ko na lamang mamasyal upang maibsan ang lungkot ko.

Bumyahe ako papuntang Silent Garden para makapag isip isip. Maganda ang lugar na ito dahil tahimik at puno ng puno. Dumiretso ako sa swing field at duon tumambay. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako na tila ba may nag mamatiyag saakin. Dahil narin siguro sa trabaho ko kaya malakas masyado ang pakiramdam at instinct ko. 

"Don't mess with me" banta ko sa kung sino man ito.

Meow

Agad akong napatingin sa pusa na sana bandang likuran ko. Nakupo ito at nakatingin saakin . Pusa lang pala....

"Bakit mo ako tinitignan? wala akong pag kain" sabi ko dito at maslalo pang tumingin sa akin.

Meow 

"Sho gusto ko ng katahimikan" bumaling muli ako sa harapan ko at tinitigan ang malawak na man made river. Napatingin ako sa pusa na ngayon at ikinukoskos ang katawan niya sa paanan ko.

Meow meow

"Ang kulit mo talaga, saan ka ba galing?" kausap ko ulit dito. Pet lover ako pero hindi ako nag aalaga dahil madalas ay wala ako sa bahay. Hello wholeday ang trabaho ko di pa sure kapag nasa hospital ako . Mamamatay lang sa gutom ang aalagaan ko.

Umupo ito sa harapan ko at may tila gustong sabihin saakin. Bumaba ako ng swing at umupo din sa harapan nito. "Ikaw lang atah ang nakikita kong pusa dito" hinimas ko ang gray na balahibo nito at tila nagugustuhan niya ang ginagawa ko. Napapangiti ako sa kacutan ng isang toh. "Naliligaw ka ba?" 

Meow

Sa totoo lang hindi ko alam ang gusto niyang sabihin. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang isang century tuna dito. Mahilig lang talaga ako magdala ng back up na pagkain. 

Binuksan ko ito at inilagay sa harapan ng pusa. Tumingin ito saakin bago kinain ang nasa harapan niya. 

Pinapanood ko lang itong kumain. Nasaan na kaya ang mga magulang mo. Parehas pa kaming mag isa nalang. Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko .

Laking gulat ko ng may humawak sa balikat ko at agad akong napatayo . Lalaki siyang nakasuot ng hood at nakangiti ng malawak saakin. Hindi ko makita ang mga mata niya pero kinikilabutan ako sakanya . Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa takot. Napaatrass ako nang may humigit sa kamay ko.

Napatingin ako sa paligid ko at nasa ibang lugar na ako. Gabi na at heto ako hila ng isang lalaki at tumatumakbo kaming dalawa.

Ramdam ko nanaman ang pagod. Masakit na ang mga paa ko at may sugat ako sa balikat na lalong nagpapahirap sakin.

May humarang saamin na panibagong naka hood kaya napahinto kami. Huli na nang napagtanto naming napapalibutan na kami ng mga halimaw. Mapupula ang kanilang mga mata at nakalabas ang mga pangil. 

Itinaas ng isang naka hood ang kamay niya at naramdaman ko na parang may sumasakal saakin. Napatingin ako sa malabong imahe ng lalaki na kanina na kasama kong tumakbo.Nagpumiglas din ito. Nagsimula na akong umiyak habang pinipilit na huminga...

Meow

Nagising ako at hindi namalayang umiiyak nanaman ako.Nakatulog pala ako sa bus habang nasa byahe. Pinunasan ko ang luha ko. Nasa lap ko si Grey, napagpasiyahan ko na iuwi siya sa bahay. 

Parehas na panaginip nanaman... Napahawak ako sa leeg ko at tumingin sa bintana ng bus.Bibihira lang akong managinip pero lagi nalang masama.

Bumaba ako sa isang petshop sa Cental para bumili ng pag kain ni Grey. Buti nalang at lagi kong dala ang wallet ko na may extrang cash. Pagpasok namin duon ay biglang nagsitahulan ang mga aso at natatakot naman si Grey na sumiksik sa leeg ko. Kaya minadali ko ang pagbili at agad na lumabas pero nahulog ang dala ko ng magkabungguan kami ng isang lalaki sa pintuan.

ugh! Hindi naman ako ganun kaliit para di makita. Tumingin ako sakaniya ng napipika pero parang wala naman itong pakealam na dumiretso lamang. Gwapo sana, di naman gentle man. Ibinaba ko muna si Grey para pulutin ang paper bag pero may kamay na naunahan ako sa pagpulot at inabot saakin .

Napahinto ako sa taong nasa harapan ko na nakangiti. Teka. 

"Bakit parang naka kita ka naman ng multo miss?" tanong pa nito. wtf! 

Lumingon ako sa likuran ko at nanduon yung bumangga saakin at naraharapan ko naman ngayon-...

"Kambal kami miss , relax ka lang wag kang malito" at natatawa naman nitong sambit. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay dito ang paper bag. Saka sumaludo at nilagpasan ako.Naka recover ako sa pagkabigla. 

Sinundan ko siya ng tingin at nagtama naman ang mata namin ng lalaki na bumangga saakin. Tsk. Nagmake face ako at tumalikod. Kinarga ko ulit si Grey at saka kami umalis. 

Mabilis nalang kami naka uwi at agad itinapon ko ang katawan ko sa kama. Medyo nakakatuwa din pala gumala gala. Naalala ko naman yung mga lalaki kanina. In fairness papasa sila as artista ah. Sa kambal talaga may isang abnormal. Nainis nanaman ako sa inasal ng kupal na yun.

Meow

Bumangon ako at kinuha si Grey sa lapag. Inabot ko ang paper bag at kinuha ang collar na binili ko dito. May bell ito at bagay na bagay sakanya.

Meow 

"You're welcome Grey" 

Hinimas ko ulit ulo nito at saka kumuha ng tuwalya para maligo. Sana ay hindi na ako managinip mamaya . Kinukulang na din ako sa tulog.

WEREWOLF'S TERRITORY [The Cursed City]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon