Mahimbing akong natutulog sa aking silid ng biglang kumatok ang aking ina, dali-dali akong bumangon araw nga pala ng linggo ngayon at kailangan kong dumalo sa banal na misa sa bayan.
"Ligaya Salazar po ginoo" sambit ko sa isang guardia sibil na nakabantay sa harap ng simbahan, mag aalas tres na at buti na lamang ay hindi pa nagsisimula ang misa.
Nang matapos ang misa ay hinanap ko na sina ina at ama dahil umuna na silang nagtungo rito, mabilis ko naman silang nahanap dahil madalas na nauupo ang mga kilalang pamilya sa harap malapit sa altar. Ang aking ina ay si Doña Milinda Salazar at ang aking ama ay si Don Raymundo Salazar at ako naman ang nagiisa nilang anak na si Ligaya Salazar, kilala ang aming pamilya sa larangan ng medisina dito sa San Fernando ito rin ang naging sanhi upang gumanda ang aming buhay.
Nauna na akong bumababa sa kalesa at nagpaalam kay ama at ina na ako'y magtutungo lamang sa hardin upang magpahangin, nakasanayan ko na itong gawin dahil wala naman akong gaanong nakakausap sa loob ng bahay namin kundi ang mga katulong namin isa na rito si manang Ester na siyang nagpalaki at naging pangalawang ina ko narin gayunpaman ay naghahanap parin ako ng makakausap sa tuwing nalulungkot ako na malapit sa aking edad.
Maghahatinggabi na at narito parin ako sa hardin tinatanaw ko ang mga bituin at lumabas sa aking bibig ang mga salitang "hindi lahat ng ganda ay makikita mo lamang sa liwanag kundi may mga natatago ring ganda sa pagsapit ng kadiliman at tila ang mga ito'y kakaiba at kabigha-bighani" huminga ako ng malalim at nagpasyang pumasok na sa aking silid.
Kinabukasan agad akong ginising ng malalakas na ingay sa labas, mabilis akong tumakbo at nasaksihan ko kung gaano na lamang ang naging sira ng mga kagamitan na itinatapon ni ama, pinipigilan siya ni ina na ngayon ay naghihinagpis dahilan upang mapatakbo ako sakanila, alam kong nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagiging mainitin ng ulo ni ama ngunit hindi ko batid kung anong dahilan. Hindi ko na nagawa pang tiisin ang aking sarili, "Ama ano po ba nangyayari, pakiusap ama ipaliwanag mo sa akin", napabuntong hininga na lamang si Ama at dahan dahan akong nilapitan, "Tinanggalan ako ni Heneral Almero ng kapangyarihan upang makapanggamot dito sa ating bayan dahil sa isang bintang na kailan man ay hindi ko magagawa, hindi ko batid na may gusto palang kumalaban sa akin at wala na akong magawa dahil mas makapangyarihan si Heneral Almero, Anak alam kong kilala mo siya at ng lahat bilang isang pinuno ng San Fernando na walang pagaalinlangang patalsikin ang kahit sino", tumulo ang luha sa aking mga mata dahil alam kong mahal ni ama ang kanyang trabahonay kailanman hindi niya ito kayang bahiran ng kasamaan. "Anak alam kong may tiwala kayo sa akin ng iyong ina, alam niyong hindi ko kayang magpapatay para lamang sa pera", lalo akong nanlamig sa mga sinabi ni ama dahil ramdam ko ang sakit sa boses niya, niyakap namin ni Ina si Ama at sa pagkakayakap namin ay may sinambit si ina "Magsisimula tayong muli, Hindi ito ang katapusan, kung kailangang may magdusa upang bumalik ang ating yaman hindi ako magdadalawang isip".
Alam kong si ina ay mapusok pagdating sa pera, alam ko rin na kaya niyang magpanggap na mabuti alang-alang sa magandang pagtingin sa aming pamilya. Hindi ako mapakali sa ibig sabihin ni ina, "may kailangang magdusa?" Sino?
============itutuloy===========
BINABASA MO ANG
LIGAYA
Historical FictionSi Ligaya Salazar ay nagiisang anak nina Doña Milinda At Don Raymundo Salazar na kilala sa larangan ng medisina na kinalaunan ay tuluyang naghirap. Mapipilitan siyang paibigin ang anak ng isang mayamang mangangalakal na si Isagani Del Rosario upang...