Mabilis kong tinahak ang pasilyo ng simbahan at mabilis na lumabas ng walang nakakakita saakin dahil baka isipin nilang may narinig ako sa usapan nila kung matagpuan nila ako sa hardin. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para gawin ko ang aking misyon.
*********
Araw ng Martes at maaga akong nagising dahil patuloy pa din akong binabagabag ng aking isipan, "Ligaya Anak, may bisita ka, halina't sabayan mo narin kaming kumain" rinig ko ang boses na may saya kay ina. Sino namang bibisita saakin gayong wala naman akong kaibigan dito?.Nang matapos na akong makapaghanda ng aking sarili bumababa na ako at nagtungo sa kusina gulat kong tiningnan ang isang lalaking ngayon ay nakatalikod saakin kausap ang aking mga magulang, alam kong si Isagani iyon ngunit bakit siya naririto?, "Ligaya Anak halika na", ngumiti ako kay ama at umupo sa tapat ni Isagani, hindi ako makakibo ng maayos dahil lahat ng galaw ko ay batid niya at isa pa ay naririto rin sina Ina at Ama.
Natapos ang tanghalian at naiwan ako sa aming kusina upang ligpitan ang aming kinainan, magmula ng mawalan ng trabaho si Ama ay nagbawas narin kami ng kasambahay at tanging si Manang Ester na lamang ang natira, kahit naghihirap kami ay hindi ito pinapahalata ni Ina hanggat hindi ko pa nagagawang mapaibig si Isagani.
"Binibini tulungan na kita riyan" wika ni Isagani sabay kuha ng mga hawak kong plato at inilagay ito sa hugasan, wala na akong nagawa dahil mabilis niya itong nakuha saakin, "Binibini ibig ko sanang malaman kung maaari kitang maging kaibigan" nakangiti siyang nakatingin saakin, "Ah-Ah, walang problema ginoo ikinagagalak kong maging kaibigan ka" ngumiti ako at pumasok sa aking isip ang misyon.
*******Hindi parin maalis sa aking isip kung bakit kakaiba ang ikinikilos ni Isagani saakin gayong alam kong may kasintahan siya, "hindi ba dapat ako ang gumagawa ng paraan upang mapalapit sakanya, mukang hindi na ako mahihirapan sapagkat siya na mismo ang nais makilala ang tulad ko" sambit ko habang nakatingin sa mga bituin.
Malalim ang gabi ng makarinig ako ng mga sigaw at pagdadabog sa labas ng aking silid, mabalis akong bumaba at naroon si Ginoong Leonardo siya ang naniningil ng mga buwis at mga kabayaran sa mga lupain at kung ano mang kagamitan na may malaking halaga, galit na galit ito habang kausap si ama, "Ginoong Leonardo pakiusap huwag mong idamay ang bahay na ito upang mabayaran ang aking pagkakautang, pangako sa susunod na buwan at gagawa akong paraan upang mabayaran ka, Sana ay walang makaalam na nangyari ang lahat ng ito", pagmamakaawa ni Ama kay ginoong Leonardo, "Sige, ngunit kung sa susunod na buwan ay hindi mo mabayaran ang lahat, tandaan mong ako mismo ang magpapaalis sainyo rito at malalaman ito ng lahat", galit na umalis si Ginoong Leonardo sa aming bahay at bumaliw ang katahimikan sa loob.
"Ama, Ina, pangako sa loob ng isang buwan gagawin ko ang gusto niyong mangyari kung mabilis man ang lahat wala na akong dapat ipagpaliban pa, para sainyo ang gagawin kong ito", tumulo ang luha sa aking mga mata naparang sasabog ang aking damdamin sapagkat hindi lingid sa kanilang kaalaman na ayoko naman talagang gawin ang lahat ng ito, gusto ko na lamang matapos ang lahat upang bumalik na ako sa dating ako, ang Ligaya na hindi mananakit ng sinuman para sa sariling kapakanan.
*******
Unang araw ito ng Hunyo, dahilan upang kalimutan ko muna ang Ligaya na aking nakasanayan, sisimulan ko na ang misyon na ito ng walang halong pagaalinlangan. Kakalimutan ko muna saglit ang aking sarili para sa aking mga magulang.Maaga akong gumising upang magluto ng paborito kong pagkain ito ay Kare-kare, simula pagkabata ay tinuruan na ako ni Manang Ester kung paano ito lutuin at simuli noon ay naging paborito ko na ito. Dadalhan ko si Isagani ng niluto kong ito kaya medyo dinamihan ko ang luto, katanghalian na ng nagtungo ako sa Mansyon ng mga Del Rosario upang makausap muli si Isagani hindi naman ako nahirapan dahil kilala na din ako ng mga guardia sibil, sinalubong niya ako sa may hardin kung saan ako dinala ng kanilang kasambahay, "Ligaya bakit ka nagtungo dito?", napahawak ako ng mahigpit sa dala kong pagkain, "Ahh wala, nais ko lang magpasalamat noong nakaraang araw na nagpunta ka saamin" ngumiti ako at iniabot ang niluto kong kare-kare, "ah-eh, ito nga pala masarap iyan lalo at mainit-init pa", binuksan ni Isagani ang sisidlan at napangiti sa halamuyak ng mabangong amoy ng kare-kare, "Binibini batid kong magaling kang magluto sa amoy pa lamang nito, halika at sumabay kanang magtanghalian saamin" nakita ko ang galak sa kanyang mga mata at sinundan ko na lamang siya hanggang sa makarating kami sa lanilang hapag.
Inakala kong makakasama ko sa hapag ang kanyang Ama at Ina ngunit wala pala ang mga ito dahil may kailangang asikasuhin sa kalakalan, "Akala ko pa naman ay makikilala ko sina Don at Doña Del Rosario tayo lang palang dalawa at inyong mga kasambahay ang naririto" napangiti na lamang siya at batid kong gustong-gusto niya ang aking niluto, "Binibini may inaasikaso lamang sina Ina at sa kabilang buwan pa ang kanilang balik", ngumiti na lamang ako, patuloy pa din siya sa pagkain na tila gutom na gutom, "ah-ehh, si Binibining Susan?, akala ko ba ay narito din siya?", tumingin sa akin si Isagani at nakita ko ang galit at lungkot sa kanyang mga mata, "pa-pasensya na" tugon kong muli.
Natapos kaming kumain at nagtungo muli sa hardin, "Binibini, batid kong nais mong malaman ang tungkol samin ni Susan, mula rin siya sa isang mayamang pamilya na gaya namin ay mangangalakal rin ang ikinayaman, kapatid siya ng aking kaibigan na si Jose Dela Vega, simula noon ay ipinagkasundo na siya ng aking mga magulang, gustuhin ko mang makapangasawa ng isang binibini na tunay kong mahal ay wala na akong nagawa at sa pagtagal ng panahon natutunan din ng puso ko ang mahalin ang isang tulad niya, Kahit na nakikita kong hindi buo ang pagmamahal niya saakin ay wala narin akong magagawa", malungkot akong tumingin sakanya at iniabot ang panyolito kong kinuha mula sa aking bulsa, hindi ko batid na ganito pala kalambot ang puso niya at pati ako ay nakokonsensya sa aking gagawin, "Ngunit mahal mo siya hindi ba?", tumingin ako sakanya at gayun din siya sa akin, "Oo, ngunit iba parin kapag nagmahal ka ng hindi tinuruan ang puso".
"Ginoo, Maraming Salamat nga pala", banggit ko habang papalabas na kami ng kanilang bahay, "Binibini maari mo na lamang akong tawaging Isagani ngunit kapag tayo lamang ang magkausap", tumawa ako at sumagot "Kung iyan ang iyong gusto".
******
Naguguluhan pa din ako sa mga ikinikilos ni Isagani, bakit parang ang bait niya saakin?, pero mas makabubuti nga iyon upang hindi na akong mahirapan pa. Dumungaw muli ako sa bintan na aking silid, naramdaman ko nanaman ang malamig na hampas ng hangin, "Kung natuturuan ang pusong magmahal, Higit din ba ito tulad ng kusang pagtibok ng puso sa isang iniibig mong totoo?", huminga ako ng malalim na para bang nagaantay ng sasagot sa aking mga katanungan, sandali lamang ay dinapuan na ako ng antok at nagpasyang matulog na lamang.********
Sinamahan ko si Ina upang magtungo sa Bayan upang mamili, nakikita kong naghihirap na kami ng tuluyan kaya't mas lalo ko pang pagsisikapin na magawa ang aking misyon sa loob ng buwan na ito. Humiwalay ako kay ina upang mabili na ang ibang kailangan nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran "Binibini, maaari ba kitang samahan?" Napatalon ako sa gulat makita kung sinong ang lalaking iyon...si Isagani, "Oh, Isagani bakit ka nandito?", tumawa siya at saka nagsalita "Nasa plaza ako ng nakita ko kayong bumaba sa pamilihan kaya't sinundan ko kayo, patawad kung nagawa ko kayong sundan nais ko lamang na makita at makausap kang muli", ngumiti ako at napahigpit ang hawak ko sa bayong na aking dala-dala, "ah-eh, ganun ba" tugon ko tsaka niya kinuha ang dala kong bayong.Natapos kami ng pamimili at hinanap si ina, "Ina napamili ko na po ang mga nakalista dito, nakita po pala ako ni Ginoong Isagani kaya't naririto siya" ngumiti si Ina saamin at nagbigay galang naman si Isagani, "Maganda Umaga po Doña Milinda" bati ni Isagani, "Maganda umaga rin Hij0, mauuna na akong umuwi upang mailuto ko na ang mga ito saamin ka na lamang mag tanghalian" tumango si Isagani at ngumiti kinuha ni Ina ang mga napamili ko at nagbigay galang saamin bago tuluyang umalis, naiwan kami ni Isagani sa gitna ng pamilihan. Batid kong may plano si Ina kaya niya nagawang umalis ng ganung kabilis.
"Batid kong napakamasayahin ng iyong Ina Ligaya" ngumiti ako at naglakad na kami palabas ng pamilihan.
"Ngayon Isagani alam ko na kung bakit tila umaayaw kana saakin, parang noon lamang ay sabik ka sa aking pagmamahal ngunit ng dumating ang babaeng iyan ay tuluyan mong nakalimutan ang aking mararamdaman oras na ako'y magbalik, kung akala mo ay maiisahan mo ako, Pwes, nagkakamali ka", nawalan ako ng malay matapos akong bugbugin ng mga guardia sibil na kasama ni Susan, ramdam ko ang pagkawala ng mga luha sa aking mga mata at ang pagalis ng mga yapak na aking naririnig, naiwan akong magisa sa isang sulok ng plaza puno ng pasa,dugo at sugat. "Magbabayad kayo, magbabayad kayong lahat!" Sa huling sigaw ko ay tuluyan nakong napatulagpa sa lupa at nawalan ng lakas.....
To be continued.....
===========
#Ligaya
Photo from:
https://www.flickr.com/photos/johntewell/18570412188/sizes/l/
BINABASA MO ANG
LIGAYA
Historical FictionSi Ligaya Salazar ay nagiisang anak nina Doña Milinda At Don Raymundo Salazar na kilala sa larangan ng medisina na kinalaunan ay tuluyang naghirap. Mapipilitan siyang paibigin ang anak ng isang mayamang mangangalakal na si Isagani Del Rosario upang...